Chapter 23 : Escaping I WANT to throw this thing called bouquet on my cousin's face. But urgh! I just continue walking hanggang sa makaabot ako sa comfort room ng hotel. At seryoso ako sa sinabi ko na gusto kong itapon ang bulaklak pero... "Opss... That's bad, Mikael. Huwag mong itapon, sayang naman, 'di ba?" Crimson said out of nowhere. Naiwan pa sa ere ang kamay ko at ang bouquet, nahawakan niya ito at ibinaba na ang braso ko. Sumunod pa talaga sa akin ang isang ito. Tss. Hindi ko siya pinansin at pumasok lang ako sa loob ng cubicle. Kinatok naman nito ang pinto. "Baby, mali 'ata ang napasukan natin, nasa women's comfort room tayo, " dinig kong wika niya at hapos kumalabog sa lakas ang dibdib ko. I want to curse someone. Binuksan ko ang pinto at pinukulan ko siya ng masasama

