Huling Sandali Book #2 Written By: Rogin2002 #StillBelieveInLOVE ___________________ Kabadong bumaba ako ng taxi at parang hindi ako makalakad ng maayos dahil sa pagnginig ng mga tuhod ko, hindi ko alam kung lumilindol ba o sadyang kaba ko lang to. Umaaasa ako na sa kahit ganitong paraan lang ay mapasaya ko si Lucas at para narin sa amin ni Arron. Handa ako sa anumang mangyari handa rin ako kapag di niya parin ako maalala at handang-handa narin ang puso ko kahit na wala na talagang pag-asa pa. Ang kailangan ko lang naman talaga dito ay maipaliwanag ko ang mga nangyari at kung bakit dipa kami nakakapagpresinta ng mga projects at iba pabg dokumento, kaya ko lang naman to tinanggap ay nagbabaka-sakaling maalala pa ako ni Arron, kasalanan ko rin naman pag masaktan ang puso ko dahil pumun

