Kabanata 5 | Parusa

1159 Words
Mistake? Pagkakamali? May hinuha na ako sa kung anong ibig niyang sabihin. Sa kung bakit ayaw niyang narito ako sa mansion nila, nagtatrabaho. Pero ayaw kong isipin dahil ayaw ko namang lumabas na assumera ako. “Huwag mo kasing tingnan ang presyo.” Nilingon ko si Madam Evelyn nang hawakan at ibaba niya ang kamay kong may hawak sa price tag ng damit. Kasalukuyan kaming nasa mall. Nandito ako, kasi ako ang napili niyang isama. Kahit na ang dami namang ibang kasamahan ko na pwede niyang isama sa pag sh-shopping. Pakiramdam ko tuloy ay sinasadya niya akong inggitin. Kanina niya pa ako pinapapili ng damit pero marami na lamang siyang nabili ay wala pa rin akong napipili kahit isa. Dahil panay ang tingin ko sa presyo. Ang mamahal naman kasi dito. At liban pa doon ay naglalakbay ang utak ko sa kung saan. Hindi ako pinapatahimik ng mga salita ni Sir Jacob. No’ng isang araw pa ‘yon pero hanggang ngayon ay presko pa sa utak ko na para bang kanina ko lang ‘yon narinig. “Nakakahiya po kasi kung pipili na lang po ako basta. Saka po hindi po ako sanay magsuot ng mga ganitong klaseng damit. Mas komportable po ako sa tshirt at pantalon. Matamis na ngumiti sa akin si Madam Evelyn. “Hija, pagbigyan mo na sana ako. Wala kasi akong anak na babae kaya nananabik talaga ako sa tuwing may mga nakikilala akong katulad mo.” Parang may plano pa siyang gawin akong manika! Ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya. “Kung ganoon po ay kayo na lamang po ang pumili ng damit para sa akin.” “Hm… Sige. Mas gusto ko ang suhestyon mong ‘yan. Halika dito. Yeey, excited na akong bihisan ka ngayon.” Nakangiti akong sumunod sa kanya. Kahit nahihiya at hindi sanay ay excited rin akong makasuot ng magandang damit. Lalo pa at mamahalin. Naging masaya ang pamimili namin ni Madam Evelyn. Umuwi kami sa mansion na naroroon pa rin ang ngiti sa aking labi. Lalo pa at may hawak-hawak akong walong paperbags na naglalaman ng magaganda at mamahaling bestida. Nawala lamang ang ngiti sa aking labi nang nakita ang reaksyon sa mga mukha ng mga kasamahan kong katulong. Parang hindi sila masayang ibinili ako ng mga damit ng Donya. Umusbong din ang kaba ko nang nakita ang galit sa mga mata ni Sir Jacob na ngayo’y papalapit sa amin sa b****a, habang nakasunod sa ama niyang si Don Elias. “Did you enjoy?” salubong na tanong ng Don sa Donya. “I had so much fun! Lalo na itong si Precilla. Sobrang nag enjoy akong pilian siya ng mga damit. Kay gandang bata. Lahat ng ipinapasukat ko sa kanya ay bumabagay sa kanya,” nakangiting sambit ni Madam Evelyn na nagawa pa akong lingunin. Ginantihan ko rin siya ng ngiti pero hindi ‘yon nagtagal nang narinig naming magsalita si Sir Jacob. “Mom, baka nakakalimutan mong katulong natin ‘yang batang ‘yan dito. Hindi mo na dapat siya isinama. Tingnan mo ang ibang mga kasama niya. Pagod. Habang siya, nagpapasarap.” “Jacob!” agad na saway ng Donya sa anak. Anong nagpapasarap sinasabi niya? Akala ba niya madali magbitbit ng napakaraming paperbags? Tss! “But it’s true! At ‘yang mga hawak niyang paperbags. Don’t tell me sa kanya lahat ‘yan!” “Jacob, stop!” ngayon ay ang Don naman ang sumaway sa kanya. Umirap si Sir Jacob kasabay ng malakas niyang pagbuga ng hangin. “Hija, don’t mind him. Dalhin mo na ‘yan sa silid mo ‘yang mga ibinili ko para sa ‘yo,” si Madam Evelyn sabay haplos niya sa mahaba kong buhok. “Sige po,” sabi ko saka tinalikuran na silang lahat upang magtungo sa kwarto naming mga katulong. “Sa kanya nga. You bought her things na hindi naman niya kailangan!” Narinig ko pang sabi ni Sir Jacob pero hindi ko na pinansin. “Ang gara naman. Wala ka pang isang lingo dito ay may mga ganyan ka na kagagandang damit. Samantalang kami na halos dito na ipinanganak ay hindi man lang isinama ng Donya sa labas para ilibre niya sa mamahaling restaurant.” Habang isa-isa kong inaayos ang mga bagong biling damit sa lagayan ay biglang pumasok si Dina. Nginitian ko lamang siya. “Gusto mo ba sa ‘yo na itong iba? Halika, pumili ka ng babagay sa ‘yo,” alok ko pa pero inismiran niya lang ako. “Naku! Huwag na. Baka hanapin pa sa ‘yo ‘yan ni Madam Evelyn.” “Hindi naman siguro. Bigay niya na ‘to e. Siguro naman ay wala na siyang karapatan sa kung anong gusto kong gawin sa mga ito.” Kumunot ang noo ni Dina. Ilang sandali siyang nanahimik. Nang akmang magsasalita na sana siya ay siya namang pagpasok ni Ate Vicky. “Pinapatawag ka ni Sir Jacob,” sabi niya sa akin. Hindi ako nakasagot. Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako pinapatawag. Alam ko na naman na kung anong gusto no’n. Sigurado akong mamaliitin na naman niya ako. “Mukhang paboritong-paborito ka ng mga amo natin ah!” patutsada ni Dina. “Huwag ka nang maiinggit, Dina. Sigurado akong may ginawa ‘yan kaya siya kinagigiliwan ng mga amo natin ngayon. Anong gamit mong pabango, Precilla?” sabay tawa ni Ate Vicky. Hindi ko na lamang sila pinansin at tahimik ko na lamang na binaybay ang daan patungo sa bahay ng Sir Jacob. Pagkarating ko’y agad niyang itinuro ang kusina. “Ipagluto mo kami ng hapunan. May mga bisita akong darating.” “Ilang putahe po ba ang lulutuin ko?” “Ikaw na bahala. Siguraduhin mo lang na masarap saka sakto sa 15-20 people. And oh! Ipagluto mo rin kami ng pulutan.” Napanganga ako. Gulat akong napatitig sa kanya. Pinaparusahan ba niya ako? “What?” may mapaglarong ngisi sa labing aniya. “Hapunan para sa bente katao?” “Why? Hindi mo kaya? Then you’ve just proved me right. Hindi worth it na binilhan ka ni mommy ng mamahaling damit na alam naman nating x5 pa yong presyo sa sahod mo ng isang araw.” Nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagkainis. Gusto ko siyang sagut-sagutin at murahin pero itinikom ko na lamang ang bibig ko. Amo ko pa rin siya at hindi Magandang suwayin ko siya sa kung anong gusto niyang ipagawa sa akin. Isa pa ay bago ako binilhan ni Madam Evelyn ng mga gamit at pinakain sa mamahaling restaurant ay ‘yon ang naging kasunduan namin. “My son; Jacob, is alcoholic. He’s a good son, pero nagiging ibang tao siya kapag nasobrahan sa alak. Hija… Ibibigay ko kahit anong gusto mo. Ipangako mo lang sa akin na babantayan at aalagaan mo ang anak kong si Jacob. Ayaw kong bumalik siya sa dati niyang gawain. Gusto kong tulungan mo siya. Can you promise me that?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD