Chapter 11: First Night
"ROOM FOR two, please," wika ko sa babaeng nasa information desk. Bahagya pa siyang nagulat at natulala sa akin.
Basang sisiw na kami ng kasama ko at hindi na makakauwi pa sa ngayon. We decided to sleep here for tonight. Nasa 7s Hotel kami na malapit lang sa site. Hindi na kami makakauwi pa pabalik dahil grabe ang lakas ng ulan ngayon.
We are not safe kung ipagpapatuloy pa rin namin ang pagmamaneho sa daan. Lalo pa na pagabi na rin naman.
"Miss, ano na?" untag na saad ni Crimson. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin. Napataas ang kilay ko dahil nagawa pa niya kaming paghintayin.
"S-Sorry po. Uh, sirs. Isang bakante na lang po ang room ng hotel namin. Marami pong visitors ngayong gabi, dahil sa lakas ng ulan. It's okay kung magsi-share na lang po kayo?" paliwanag sa amin ng babae.
Napatingin ako sa kasama ko na sa akin din nakatitig. Tumikhim ako at ngumiti naman siya.
"We'll take that, Miss," nakangiting sabi niya sa babae.
Hindi ako sang-ayon. Hinawakan ko siya sa braso at ramdam ko na nagulat siya ro'n. Binitawan ko rin naman siya dahil kakaiba ang kuryenteng nagmumula sa kanya.
"We can't share--" I didn't finish my words because he cut me off.
"We can share one room," giit niya. Wala na akong nagawa nang kinuha na niya ang key card sa kamay ng babae.
Sino ba naman ang hindi sang-ayon na makasama mo sa iisang silid ang isang lalaki hindi ba? I think nanganganib ang pagkatao ko ngayong gabi. Dapat akong mag-ingat.
Pero no choice na ako dahil isa na lang talaga ang bakanteng room at baka pareho kaming mamamatay sa lamig kung maghahanap pa kami ng ibang hotel.
Inakay na niya ako patungo sa elevator. Tahimik na naglakad na lamang ako.
"Where's your twin brother? Bumalik ba sila sa Manila?" tanong ko sa kanya at sinulyapan ako.
"Tumawag siya sa akin kanina na pauwi na siya, malamang sa mga oras na ito ay nasa bahay na siya," sagot naman niya.
"Kung sana bumiyahe na tayo kanina nang hindi pa masyadong malakas ang ulan ay baka nasa condo na tayo natin ngayon," saad ko bagamat may sarkasmo sa tono ng boses ko. Sinisisi siya.
"Condo natin?" nakangising tanong niya kaya sinagi ko siya sa braso niya. Saka naman siya tatawa-tawa.
"Ayaw mo no'n? May night bonding tayo?" ani pa niya. Night bonding? Puro kalokohan naman ang mayroon sa kanya. Tss.
***
"Mauna ka nang maligo," saad niya nang makapasok na kami sa hotel room namin.
May dala siyang paper bag, laman no'n ang binili naming shirts and pajamas. Naraanan namin ang isang store kanina. Siya ang bumaba at sinuyod ang malakas na ulan, kaya siya 'yong mas nabasa.
"You first," I told him saka ko hinubad ang coat ko. Napatingin tuloy siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Nahihiyang nag-iwas siya nang tingin at ginulo-gulo ang basang buhok niya. Namumula ang pisngi at tainga niya na ikinapagtaka ko.
Umupo ako sa sahig at hinubad ko ang sapatos ko pero nakatingin pa rin ako kay Crimson na paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap niya sa akin. Parang tanga.
"Mauna ka na sabi, ikaw 'yong mas nabasa ng ulan, eh," saad ko at tumango lang siya.
May kinuha siyang towel sa loob ng closet at tinungo na niya ang banyo. Napahinga ako nang malalim. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Bakit napunta kami sa sitwasyong ito? Kung sana ay sumabay na lang kami ni Drimson kanina.
Hindi gaano kalakihan ang hotel room, siguro dahil panghuling choice na nga ito. May TV set naman siya. Walang sofa, nasa tapat ng kama ang TV. Inabot ko ang remote para may pagkaka-abalahan ako habang hinihintay naman siyang matapos. Na-adjust na rin naman ang aircon kaya hindi na medyo malamig.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig, senyales na naliligo na nga siya. Muli akong napabuntong-hininga. Feeling ko naiilang ako sa malamang iisang silid lang kaming matutulog. Wala pa namang coach na puwede kong higaan. May kalakihan naman ang kama pero talagang...naiilang ako kapag magkatabi kaming matutulog.
Siguro para sa kanya ay wala lang ito. Na iniisip niyang pareho kaming lalaki at walang ibang kahulugan kapag magtatabi kami sa kama.
But for me, napaka-big deal no'n sa akin. Dahil babae ako at natural na magre-react ako.
A few minutes later ay wala na akong naririnig na lagaslas ng tubig at maya-maya lang din ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Napaayos ako nang upo at awtomatikong napatingin ako roon.
Mabilis din akong nag-iwas nang tingin sa kanya. Kumalabog nang husto ang dibdib ko. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya sa baiwang niya pababa at kitang-kita ko pa ang namumutok niyang abs.
Mariin na napikit ako. Bakit ang ganda ng katawan niya? At kailan pa ako nagandahan sa katawan ng isang lalaki?!
"I'm done, maligo ka na bago ka pa magkasakit," I heard him saying. Tumayo na ako at diretso ang tingin pero natigilan ako nang humarang siya sa daraanan ko.
"W-what?" I asked him.
Hindi ko siya matingnan sa mga mata niya at pilit ko rin iniiwasan ang huwag mapatingin sa half naked body niya.
Pero ang kulit ko rin! Napasunod kasi ang tingin ko sa basang buhok niya na may ilang butil na tumutulo pababa sa leeg niya at sa malapad niyang dibdib.
Napaatras ako nang humakbang na naman siya. "Distance," mariing saad ko pero ngumiti lang siya sa akin.
Namumungay ang mata niya at parang inaantok na siya. Tumagilid ako para lagpasan siya pero hinuli niya lang ang braso ko at hinatak ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ko siya sa dibdib niya saka siya tinulak. Nagawa ko naman kaya nawalan siya nang balanse.
Mas nanlaki lang ang mata ko dahil natanggal ang tuwalya niya, na iyon na lamang ang pantapis sa hubad niyang katawan.
"Aw!" daing niya.
"Crimson, what the hell?!" I shouted him.
"I'm cold, baby..." he murmured.
"J-Just... 'Yong tuwalya mo!" sigaw ko ulit.
Lumuhod na ako sa gilid niya nang makitang nakatakpan na ang pang-ibabang katawan niya. Sinalat ko ang noo at leeg niya. Naramdaman ko kasi kanina na mainit siya.
Mainit nga 'yon, para akong napapaso ng apoy. "You're hot," I said.
"Yes, baby. I'm hot," natatawang saad niya kaya pinitik ko siya sa noo niya.
"Hindi 'yon, may lagnat ka," wika ko at hinila ang laylayan ng white long sleeve ko kaya napasubsob siya sa leeg ko. Humawak din siya sa baiwang ko. Mabilis na nag-react na naman ang katawan ko dahil sa ginawa niya.
Naramdaman ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa leeg ko. Hinila ko siya sa braso niya at inalalayang tumayo.
"Come on, help yourself. Magbihis ka, maliligo lang ako saglit," ani ko. Tumango lang siya at lumapit sa kama para kunin ang paper bag.
Walang inhebisyon na tinanggal ulit ang tuwalya niya at sa pagkakataon na ito ay ang matambok na puwit na naman niya ang nakita ko.
Napapalatak na pumasok ako sa loob ng banyo. Nakaka-frustate rin ang isang 'to. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa pisngi ko.
Plain white T-shirt and blue pajama ang suot ko ngayon. May kalakihan ang damit ko na ipinagpa-salamat ko. Ayokong ma-expose ang hubog ng katawan ko at baka mahalata pa ng CEO na ito.
Naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig, nasa paanan ng kama. Nakasandal siya roon, may hawak na remote at nakatutok sa TV.
Nakabalot na siya ngayon ng kumot at mas naging magulo na ang buhok niya. "You need to rest, Crimson," saad ko at lumapit sa kanya.
"Oh, I need you to gain my energy. I'm feeling empty right now, Mikael," sa nanghihinang boses niya.
Pagkalapit ko lang sa kanya ay hinila na naman niya ako sa dulo ng shirt ko at nagawa pa niya akong ipapasok sa kumot. Kaya kaming dalawa na ang nakabalot ng kumot. Sinubsob na naman niya ang mukha niya sa leeg ko kaya inilayo ko 'yon.
"Doon ka sa kama." Uungot-ungot na tumayo siya saka ko siya pinahiga sa kama. Tinaas ko hanggang sa ilong niya ang kumot kaya napasimangot siya.
"Bibili lang ako ng pagkain para makainum ka ng gamot." I rolled my eyes nang maramdaman ang kamay niya sa laylayan ng damit ko.
Ang hilig niyang manghila ng damit ko! "Magpahinga ka at huwag mong subukang umalis diyan!" pagbabanta ko sa kanya at hinampas ang kamay niya kaya muli siyang dumaing.
"Ang sungit ni engineer..."
May special lugaw ang niluluto ng staff ng hotel kaya iyon na ang binili ko para pakainin ang makulit na lalaking iyon.
Lihim akong napangiti nang hindi siya umalis sa pagkakahiga niya sa kama. Pero balot na balot pa rin siya ng kumot.
Ang lakas pa ng loob niyang sabihan ako kanina na baka magkakasakit ako. Eh, siya nga ang nakaratay ngayon sa kama. Putlang-putla ang mukha niya at kahit nakapikit ay nagsasalubong ang kilay niya.
"Hey," tawag pansin ko sa kanya at nagmulat naman siya.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at ibinaba ko ang tray sa kandungan ko. Pang-dalawang special lugaw ang binili ko. Lugaw na rin ang dinner ko ngayon.
"W-what is that?" tanong niya sa nanghihinang boses.
Binuksan ko ang pinang-takip sa lugaw at kumuha ng spoon. "Susubuan mo ako?" he asked.
"Kaya mo bang kumain?" balik na tanong ko naman. Para siyang bata na umiling. Tinulungan ko siyang makaupo at nilagyan pa ng unan ang likuran niya para hindi sumakit ang likod niya. Hanggang leeg na niya ang kumot niya.
Ngayon ko lang napansin, may pagkasingkit pala ang mata niya. Kaya pala sa tuwing ngumingiti siya ay nacu-cute-an ako sa kanya. I shook my head dahil sa naisip kong 'yon.
"My hands is weak, I can't fed myself. Subuan mo ako, Mikael," aniya at muli akong napailing. Humahaba ang nguso niya.
"Sa halip na trabaho ang ginawa ko kanina ay na-stucked pa tayo ng ulan. Tapos ngayon mag-aalaga pa ako sa pasaway at makulit na CEO ng Del Labiba Corporation?" saad ko at kahit halatang masama talaga ang pakiramdam niya ay nagawa pa niyang ngumiti.
"Ang sakit ng ulo ko, Mikael," reklamo niya.
Iniumang ko na lang sa kanya ang spoon at may lugaw na ito. "Say ah," I said and he did.
Nakailang subo lang siya nang inayawan niya kaagad. "Kailangan mong ubusin 'to, Del Labiba," saad ko na may pagbabanta sa boses ko. Napaungol siya dahil sa frustration.
"I need to sleep, Mikael. M-masama na talaga ang pakiramdam ko, eh." Wala na akong nagawa nang sabihin niya 'yon. Kinuha ko na lang ang shoulder bag ko at kumuha ng gamot doon.
Boy scout si kuya Miko kaya lahat ng bag ko ay nilalagyan niya ng gamot. In case na magkasakit daw ako.
"Inumin mo muna 'to. Sa pagkakaalam ko ay engineer ako at hindi nurse," mahinang bulong ko.
"Good night, Mikael," dinig kong wika pa niya bago siya tuluyang nakatulog. Sinalat ko ulit ang noo at leeg niya.
Hindi naman masyadong mataas ang lagnat niya pero hindi ako mapapakali sa tuwing may kasama akong may sakit.
Kinain ko na lamang ang lugaw ko at pati 'yong sa kanya ay inubos ko na. Huli na bago ko na-realize na same spoon lang pala ang ginamit namin.
Nilagyan ko siya ng basang bimpo sa noo niya. Maayos lang siya kanina pero ngayon nanginginig na dahil sa lamig. Sensitive yata siya sa ulan. Madali siyang magkasakit.
Tumabi ako ng higa sa kanya at awtomatikong yumakap ang braso niya sa baiwang ko. Alam kong paggising ko ay magsisisi ako dahil natulog ako na katabi siya.