Chapter 13 : Frustration
"GET OFF," mariing sambit ko sa kanya and I removed his hand then I turn my back from him.
"Hey, wait up!" I heard him shouted.
"Engineer Mikael," tawag naman sa akin ng kasamahan kong engineer.
He's Engr. Francus David. Sumabay siya sa akin sa paglalakad at hinayaan ko na rin. Bahagyang lumayo ako sa kanya dahil nagdidikit ang balikat at braso naming dalawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya 'yon o hindi.
"What do you think, Engr, matatapos ba ang project natin in a half of year?" tanong niya sa akin.
Friendly siya kaya natural na feeling close talaga siya. Pero nasanay naman ako sa kanya. Siya lang din naman ang naglalakas loob na lapitan ako at kausapin. Ang iba naming kasama ay parang aloof at nahihiya sa akin pero madalas naman itong nakangiti sa akin, nga lang namumula ang pisngi at tainga ng mga ito. Hindi ko alam kung naiinitan lang ba sila.
"Depende 'yon," tipid kong wika sa kanya.
"May boyfriend ka na ba, Engr. Mikael?" biglang tanong niya sa akin at napahinto ako sa paglalakad.
"Huh?" nabiglang tanong ko naman. Bakit naman niya 'yon tinatanong sa akin?
"Si manager Myra, it seems she likes you. Well, lahat naman ng babaeng staff ng Amor restaurant ay crush ka. Kahit 'yong mga lalaki ay napapatingin sa 'yo, Engr. Mikael. So, I asked you kung may girlfriend ka na ba o...boyfriend?" Hindi 'ata nag-process sa brain ko ang lahat ng sinabi niya. Nakakabigla ang mga katanungan na 'yan.
"Boyfriend?" I asked him, "is that even possible na may boyfriend ka, kahit lalaki ka?" balik na tanong ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya at sinuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng pants niya.
"Kung wala ka kako girlfriend, o baka boyfriend ay mayroon ka. Men can't resist your charm, Engr. Mikael. Hindi mo ba napa--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may sumiksik sa gitna namin at bumigat ang kanang balikat ko. My heart skips a beat.
"Can I talk to Engr. Mikael for away, Engr. David? I have something to tell to my little brother," baritong saad ni kuya Michael.
Nabigla ako nang makita siya sa site namin. Ngayon ko lang ulit nakita ang kuya ko. Simula kasi nang pagtabuyan ako ng step mom ko ay talagang hindi na ako bumalik pa sa mansion.
Hindi rin naman sila nagpapakita pa sa akin dahil wala naman silang pakialam sa akin.
Masakit sa parte ko pero wala akong magagawa kung ayaw nila sa akin.
"Ah, yes, Engr. Michael," anito at yumuko pa sa kapatid ko. Humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ng kuya ko at kasabay na hinila na ako palayo ro'n.
"Where did you taking me, kuya?" naguguluhang tanong ko nang sa kotse niya ako dadalhin.
"You'll come with me, Mikael. I just need your presence right now, and in return, I'll talk to mom na pauwiin ka sa mansion sa oras na gusto mo. Pasasalamatan mo ako after this, little brother. Saka isa pa, hindi ka dapat mawala sa Brilliantes clan, dahil nakasalalay pa rin ang mana mo sa pamilya natin. You knew our father's favorite son, it's you Mikael," may pangungutyang saad niya.
Favorite son, what he means is, paborito akong kinukutya ni dad. Lahat ng kabutihan na nagagawa ko ay binabalewala niya pero kapag nagkamali ako kahit isang beses lang ay mapapansin niya ako. Na kesyo sa aming magkakapatid ako ang mas walang kuwenta at b-bo.
Ganoon sa realidad, nagkamali ka lang ng isang beses ay kalilimutan na ang nagawa mong kabutihan sa mundo.
"BUT KUYA, I still have work to do. Hindi ba--"
"Importante ba sa 'yo ang trabahong 'yan, Mikael? Kung ako lang si Miko ay hindi kita hahayaang magtrabaho sa ibang kompanya. Dahil baka pumalpak ka sa trabaho mo at kaming pamilya mo ang mapapahiya. Alam mong anak ka lang sa labas ng tatay natin at baka wala kang makukuhang mana, si mom pa lang ay mainit na ang ulo sa 'yo. Paano pa kaya si grandpa? Paano kung malaman ni grandpa na anak ka lang pala sa labas ni dad? Alam mong sa pamilya natin ay napaka-probihited ang magkaroon ng anak sa labas, lalo na kung babae ka pa. Pasalamat ka naging lalaki ka," malamig na saad niya at para akong tinakasan ng kulay sa mukha. Kinabahan ako sa mga katagang binigkas ng kapatid ko.
"What's going on here?" Sulpot bigla ni Crimson. Seryoso ang tuno ng boses niya at mas dumoble 'ata ang kaba ko. M-may marinig kaya siya?
"It's good to see you here, CEO Del Labiba," pormal na saad niya at tinanggal ang braso niya sa pagkaka-akbay sa akin. Nakipagkamay siya rito pero nanatili sa walang expression ang mukha nilang dalawa.
"What do you want to my engineer, Mr. Brilliantes? He still have a work, you know," saad nito at hindi man lang sumulyap sa akin.
Parang nagkarerahan ang puso ko sa narining na 'my engineer'. Ano ba ang pumasok sa kokote ng lalaking ito at iyon pa ang sinabi niya?
"Puwede ko namang hiramin ang kapatid ko, right? I need his help. Don't worry, little brother. Hindi naman mabigat ang gagawin mo. You just need to date the Zurbito's daughter."
***
CRIMSON DEL LABIBA's POV
NAIKUYOM ko ang kamao ko nang makita ko si Mikael kasama ang isang magandang babae. Pumunta lang ang kapatid niya para si Mikael ang makipag-date sa Zurbito na 'yan? Halatang napipilitan lang naman si Mikael, eh.
Nasa Amor restaurant sila--well, sinundan ko ang dalawang magkapatid. Bumaba lang ako mula sa sasakyan ko nang umalis na si Engr. Michael at iniwan ang kapatid nito kasama ang ibang babae.
Paikot-ikot din sa puwesto nila si Ms. Brand at pinupukulan nito ng masasamang tingin ang babaeng kasama ni Michael.
Ay f*ck! At itong Mikael naman ay nagawa pang ngumiti-ngiti sa babae? Kanina nababasa ko sa mga mata niya ang pagtanggi pero hindi niya lang masabi dahil mukhang takot siya sa kuya niya pero ngayon, masaya na siyang nakikipag-usap sa babae niya. Masaya? Tss.
Napatingin ako sa bakanteng puwesto na malapit lang sa kanila. Wala akong pakialam kung makita niya ako rito kaya lumapit na ako roon.
Napasukyap sa akin si Mikael pero kaagad din itong nag-iwas nang tingin sa akin, tapos gumihit na naman ang nakakinis niyang ngiti. Balewala lang ako sa kanya!
What's with the smile, Mikael?
Padabog na umupo ako. Nasa likod ko lang si Mikael at walang sabi-sabing kinuha ko ang menu.
"Are you single, Engr. Mikael? Wala bang magagalit? Wala bang babae na susugod sa atin?" malumanay na tanong ng babae. May paglalambing iyon.
Lalaki, mayroon.
"None, I'm still single," sagot ni Mikael at kahit hindi ko nakikita ang hitsura niya ay alam kong nakangiti siya. Ang landi rin ng lalaking ito!
Wala raw siyang girlfriend? Eh, ano niya si Anne Junelyn? Laruan? Pumintig ang sentido ko dahil biglang uminit ang dugo ko. Mainit na rin ang ulo ko sa kanya.
Tumunog ang ringtone ng cellphone ko at si Morry ang tumatawag. Nagawa kong iwan ang girlfriend ko dahil lang sa lalaking ito?
"How about you, Krissha? Do you have a boyfriend? But I doubt it, you are beautiful I've ever meet," mabulaklak na komento nito at tumaas ang kilay ko.
"Maybe you are taken?" he added. Bahagyang sinulyapan ko ang babaeng ka-date niya. Tumaas lang lalo ang kilay ko nang makitang nakahawak siya sa magkabilang pisngi niya na pulang-pula na.
Marunong din palang mag-sugarcoating ang engineer na ito? Wow, pagdating sa akin ay napakasuplado niya at kapag nakaharap sa magandang babae ay ang bait-bait niya?
"T-thank you, Engr. Mikael but I'm still single, you know," nahihiyang sagot ng babae.
Naibaba ko ang hawak-hawak kong menu at may waiter na ang nakatayo sa gilid ng table ko.
"May napili na ba kayo, sir? Can I take your order na po?" magalang na tanong sa akin ng waiter. Sasagot na sana ako nang magsalita ulit si Mikael.
"Can I court you? I think we looks good together, baby." Nagpanting ang magkabilang tainga ko dahil sa sinabi niya. What the h*ll, Mikael?! And baby?!
Tumayo na ako at walang sabi-sabi na umupo sa tabi ni Mikael. Medyo nagulat ang babae pero walang nababakas na kahit anong emosyon ang lalaking kasama niya, si Mikael.
Yumakap ako sa baiwang niya at naglalambing na humilig ako sa balikat niya. Lihim na napangisi ako nang maramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.
"Baby... Ang sabi mo sa akin saglit ka lang aalis. What took you so long, my baby?" tanong ko at pinalitan ko ang boses ko. So, I sounds like a gay! But I don't give a d*mn! Gusto kong umalis na rito si Mikael at iwan na niya ang babaeng ito!
Nagawa ko pang halikan ang panga niya at libu-libong kuryente ang tumusok sa katawan ko, kasabay nang pagbilis ng t***k ng puso ko. D*mn it. Nagiging abnormal na naman ang puso ko dahil kay Engr. Mikael!
"W-what? B-baby?" namimilog ang matang tanong ng babae sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo ko pero hindi ko binitawan si Mikael. Hindi rin naman siya kumikilos pa.
"Oh, hi! I am Crimsa Del Labiba, my boyfriend is Engr. Mikael."
"Are you gay?!"
"GAY? You can say that, ghurl," nakangiting sagot ko at maarte pa ang pagkakaupo ko. Napasulyap ako kay Mikael na ngayon ay nakahawak na sa sentido niya.
"Baby, don't tell me ipinagpalit mo na ako sa babaeng kasama mo?" madrama kong tanong sa kanya at umawang ang labi niya.
"Oh, no! No, Crimsa! Is not what you think! Nag-usap lang kami ng boyfriend mo," defensive na saad ng babae.
"Crimsa? What is the meaning of this, Crimson?!" Napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng tita ko. Ang kapatid ni dad!
"T-tita!" gulat na tawag ko sa kanya."
Namimilog ang mga mata niya at palipat-lipat ang tingin sa amin. Kumalabog kaagad ang kaba sa dibdib ko. Urgh! Sa dami-rami nang makakahuli sa katangah-n ko ay bakit si tita Marine pa?
"Explain all of this, Crimson. The last time I checked, you are not a gay. And who is this boy? You're b-boyf--what?! Are you kidding me?! "
Napaka-strict pa naman ng tita ko. Patay ako nito sa kanya. Matandang dalaga siya kaya pangarap din niya ang magkaroon kami ng sariling pamilya ng kakambal ko. Tapos heto at...
"I'm Engr. Mik--"
"Anne Junelyn, tita! She's my girlfriend!" singit ko at gulat na tiningnan ako ni Mikael. May pagbabanta sa paraan nang pagtitig niya sa akin.
"Wait a minute, tita, " pagpapaalam ko kay tita Marine at hinila ko sa braso si Mikael.
"What was that, Del Labiba? " kalmadong tanong niya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
"Pretend that you are my girlfriend--"
"I'm a boy," he corrected me.
"Please?"
"No. This is your problem. You acted my boyfriend. So, this is you own problem, " mariing saad niya.
"Kaibigan mo ako, Mikael! Why can't you help me?"
"This is your fault. Sisingit-singit ka kasi. Panindigan mo ang pagiging bakla mo. Hi, Crimsa, your aunt is waiting for you," sarcastic na wika niya at napaseryoso ang mukha ko.
"This is your fault, Mikael! Kung hindi ka lang nakipag-date--and wait a minute! You denied your girlfriend! You told her that you are single!" I said in frustration voice. Napatawa siya kaya ako na naman ang napatulala.
"Anne Junelyn won't mind tha,she's kind that's why I love her, " sabi pa niya.
"Crimson," biglang singit ni tita. Wala na ang matapang na aura niya.
"Bring your girlfriend in my house. I want to know this young lady. I won't take a no for an answer," she added with a warning tone.
"But tita... "
"Tatandaan ko ang mukha ng kasama mo, my nephew. Pupunta ka kasama siya, " aniya at itinuro pa si Mikael na parang balewala rin sa kanya.
"Mikael!"
"I need to go back to Krissa, good luck, Crimsa," mapang-asar na saad niya saka niya ako tinalikuran.
Fuck! Ano na? Ano ang gagawin ko? Sumunod ako kay Mikael.
"Mikael, let prentend that you're a boy," sabi ko nang makalapit na ako sa kanya.
"No."