MATAPOS na maihatid ni Jared sa mansiyon ng mga ito si Monette ay dumaan muna siya sa supermarket pala bumili ng beer can at mapupulutan na rin niya.
Muli siyang bumalik sa burol upang doon uminom. Unang beses na iinom siya sa tanang buhay niya.
Kaya ng makadalawang lata na siya ng beer ay mahilo-hilo na siya. Bubuksan na sana niya ang pangatlong lata ng makarinig siya ng tikhim sa tabi niya.
“E-Eros? I-Ikaw nga ba iyan, o namamalikmata lang ako?”naiiling at nabubulol niyang sabi.
“Of course! Ako nga si Eros ang magandang nilikha na hulog sa langit ng ama ng lahat!”kumumpas-kumpas pa ito sa harapan niya.
“Talaga lang huh! Oh bakit ka naririto?”walang anu-ano’y tanong ng binata.
“Dinadalaw ka, ano pa ba? Hmmm! Hindi ka naman umiinom ah Jared? Bakit ngayon mukhang nagpapakalasing ka?”Nakataas ang kilay na tanong nito sa lalaki na muling tumungga sa nabuksan na lata.
“Akala ko ba makapangyarihan kang damulag? Bakit tila wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin ngayon?”
“Ano ka ba ginoo! Hindi lang naman ikaw ang binabantayan ko. Actually napakarami niyo!”nakasimangot na sabi ni Eros.
“Ganoon ba sorry naman, hindi ko naman aakalain na marami kami. Akala ko, ako lang,sabagay sino ba ako para piliin, para maging ka-espe-espesyal? Diba Eros?”
“Hay naku! Ang drama mo! Lasing ka na talaga Jared. Mali ka ng iniisip, actually ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat kahit napaka harsh mo minsan.”
“Wow! Salamat dahil diyan, love! Love na kita!”Kasabay niyon ang pagyakap at paghalik ni Jared sa pisngi ni Eros na mukhang nagulat sa ginawa niya.
“Eeww! Your so disgusting! Yuck! Tama na nga iyan Jared. So ano, maglalasing ka na lang ba rito? Wala ka ng gagawin para bumalik sa’yo si Monette. Ganiyan ka na ba kadaling sumuko?”
“Akala mo lang iyon, pero ginawa ko na ang lahat para bumalik siya. Pero alam mo ang natutunan ko sa lahat ng mga nangyari. . .”
“Ano?”tanong ni Eros.
“Tanggap ko na, kung kay Brix siya sasaya okay lang. Sa tingin ko naman maibibigay ni Brix ang lahat sa babaeng mahal ko. Naiintindihan mo ba ako huh! Eros. . . ganoon ko kamahal si Monette. Pero salamat sa’yo dahil iminulat mo ako sa katotohanan kahit ang totoo hindi ko alam paano uli mag-umpisa na wala sa tabi ko si Monette.”Mapaklang saad nito at tuluyang napaiyak ang binata.
Napangiti lang ang kasama niya.
Hinimas-himas ni Eros ang likuran niya. Itinaas muli ni Jared ang ulo, nakatingin mula sa labas ng kotse ito. Hanggang mapagkit ang atensiyon niya sa mabituin na kalangitan at buwan na binabalutan ng dilim.
Kahit nahihilo’y nahagip pa nito ang mabilis na pagdaan ng isang shooting star.
Napapikit si Jared at pinagsalikop ang mga kamay sa harapan, tulad ng lagi niyang nakakagawian dati na tila nanalangin.
“Ano ang ini-wish mo Jared?”mayamaya’y naitanong ni Eros.
Ibinukas naman ni Jared ang mga mata. Tuluyan niyang itinapon sa labas ang wala ng laman na lata. Nag-umpisa nitong paandarin ang sasakiyan niya.
Sa tingin ng binata’y kaya pa niyang magmaneho pauwi.
“Iyong matagal ko ng hinihiling Eros,”usal ni Jared. Mas binilisan na niya ang pagpapatakbo.
“Ang alin Jared?”patuloy na pagtatanong ng kasama niya.
“Sana pagbigyan na ng nasa itaas ang hiling ko. Na tuparin na niya ang siyang makakapagpaligaya kay Monette, sana naman ngayon ay matupad na iyon. . .”malungkot na sabi ng binata na papikit-pikit na.
“Don’t worry Jared, matutupad iyan dahil ikaw ang humiling . . .”puno ng kasiyahan na sambit ni Eros.
“Oo naman dahil si Brix ang sa tingin kong magbibigay ng happily ever after ni Monette.”
“Mali ka, dahil ikaw lang ang sagot sa lahat ng hiling ng pinakamamahal mong babae Jared. . .”
Dahil sa sinabi nito’y tinapunan ng pansin ni Jared ang direksyon ni Eros. Kitang-kita niya ang makislap na mata nito.
“Sana nga ako na lang talaga. . .”huling bitaw ng salita ni Jared.
Mayamaya’y isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa harapan ng kotse ni Jared.
Kasabay ng malakas na salpukan ng sasakiyan ng binata sa nakasalubong nitong truck sa highway. . .
FEBRUARY 14, 2021
ISANG paghugot ng hangin ang nagmula kay Jared ng mga sandaling iyon. Unti-unti niyang iminulat ang mga talukap ng mata sa mga sandaling iyon.
Binalot ng mga nagulat at masayang hiyawan ang buong silid na kinaroroonan ng binata kung saan siya nakaconfine.
Kahit takang-taka ay kusang iniabot ni Jared ang magandang mukha ni Monette na nanatiling nakatunghay sa kaniya.
“T-Thanks G-God! You’re already a-awake love!”Hagulhol na sabi ni Monette.
Isang ngiti ang naisukli na lamang ni Jared.
Akala niya nanaginip na naman siya, katulad dati na umiiyak sa harap niya si Monette.
Isa-isa naman nagsilapitan sina Aleng Clemencia, Mang Ramil at ang ibang mga kapatid ni Jared.
Sa halos apat taon na lumipas ng pagkakacoma ng binata ay hindi siya iniwan ni Monette. Umasa ito at nanindigan sa pagmamahal nitong muling gigising ang pinakamamahal niyang si Jared.
Ang totoo’y ito ang comatose, naging tauhan ito ni Eros sa binuo niyang mundo. Upang ibalik ang dating Jared na nagmamahal kay Monette. Hindi nabigo si Eros dahil sa huli’y natutunan ni Jared ang maging mapagkumbaba at makita nito ang mga bagay na mahalaga rito.
Habang si Monette ay naniwala rin na walang imposible sa pag-ibig na kayang maghintay hanggang sa muli silang pagbukludin ng nasa itaas. . .
NAGDIDIWANG naman ang lahat ng cupid sa kinahinatnan ng naging adventure ni Eros sa lupa.
“Hindi ba’t sinabi ko na hinding-hindi ako pumapalya, sanggol na may pulang buhok!”Mapanglait na tuya ni Eros sa kasamahan niyang cupid na natahimik na lamang.
Itinaas na nito ang mukha at nakipag-high five sa mga sumalubong sa kaniyang kapuwa cupid.
Isang masaganang handaan ang nadatnan nito sa muling pagbabalik niya sa pinagmulan. Kitang-kita niya ang mga alak na nakakalat sa paligid na inumpisahan ng inumin ng ibang mga kasama niya.
Ang ibang mga cupid ay nagsasayawan na’t nagkakantahan.
Nagtatalon si Eros sa kasiyahan ng makita niya sa harapan ang ama’t ina na matagal din nawala. Dahil sa mga nakaatang din obligasyon na ibinigay ng ama ng nakakataas.
“Congratulations Eros! Nagawa mo ng maayos ang ibinigay na pagsubok sa iyo ni ama. Ngayon maari mo ng hilingin ang kahit na ano. . .”si Aphrodite na matamis ang ngiti na nakatitig sa anak.
Kumislap ang mga mata ng mapagbirong cupid, mabuti na lang at umayon sa kaniya ang plano. Dahil tiyak niyang sisihin niya ang kaniyang sarili sakaling hindi nagkatuluyan si Monette at Jared.
“Gusto ko lang ina ay isang masaganang buhay na nag-aabang sa hinaharap nina Jared at Monette na sana anuman pagsubok ang dumating ay makakaya nilang malagpasan. Sabagay, kahit hindi ko hilingin ay natitiyak kong kakayanin nila. Dahil matibay ang pag-ibig nila sa isa’t isa. . .”
WAKAS