3 years later… “Kung gaano kaganda ang mansyon ay siya ring napakalungkot ng kuwento sa likod nito.” “Ilang taon nang binabahayan ng mga masasamang esperitu at kaluluwa ang mansion. Noong biyernes santo, may nakitang white lady sa taas ng bintana nakabitin umano.” “Yung mga estudyante rin kagabi, nagsitakbuhan dahil may babaeng umiiyak daw na tila humihingi ng tulong.” “Kaya pala unang kita ko pa lang sa mansyon ay nanindig na ang mga balahibo ko. Talagang isinumpa ang mansyon, kaya walang sinuman ang naglakas loob pumasok riyan sa loob.” I-ilan lang mga istoryang pawang kathang isip lamang ng mga residente ng Maria Makiling. Sanay na si Rosana sa mga kaliwa’t kanang kuwentong barbero sa tuwing bumibisita siya dito sa mansion na minsan niya rin naging tahanan. Naglalakad siya pa

