Chapter 20: Secret and decision
Two weeks later...
"P-PARA saan po ang plane ticket na 'to, mom?" I asked my stepmom nang biglang binigyan niya ako ng ticket.
Patungo ito sa States at hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Malulungkot dahil pagtatabuyan na niya ako sa ibang bansa?
"You have an operations there, Mikael. Bukas ang flight mo. May kaibigan na ako roon na mag-aasikaso sa 'yo," sabi nito sa akin.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas at nakabalik na ako sa mansion namin. Si kuya Markus pa ang sumundo sa akin at tila naka-move on na rin si mom sa pagkawala ng kuya ko. Pero alam kong nasasaktan pa rin siya.
"Operations? F-For what? W-Wala po akong sakit, mom," I told her.
"Exactly, wala ka ngang sakit pero sana mayroon na lang. Para madaling makaalis ka na sa pamamahay ko. Dahil sa pamilyang ito, ikaw ang pinaka-malas. Mabuti sana kung nangyayari lang ito sa 'yo pero hindi! Nadamay pa pati ang anak ko! Dumating ka lang sa buhay namin ay naging ganito na ang pamilya ko! Dapat noon pa lang ay hindi na kita kinupkop!" paratang nito sa akin at nasaktan na naman ako.
Nasaktan na naman ako sa pinagsasabi niya. Ngayon, nararamdaman ko na naman na unwanted ako sa pamilyang ito.
Na walang nagmamahal sa akin. Na wala na akong kakampi.
"Pero para saan po ang operation?"
"Give up your gender, Mikael. You need to be a boy for real. Hindi lang puro pagpapanggap ang gagawin mo. Dahil alam ko darating ang panahon na malalaman nilang babae ka at hindi ka lalaki. Change your real gender," seryosong sabi nito sa akin at doon na ako natigilan.
"Kung mawala na ang patunay na isa kang babae ay muli kitang tatanggapin, Mikael. And so on, ma-eengage ka sa ibang babae. Give up your gender, ASAP."
"No, mom."
Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses ni kuya Markus para na naman akong tinakasan ng kaluluwa. Bigla ay natakot ako...
"M-Markus..." sambit ni mommy at nasa tono nito na kinakabahan siya.
"Leave Mikael alone, mom. Hindi niya dapat gawin 'yon," kuya Markus said at naramdaman ko ang paglapit nito sa akin.
"No! She's a girl, Markus! Kailangan niyang maging lalaki hindi lang puro pagpapanggap! Alam mo ang mangyayari kung malalaman nito ng lahat, ng daddy mo at pati si papa!" sigaw ni mommy sa kuya ko.
Nanginig ang buong sistema ko. A-Alam na ni kuya Markus.
"Leave her alone, mom. Hayaan mo siya sa kung ano siya ngayon," giit na saad pa rin niya kay mom.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Markus!"
"And I won't let you na gawin ang gusto mo, mom! She's the only girl in our family! F*ck the family belief! I won't let my little sister suffered from that stup-d sacred family clan! We need to keep her!"
"WHAT?"
"Little sister?"
"G-Give up, what do you mean by that , mom?"
"D-Did I just heard...a girl in the family?"
"She's a girl, who was that?"
Naipikit ko nang mariin ang mga mata ko at tila lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis nang pagtibok nito.
Alam ko na hindi lang ako ang maputla ngayon at kinakabahan. Alam ko na pati si mommy.
Ito ang isang bagay na pilit na tinago at nilihim ng stepmother ko na maging ako ay 'yon din ang ginawa.
Pero...dahil lang sa pag-aaway namin ni mom ay unti-unting nabubunyag ang sekreto naming dalawa.
At sa ganito pa kaaga? P-Paano na ako? Ano na ang mangyayari sa akin?
H-Hindi lang si kuya Markus. Lahat ng mga kapatid kong lalaki at pinsan. Sina kuya Michael, kuya Mergus, kuya Markin, kuya Daziel at maging si kuya Zeland.
Sa boses pa lamang nila ay malalaman ko na kung sino ang biglang sumulpot.
"Si Mikael? S-She's a girl? H-How come?" boses 'yon ni kuya Mergus.
"P-Paano nangyari 'yon, mom? Tinago n-niyo kung a-ano talaga siya?" It was kuya Michael.
"Hindi lang pala siya anak sa labas, babae rin siya," kuya Markin commented.
"Just w-wow. A girl in the family, the only girl. Tita, k-kuya Markus is right. We need to keep M-Mikael," kuya Daziel.
"Pero alam naman nating lahat na hindi puwede. Kung tayo lang, we can accept her but not grandpa, and his sons," kuya Zeland.
Do I need to be happy? Na sa sinabi nila ay tila tanggap kung ano at sino nga ba ako?
"Kailangan na manatili lang ito na isang sekreto. I don't care about the f*cking belief, mom. Kapakanan ito ng kapatid ko, we need to keep her for her to be safe. Alam natin pareho kung ano ang kayang gawin ni grandpa sa kanya. Hindi lang siya itatakwil, the worst is, grandpa might kill our precious girl in the family," ani kuya Markus. Kahit malamig lang ang boses niya ay nasa tono pa rin ang pag-aalala nito sa akin.
This is the first time na makita ko siyang ganito. Na may emosyon sa mga mata niya.
Para akong maiiyak. Parang may kamay na humahaplos sa puso ko.
"I maybe a bad brother for Mikael. But I agree with kuya Markus. Minsan lang nangyayari sa 'tin ang ganito, mom," pagsesegunda naman ni kuya Markin.
"Let her be what she is, tita. Base on your reactions towards my cousin, she must have gone through a lot," marahan ang boses na wika ni kuya Zeland.
"I will take care of her, mom. Just please, don't force her to do that things na alam ko na labag ito sa kalooban ni Mikael," sabi naman ni kuya Michael.
"Ganoon pala 'yon? Kaya pala overprotective si Miko--wait a minute! That brute! May alam pala siya na babae si Mikael?" kuya Daziel.
HINDI na sinabi ni kuya Markus kung paano niya nalaman ang tungkol sa akin at alam ko na hindi lang niya 'yon narinig dahil sa una pa lang ay alam ko na may alam na siya.
Pero ngayon? Mawawala na ba ang takot ko? Ang takot na malalaman ng pamilya ko na isa akong babae at pagkatapos ay itatakwil?
"Kung si Miko ay nagawa kang alagaan at mahalin bilang kapatid niya, sa kabila ng pagiging anak mo sa labas. Bakit hindi namin kayang gawin? We are your brothers, Mikael. Responsibilidad namin ang alagaan ka," 'yon ang huling sinabi sa akin ni kuya Markus bago ang revelation na nangyari kanina.
"Pinsan man kita, mararanasan ko naman kahit papaano kung paano rin protektahan ang nag-iisang babae sa pamilya natin," huling sinabi ni kuya Zeland.
Alam ko na may mas malaki pa ring revelation ang magaganap someday. Alam ko na mas magiging malaking gulo 'yon.
Kahit nakakaramdam ako ng pag-asa na tanggap nila ako ay hindi pa rin naglalaho sa dibdib ko ang pangamba at takot.
Ngayon, maliban kay kuya Miko ay naramdaman ko ulit ang feeling na inaalagaan at pino-protektahan.
***
Hindi ko alam kung bakit na sa halip na didiretso ako sa condo ko ay ang mansion nina Crimson ang pinuntahan ko.
Two weeks ko na rin namang hindi nakita pa ang CEO. He true to his words na iiwasan na niya ako pagkatapos niya akong ipakilala sa tita niya bilang girlfriend niya.
Bumabawi rin siya kay Morry. Kahit na minsan din ay naririnig ko ang pag-uusap ng mga empleyado at mga construction worker na tungkol kina Crimson.
Madalas na raw itong lumalabas at maging sa condo niya ay hindi na siya roon umuuwi.
Dapat hindi ko maramdaman ang sakit at selos na ito pero hindi ko maiwasan.
"Mikael." Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng mommy ni Crimson.
Maaliwalas ang bukas ng mukha nito at tila masaya pa siya na makita ako.
"Oh, my! I missed you, so much, darling!" masiglang sabi nito sa akin at kasabay na niyakap ako nang mahigpit.
"I know this is weird, but my instinct told me may bisita akong pinaka-magandang babae sa mundo!" she happily said and I stilled upon hearing her last words.
"Oh! Nadulas..."
"You knew?" tanong ko sa nanghihinang boses at tumango-tango lang siya.
"The moment I saw you, I know na hindi ka lalaki and it was confirm when you wore my gown, darling," she explained.
I felt nervous all of the sudden.
"Are you mad?" I asked her.
"No. I know you have a reasons. Don't worry, your secret is safe with me, darling. Hindi ko ito ipagsasabi kahit sa mga anak ko pero hindi ang asawa ko. Alam mo ba nagseselos ang asawa ko the moment I mentioned your name? Na kung kailan ka dadalhin ulit sa bahay ng anak ko. So, I don't have any choice to tell him the truth."
"You should be mad," sabi ko at may iilang butil na ng luha ang umagos sa pisngi ko.
"No, it's fine, Mikael. Excited nga rin ako sa mangyayari sa inyo at alam mo na masayang-masaya kami dahil hindi naman talaga gay ang anak namin. Natural lang pala na mararamdaman niya 'yon towards you, because babae ka naman pala talaga."
This is too much revelation...