Love is so unfair. Kapag nagmahal ka talo ka. Kapag nag tiwala ka talo ka. Kapag umasa ka talo ka. Namamanhid ang lalamunan ko nang abutan ako ng tubig ni Adrian. Agad ko iyon kinuha at ininom. I smiled slightly. "Thank you." He nodded at umupo sa tabi ko. "What happened?" tanong nito gamit ang seryosong tono. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya ang lahat. Wala akong planong mag kwento tungkol sa past ko sakanya. Pero alam kong nag aalala siya ng masaksihan niya ang nangyari kanina. Paalis na ako noon habang patuloy ang pagbuhos ng ulan ng biglang may nanghila muli sakin. Akala ko sa Harvey iyon kaya't handa na sana akong sampalin siyang muli nang makita kong si Adrian iyon. Agad niya akong inalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang mag kwento. "Who

