Nakaalis na sila sa Unit A at nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Dahan dahan paring pinapasok sa utak nila nag mga nangyari. Nag tama ang mata ni Ashley at Charlie, sila yung grabe nag iniisip. Nakapatay lang naman sila. "H-hindi ko naman sinasadya" mahinang ani ni Ashley, napalingon naman sakanya si Alas. "Okey lang, alam namin" pagkakalma ni Alas sakanya at ngumiti ng marahan. Hinawakan naman ni Gab ang nanginginig na kamay ni Ashley, kaya napatingin si Ashley sakanya. "salamat sa pag ligtas kay Charlie" pagpapasalamat ni Gab at ngumiti. Napangiti naman si Ashley ng marahan at tumungo. Nilapag naman ni Charlie ang kamay nya sa ulo ni Ashley at ginulo ang buhok nito. "deserve nya naman yon, kasi pag di mo ginawa yon baka ako yung patay ngayon" biro ni Charlie. Tama si Char

