Dumiretso siya sa Mansyon wala siyang naabutan kundi ang kasambahay lamang. Hindi rin nito alam kung saan nakatira ngayon si Stan. “Bakit po hindi kayo tumungo sa kapitolyo? Baka po nakaduty ang secretary ni Gov baka alam niya ang bahay.” Suhestyon ng maid. Binaba niya ang telepono hindi sumasagot ang landline. “Wala ka bang number sa driver ni Stan o kahit sino sa tauhan niya?” tanong niya. “Ay oo pala. Meron ako, señorita!” “Talaga? akin na?” Dali-daling kinuha ng maid ang phone nito at hinanap ang contact number isa sa mga tauhan ni Stan. Kaagad niyang tinawagan agad nitong sinagot. “Hello, mahal?” Masayang bungad sa kanya ng tauhan. Napatingin siya sa maid bigla itong nag-iwas ng tingin. “Namiss mo na ako agad, mahal? pasensya kana hindi pa ako makaalis kasi binabantaya

