Chapter 28 - Goodbyes Tahimik ang mga alon ng dagat ng Benham sa gitna ng bilog at maliwanag na sikat ng buwan. Patuloy lang sila Stinger at Piccolo sa pag-sagwan kasabay ng mga kayak ni Maestro, Scorpion at Stalone at ng Bravo team ni Travis. Sila Dos ay nag-iba na ng daanan kanina pa dahil far right ang islang pakay nila. Matagal na kaming nandito at nagpapalutang lutang pero wala pa din akong matanaw na lupa. "Hay naku, ang hirap naman sundan nitong mapa kapag madilim." Reklamo ni Piccolo. "Sinabi mo pa." Sang-ayon ni Stinger. "Pagtapos talaga nito, lulubusin ko ang passes natin at pupunta ako sa malayong-malayo." Natawa ako sa sinabi nyang iyon kaya nilingon ko sya sa likuran. "Saan ka naman pupunta aber? Baka pwede mo kong isama dyan." Sabi ko. "Wag ka nang sumama, Kapitan

