Chapter 22 - Knowing Him More Sa mga sinabi ni Ma'am Bayona, pakiramdam ko ang dami nyang alam at tila kabisado pa nga ata nya ang likaw ng bituka ni Ton. Nakakailang tuloy dahil ako ang girlfriend pero hindi ko iyon alam. Mahigit isang buwan na nanliligaw si Ton at last week lang ay kami na pero ni isang tanong tungkol sa kanya, hindi ko man lang nagawa. Pakiramdam ko tuloy, sya lang ang may pakialam sa akin dahil sya ang panay tanong sa background ko. Sa mga ayaw, gusto, at ano pa man. Nabalik ako sa ulirat when he snapped his fingers in front of my face to get my attention. "Huy." Tawag nya sa akin. "A-ano?" Bumaling sya sa akin bago bumalik ang tingin sa daan. Nakaalis na kami ng restaurant pero nandoon pa din ang utak ko sa pag-uusap namin ni Ma'am Bayona. "You okay?" Ch

