Hindi na muling nag tanong si Harvey pag katapos kong sagutin ang tanong niya. Laking pasasalamat ko rin nang hindi na muling nag pakita si Hannah. Sana hindi na siya manggulo pa. Sana wag na siyang bumalik pa upang sirain ang kaligayahan ko. Sana nga. Napatingin ako sa orasan ng coffee shop namin. It's already 11:30 am. Malapit na pa lang mag lunch. May usapan kami ni Daddy na sabay kaming mag la-lunch sa bahay niya. Nag paalam rin ako kay Harvey na sa bahay ako ni Daddy mag la-lunch at naiintindihan naman niya iyon. Lumapit ako kay Ate Ellen ang pansamantalang pumalit kay Ella para may kasama akong magpatakbo ng coffee shop namin. "Ate Ellen aalis na po ako... Kayo na hong bahala dito." nakangiti kong paalam. "Sige hija.. Mag iingat ka." nakangiti rin itong tumogon. ---- Pag karat

