Kabanata 34

2756 Words

Masaya ang buong paligid—may tawanan, kantahan, at hiyawan mula sa mga lasing na nag-iinuman. Ang mga bata naman ay abala sa pagtakbo at paglalaro sa gilid, halos walang kapaguran sa kakulitan. Ang simoy ng hangin ay may halong amoy ng inihaw na baboy at manok, nagpapadagdag sa kasayahan ng selebrasyon. Nakaupo lang si Rosana sa mahabang bangko, hawak ang isang kutsarita at ang malamig na mangkok ng buko salad. Pinapakiramdaman niya ang tamis ng gatas at linamnam ng niyog habang nakikipagkwentuhan sa mga babae roon. Tila natural na paksa ang panganganak at pagpapalaki ng anak sa kanilang grupo. “Itong bunso ko, wala akong ginastos diyan kahit piso,” pagmamalaking sabi ng isa habang nagtatawanan ang iba. Tahimik lang si Rosana, nakikinig habang ninanamnam ang dessert niya. Ngunit sa kabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD