CHAPTER 1

2451 Words
DANNELLE'S POV "Dannelle! Alam naming nariyan ka! Buksan mo 'tong pinto, putang ina ka talaga!" Napakagat ako sa ibabang labi ko, kasabay nito ang nag-aalalang paglukot ng noo ko. Nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba ang pinto o magpapangap na lang na wala ako ngayon sa loob. Mas tumindi ang mabibigat at sunod-sunod na kalabog sa pinto. "Malilintikan ka talaga sa amin kapag nadatnan ka namin sa loob!" bulaslas ni Venice, ang kapatid ni Travis, na kasintahan ko. "Carla, nakakabwisit ka! Asan na ba ang susi?" sigaw ni Venice sa kaibigan. Paniguradong pinagbantaan nanaman nila ang landlady nitong apartment na inuupahan ko para makuha ang susi. Kayang-kayang makuha ni Venice ang lahat ng ano mang gustohin niyang makuha dahil ganito siya kalakas. Hindi lang siya lumalangoy sa limpak-limpak na salapi at ginto kundi napakamaimpluwensya at makapangyarihan din siya. Dinadaan niya ang lahat ng bagay sa santong paspasan para makuha ang lahat. Nataranta ako at nagmadali akong lumapit sa pinto para pagbuksan sila. "V-Venice, pa-pasensya na, hindi ko narinig ang katok niyo, nasa loob kase ako ng CR," nauutal na rason ko. Kapag hindi ako magsisinungaling malilintikan talaga ako. Nanlilisik ang mga mata ni Venice. "w***e!" Bigla niyang hinigit ang buhok ko. "A-aray! T-Tama na, Venice." Napangiwi ako sa tindi ng sakit at pakiramdm ko mababali na ang leeg ko. Itinulak niya ako at bumagsak ang katawan ko sa sahig. "Ano ba'ng nagustuhan sa 'yo ni Travis? Nakakadiri ka! Itigil mo na ang pang-aakit mo sa kanya!" Naramdaman ko ang matinding hapdi ng malakas na pagbayo ng palad niya sa pisngi ko. "Tama na, Venice, please." Lumuhod ako sa harapan niya at walang kalaban-laban na nagmakaawa. Bigla akong tinadyakan ng mga kaibigan ni Venice na kanina pa aliw na aliw sa panonood sa amin. Nagsalita ang isa sa kanila, "Well, I'm sure she's good at bed, she could give him a mind-blowing oral—" Hindi pa nila natatapos ang sinasabi nang putulin ako 'yon. "Hindi ako ganyang uri ng babae," mahinahon at kalmado kong depensa. "Nirerespeto ako ni Travis," dagdag ko. Hindi nagustuhan ni Venice ang sinabi ko kaya sinampal niya ulit ako. "Aagh!" Muli akong napangiwi sa sakit nang maramdaman ko ang pagbaon ng mahahaba, matutulis at makapal nitong tintadong kuko na binabalutan ng mga makikinang na brilyante. "Aba! Lumalaban ka na ngayon?" Sinabunutan niya ako. "Ano'ng akala mo? Pakakasalan ka niya? That's absurd! He just wants your blowjob. You're just a s*x toy, dreamer!" Si Venice, sa lahat ng tao ang may pinakamatinding galit sa akin at hadlang siya sa relasyon namin ni Travis. Magkapatid sila kaya naiintindahan ko na gusto lang niyang katulad din nila ang babae na para sa kapatid niya. Madalas niya akong pagmalupitan pero mas pinipili ko na lang ang manahimik dahil ayaw ko nang palakihin pa. Madalas nila itong gawin sa akin lalo na kapag wala si Travis, kagaya ngayon na nasa London siya ng buong Linggo para sa isang business meeting at tatlong araw pa bago siya muling makabalik, kaya kailangan kong magtiis ng ilan pang mga araw. Walang alam si Travis sa mga ginagawa ni Venice sa akin dahil sigurado akong mas lalong magkakagulo kapag nalaman niya ang lahat ng mga ito. "Opportunist w***e!" magkapanabayang bulalas ng mga magkakaibigan. "Venice, a-ano'ng gagawin niyo?" Nanginginig ang boses ko at niyakap ko ang sarili nang maramdaman ko ang isa pang nagbabadyang matinding panganib. "Lumayo ka kay Travis! Hindi kita titigilan hangga't hindi ka lumalayo sa kanya! Para kang isang putang inang linta kung kumapit!" "Aray! Tama na! Maawa kayo!" Nagpupumiglas ako ngunit hindi sapat ang lakas ko para depensahan ang sarili laban sa kanilang apat. Pinagsasabunot nila ako at hindi pa sila na kuntento nang hablotin nila ang telang bumabalot sa katawan ko at unti-unting napigtas ang kasootan ko. Hindi nila ako tinigilan hanggang sa magsawa sila. "Binabantaan kita, Dannelle! Kung hindi ka lalayo kay Travis, matindi pa rito ang susunod na mangyayari at sigurado akong pagsisisihan mo 'to!" banta ni Venice at saka pabalibag nilang isinara ang pinto at tuluyan na silang umalis. Sunod-sunod na mabibigat na hingal ang kumawala sa bibig ko. Nanginginig at hinang-hina na rin ang katawan ko dahilan para mabilis malusaw ang lahat ng lakas ko at hindi na ako makatayo. Napigtas din ang ilan sa mga botones ng soot kong bistida kaya niyakap ko ang sarili para matakpan ang dibdib ko. Nakahandusay ang mahina kong katawan sa malamig na sahig at nag-umpisa akong humagulgol. Hindi. Hindi ko iiwan si Travis. Mahal ko siya at ipaglalaban ko siya. Pagsubok lang ito, Dannelle. Huwag kang sumuko para kay Travis, ipaglaban mo siya. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa isip ko para palakasin ang loob ko. Tatanggapin ko ang lahat ng panghuhusga ng kahit na sino. Titiisin ko ang lahat ng 'yon dahil mahal ko si Travis. Ako si Dannelle, isang simpleng babae, walang magulang, simpleng empleyado sa isang ahensya ng gobyerno, hindi mayaman, at simple lang ang pangarap ko. Isa akong ulila pero may kumupkop sa akin na isang pamilya noong bata pa ako ngunit hindi maganda ang naging kapalaran ko sa kanila. Noong magdalaga ako ay naglayas ako dahil hindi ko na kinaya ang hirap na pinagdadaanan ko kaya mag-isa kong tinaguyod ang sarili ko para makapag-tapos ng pag-aaral, kung saan naging full scholar student ako ng kumpanyang pag-aari mismo ni Travis at doon kami nagkakilala. Malayo sa kinagisnan kong buhay ang buhay na meron ang kasintahan kong si Travis. People worship him like a God—powerful and mighty. He is the owner of the world's preeminent multinational and diversified corporation through generation to a generation known as Ylvania's Global Group of Corporations also known as the YGGC, which possessed the supreme reputation as the universal conglomerate business that operates numerous markets. Just name it, he gots everything. Within just a snap of a finger, he could effortlessly obtain every business he wishes to engage with—The Business Predator, as they call him. Iyon ang dahilan kung bakit marami ang tumututol sa relasyon namin at hindi maubos-ubos ang natatanggap kong masasakit na panghuhusga sa akin ng ibang tao—Gold digger, putang uhaw sa yaman, oportunista at marami pang iba, pero hindi ko 'yon pinapansin dahil hindi 'yon mahalaga sa akin, ang importante ay kasama ko si Travis at masaya kami. Pribado ang relasyon namin pero kahit kailan hindi ito naging isang lihim. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may bumuhat sa akin mula sa sahig. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. "T-Travis?" Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil hindi pa bukas ang mga ilaw at gabi na. Ang alam ko ay tatlong araw pa bago makabalik si Travis, pero hindi na ako nagtaka dahil may mga pagkakataon na napapa-aga ang uwi niya at dumederetso agad siya sa apartment ko para bisitahin ako. "Hi, sweety," aniya. Ngumiti ako ng mapait at saka ko hinaplos ko ang mukha niya. "Oh, Travis. I miss you," namamaos ang boses na ani ko. Bakit ba kailangan pa siyang isilang na mayaman? Kung sana ay mayroong lang siyang simpleng buhay tulad ng mayroon ako, edi sana wala humahadlang sa amin ngayon. Itong malaking agwat ng estado namin sa buhay ang siya lang namang humahadlang sa amin. Gusto ko lang naman ang simpleng buhay kasama siya, sapat na 'yon. Binuhat niya ako at idinala sa loob ng silid ko hanggang sa makapasok kami at saka dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama. "I miss you, Travis." Naramdaman kong unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko para halikan ako kaya ipinikit ko ang mga mata ko, handang sagutin ang mga halik niya nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod nito ang pagbukas ng ilaw. "What the hell!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pulang-pula at nanlilisik na mga mata ni Travis. Nakatayo siya sa pinto. "T-Travis?" Lumipat ang tingin ko mula sa kinaroroonan ni Travis papunta sa lalakeng nasa harapan ko. "S-Sino ka?" Naginginig ako mga boses ko sa takot. Sinagot lang ako ng lalake gamit ang kanyang malademonyong ngisi. Itinulak ko siya at tumakbo ako papunta kay Travis ngunit itinulak niya ako at saka sinugod niya ang lalake. Parang isang galit na leon si Travis nang makita ko ang ginawa niya sa lalake. Pinaulanan niya ito ng mabibigat niyang mga kamao at hindi niya ito tinigilan hanggang sa makahanap nang pagkakataon ang lalake at agad na tumakbo palabas upang iligtas ang sarili. "Travis." Lumapit ako sa kanya pero bigla niya akong sinampal at kasunod nito ay ang paghampas niya ng makapal na papel sa mukha ko at lumantad sa paningin ko ang mga litrato kung saan ay may isang babae ang nag-aaliw kasama ang tatlong lalake sa isang bar, at ang babaeng 'yon ay ako. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita, wala akong kinalaman sa mga 'yon. "I ignored all the rumors I heard about you and choose to accept all your dirty games," nanggigigil at mabigat ang tono ng pananalita niya. "Trav—" Magsasalita pa lang sana ako ngunit pinutol niya ito. "Ayaw kong paniwalaan ang lahat dahil mahal kita. Tinangap ko ang lahat ng kung ano ka o maging sino ka man dahil naniniwala akong hindi mo ako lolokohin but I was wrong. You're just one of those opportunists, gold-digging sluts!" Umiling ako ng paulit-ulit para kumbinsihin siyang mali ang mga pinaniniwalaan niya habang bumubuhos ang mga luha sa namumugto kong mga mata. "Buo ang tiwala ko sa 'yo, Dannelle pero sinira mo lang." "Nagkakamali ka nang pinaniniwalaan, Travis—" "Enough with your lies! I'm done with it!" bulayaw niya. Hindi ako nakapagsalita sa matindi ng pagkabigla ko. Ito ang una beses na pinagtaasan niya akong ng boses. Parang hindi si Travis ang lalakeng kausap ko ngayon. Mapulang-mapula ang puti ng mga mata niya at lubog ang mga ito. "Travis, lasing ka ba?" "Huwag mong iniiba ang usapan!" Tiim ang mga bangang niya at bakas sa mukha niya ang matinding pagkamuhi. "Ano? masarap ba siya?" Sarkastikong humalakhalak ito. May kung anong pumiga sa puso ko nang marinig ko ang mga masasakit na salitang iyon mula mismo sa lalakeng pinaglaban at minahal ko. Sobrang sakit. "'yan ba ang tingin mo sa akin? Kung ganoon, bakit hindi na lang tayo maghiwalay? Hindi ko kahit kailan pinangarap ang kahit na anong yaman na mayroon ka at mas lalong hindi ako isang tulad ng babaeng iniisip mo!" Walang tigil ang pag-agos ng mga ko. "How dare you? You still have the guts to break up with me as if you were the victim here!" His voice was shaking, enraged. "Now I get why you always refuse to move in with me at my place, so you could have all the freedom to w***e yourself with all the men you wanted to f**k," dagdag niya, gamit ang mapang-uyam at nandidiring tono ng boses niya. Nasampal ko siya sa mga sinabi niya. Kung sa ibang tao pa siguro nanggaling ang mga 'yon ay kaya ko pang tanggapin pero iba ang dating nang marinig ko mismo sa kanya 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang tindi ng sakit na naramdaman ko nang marinig ako ang mga ganoong panghuhusga mula mismo sa taong mahal ko. "Kung ayaw mong manilawa sa akin, maghiwalay na lang tayo!" singhal ko sa pagitan ng bawat hikbi. Bigla siyang natahimik. Nagpaulit-ulit ang pagtaas at baba ng dibdib nito dala ng mabigat na paghinga. Matamlay itong napa halakhak. "Ganoon na lang ba kadali sa 'yo na balewalain ang lahat? Matapos kitang ituring na parang reyna, nirespeto at halos sambahin. Minahal mo ba talaga ako kahit minsan o kaunti man lang?" Nagpatuloy ang palitan namin ng matataas at malalakas na mga sigawan, nagtatalo sa mga walang kwenta at walang katotohanang mga bagay na pilit niyang pinaniniwalaan. Marahas niya akong hinigit. "Travis, ano ba?" Itinulak ko siya ngunit malakas siya. "Bakit hindi natin ituloy ang naudlot na aliw? Sigurado naman akong mas magugustohan mo ako at paniguradong hahanaphanapin mo." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya at nasampal ko siyang muli. Ito na ang hudyat upang tuluyan nang tapusin ang ugnayan namin. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Ngayon niya lang nagawa sa akin 'to, ang bastusin ako ng ganito. Nanahimik, tumalikod at humakbang na lang ako palayo sa kanya pero bago pa ako makalayo ay marahas niya akong binuhat at ibinagsak sa kama. "A-Anong ginagawa mo?" Nanlaban ako subalit hindi sapat ang lakas ko laban sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang makita kong kinakalas na niya ang soot niyang sintoron. "Tr-Travis, a-anong ginagawa mo? Nahihibang ka na!" Binigyan lang ako nito ng nakakakilabot na mga ngisi at marahas niya akong sinunggaban. Nagpupumiglas ako at pinilit kong kumawala ngunit masiyado siyang malakas. Idiniin niya ako sa kama at dinaganan at saka binigyan niya ako ng mga nakakadiring halik. Hinigit niya ang kasuotan ko at tuluyang napunit ang damit ko at bumungad sa kanya ang hubad kong katawa. "Aaah! Hayop ka!" humahagulgol na sigaw ko at kasabay nito ang panginginig ng buong katawan ko sa kaba. Magkakahalong takot, pagkamuhi at galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. "Aaagh! Demonyo ka!" Hindi si Travis ang nasa harapan ko ngayon kundi isang demonyo. Idiniin niya ang maselang parte ng katawan niya sa puson ko at naramdaman ko ang matigas na bagay na 'yon. Nadidiri ako. "Demonyo ka!" Walang tigil ang pag-iyak ko. Kahit na ibuhos ko ang lahat ng lakas ko ay wala pa rin itong laban kumpara sa lakas ng malaki niyang pangangatawan. "Saklolo! Tulooong!" Kahit ubos na ang lakas ko ay pinilit ko pa rin humingi ng saklolo, nagbabakasakali. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng pag-asa at nanghina. Hindi na rin ako makahinga dahil sa walang tigil na pag-iyak, hikbi at singhot ko ng magkakasabay. Dulot ng matinding pagod ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa hanggang sa isinuko ko na ang sarili. "Argh!" Napangiwi ako sa tindi ng sakit. Pakiramdam ko ay may kung anong p'wersahang bumabaon sa akin. "Nasasaktan ako, Travis! Maawa ka!" Hindi ko kinaya ang matinding hapdi at sakit. Hindi ko maipaliwanag pero hindi nito mapapantayan ang tindi ng pighati na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Hindi ko lubos akalain na ang lalakeng halos ibigay na ang langit sa akin ay siya rin palang magdadala sa akin sa impiyerno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD