Nakatulala si Yico at Gee ngayon dito sa sofa. Patay na ang lahat ng ilaw at sila nalang ang naiwan sa labas. Hindi naman kasi pwede matulog si Yico sa kwarto nila ni Luna dahil andoon si Jasmin at Luna kaya nasa sofa sya. Sinamahan na rin sya ni Gee dahil wala namang rason si Gee na matulog sa kama nila ni Jasmin dahil hindi nya katabi ito. Mas mabuti at damayan nya nalang tong si Yico. "Pre, alam mo lahat ng love story dito alam namin tapos kami hindi namin alam ang sainyo ni Luna" biglang ani ni Gee at humiga sa sofa, napangiti naman si Yico. Mukang kakausapin sya ni Gee tungkol sa mga ganito para kahit papano lumuwag ang pakiramdam nya. Napasandal naman si Yico sa sofa at tumingin sa kisame nila. Lahat ng journey ng mga tao dito sa relasyon nila ay alam nya. Saksi sya sa lahat. Nag

