Pagdating namin sa venue ng seminar ay nasa labas pa ang mga kasamahan ko na nagpapa-picture sa magandang place at view. Bumaba kami ni Carlo sa kotse at hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papalapit sa hall. Nakatingin sa amin ang mga chismosa ng bayan at nagbubulungan. Binati ko si Sir John at Cindy na naroon din. Good morning, Sir John, Ma’am Cindy.” Napatawa ulit si Cindy sa pagbati ko sa kanya. Si Carlo ay nakipag-fist bump kay John at kumaway kay Cindy. Natanaw ko si Sir Ken na nasa malayo at may kausap sa phone. Maya-maya ay lumapit na ito sa amin. Pinakilala ni Sir John si Carlo kay Sir Ken. Nagkamay pa ang dalawa at umalis din agad si Sir Ken na parang busing-busy sa pag-aasikaso sa seminar na iyon. Nagdatingan pa ang ibang employees na galing sa ibat-ibang kump

