Bigla akong napatayo nang maramdaman ko ang presensya ni Harvey. Napalunok ako nang dumapo ang paningin nito sa 'kin. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Sobrang bilis ang t***k ng puso ko. Para akong daga na takot mahuli ng pusa. Napalunok pa ako ng ilang beses bago mag salita. "Kanina ka pa ba diyan?" pinilit ko ang sarili kong hindi mautal sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Bahagya pa akong ngumiti para itago ang kabang nararamdaman ko. Sandali ako nitong tinititigan bago ngumiti at umiling. Para akong nabunotan ng tinik sa sagot nito. Pinakalma ko ang sarili ko at inayos ang pagkakatayo. Luminga-linga ito tila may hinahanap. "Nakita mo ba ang cellphone ko?" nagtaas ang isa nitong kilay. "Huh?" gulat kong tanong. "Did you see my phone?" He asked again. "Ah!" nang maintindi

