"I want you to love me again." "I love you." Agad akong napabangon galing sa pagkakahiga at malalim na bumuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi nito. It just word. Maaring nag sasabi siya ng totoo niyang nararamdaman o hindi. At saka ilang ulit ko na iyong narinig sa kan'ya pero walang nag babago sa huli ako parin ang nasasaktan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit napaka big deal pa rin nito sa 'kin. Ano naman ngayon kung totoo ang nararamdaman niya? Ano naman ngayon kung totoong mahal niya ako? Hindi mag babago ang lahat dahil sa mahal niya ako. At mas lalong hindi magbabago ang katotohanan iniwan niya 'ko para sumama kay Hannah. At hindi mag babagong namatay ang anak ko ng dahil sa kan'ya. Tuwing naiisip ko 'yon naninikip ang dibdib ko. At nakapag

