RICO POV "Tama na Rico. Hindi na babalik sayo si Sirius." tugon sakin ni Carlo matapos ko siyang puntahan sa kanyang opisina at pilitin itong sabihin sakin kung nasaan si Sirius. "Hindi. Hindi ikaw ang magsasabi nyan sakin Carlo. Tell me where is she? " pagpupumilit ko. Nakapasok narin ako sa subdivision nila kung saan ito nakatira pero wala na si Sirius dun. Wala ng tao ang bahay nila. Kahit sa bahay ng kanyang papa ay wala ito roon according sa mga kasambahay na naroroon. Wala rin ito sa condo na kanilang tinutuluyan. At wala na akong paghahanapan pa kundi sa poder ng Carlo. Narito kami ngayon sa loob ng kanyang opisina. Si Carlo lamang ang pag-asa ko upang malaman ko kung nasaan ang babaeng mahal na mahal ko. Naabutan ko itong sumisimsim ng black label na alak at tahimik sa kanya

