Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Kasabay kong nag lalunch sila Lea Jane and Joey. It's been 2 weeks since magkita ulit kami ni Adrian and since sinabi ni Harvey na mahal pa rin niya ako. Palagi niya akong kinukulit at ginugulo. Palagi ko rin siyang tinataboy. Kahit anong bato ko sa kan'ya ng masasamang salita hindi niya ako tinitigilan. Lapit pa rin siya ng lapit. Tuwing sinasabihan ko siya ng masasakit na salita hihinto lang ito ng panandalian at ngingiti ulit na tila walang narinig. Tuwing nasa office naman lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sakin. Lagi niya rin akong pinag luluto na hindi ko naman kinakain. Harap harapan kong pinapakita sa kan'ya na ayaw ko sa kan'ya, na kinamumuhian ko siya. Tila lahat ng ginagawa ko dati para mapansin niya ako o mahalin niya ako gan'on

