KABANATA XVIII

1125 Words
Isang buwan ng engage si Sirius kay Rico at dalawang buwan na lamang ay ikakasal na sila. Weekend ngayon at napagkasunduan ng magkakaibigan na magkita sa mall. Kasama ni Charles at Pia ang kanilang dalawang anak habang dala rin si Geon at Thess ang kanilang tatlong taong gulang nilang anak na lalaki. Maging si Jinky at Renan ay naroon din at kasama rin nito ang isang taon gulang nilang anak na babae. Si Carlo naman ay tuwang tuwa na nilalaro ang kanyang inaanak kay Jinky dahil ito lamang ang batang kaya niyang kulitin. Ang tatlong bata kasi na naunang nabanggit ay kapansin pansin ang pagiging suplado at tahimik. Ngunit kapansin pansin rin na kapag nginingitian ni Sirius ang mga ito ay bigla nalang itatago ang mga mukha nito sa katawan ng magulang. "Baby girl, pareng Rico bilisan nyo ang paggawa ng bata kapag kinasal na kayo ha. Kapag babae ang panganay nyo, yung pinagkasunduan natin baby, ipapakasal ko yan sa anak ko! " pag-oopen ni Geon sa usapin. "Oy! Anong usapin yan!? Teyka Geon, baka pwedeng akin muna! Rish kapag babae anak mo sa panganay ko na yan! " "Wait! nauna akong nakapagsabi three years ago tol! " "Eh!? " -Sirius " Hayaan nyo mga bro baka swertihen kami ng honey ko at may lahi naman kaming twin, malay nyo kambal! " panunukso ni Rico sabay halik sa sentido ng nobya. "Basta usapan ha! Nga pala brod, ipapaalala ko lang sayo, binalaan na kita dati, huwag mo sanang kalimutan yun. Huwag na huwag mong paiiyakin ang Irish namin at huwag na huwag mong lulukuhin yan, malulumpo kita! " may kaseryusuhan na ani nito at bigla nalang napalunok si Rico bago ito nakasagot. "Haha, oo naman. Sirius is my life. I love her so much at hindi ko kakayanin na mawala sya sa akin. " malumanay niyang sagot na nakatitig sa nobya niya. "Ahhhhh!!!! Yun yun eh! Sweet naman! " komento ni Jinky. "Ay friend yang babae mo, ayaw mo bang ipagkasundo sa bunso ko yan!? " singit ni Pia na tinatanong si Jinky. "Friend, negative friend , May nauna na! " kaagad na tugon nito sabay tawa. "Naku kung gayun eh gumawa na kayo agad ng isa pa! Kayo rin Thess, ang bagal nyo naman! " panunukso ni Pia. "Lahhhh! Masakit umereh friend!" nahihiyang sagot ni Thess na ikinatawa ng lahat. "Sige mamayang gabi score na ko kay misis !" pilyong sagot naman ni Renan. "Ikaw Carlo, May balak ka bang mag-asawa!? " tanong ni Geon na nagpatigil kay Carlong makipaglaro sa bata. "Mind Your own business ha. Ako na ang nakita mo, sapakin kita diyan eh! " suplado nitong sagot na ikinatawa nanaman nila. "Honey I buy you yakult muna, wala pa naman yung order natin. " paalam ni Rico at tumango na lamang si Sirius. Masaya pang nagkwentuhan ang mga magkakaibigan at napapansin ni Sirius na wala pa si Rico maging si Carlo ay gayun din, gayung ang pagkain ay nakahain na sa kanilang harapan. Pagkaalis kasi ni Rico kanina ay nagpaalam rin na magbabanyo muna si Carlo ngunit dahil sa hindi ito makasingit sa private comfort room na pag-aari ng restaurant ay mas pinili nitong sa labas mag CR. Maya maya pa ay napansin na niya si Carlo na salubong ang kilay na umupo sa kanyang tabi. "Oh babe, what happened? Bakit parang nakabusangot ka na!? " tanong ni Sirius. Sasagot na sana siya ng dumating narin si Rico at dala na nito ang yakult. "Hon, daming nakapila sa counter. Here and lets eat na. " ani niya. "Okay. Ahm babe!? " muli niyang balik tingin kay Carlo. "I'm okay beshie, gutom na ako. Lets eat na. " daglian sagot niya. Matapos nilang kumain ay napagkasunduan nilang ipasyal ang mga bata sa toy store. Kasalukuyang may tinitingnan na barbie si Sirius ng may yumakap sa kanyang hita. Nung makita niya kung sino ang umakap na yun ay laking gulat niya na nag-uumpisa ng humikbi sa kanyang hita ang bata at titig na titig ito sa kanya. Mabilis niya itong kinalong sa kanyang bisig at ang bata na kanina pang nagpipigil umiyak ay hindi na napigilang umiyak sa kanyang leeg. "Mommy!!! " sambit ng bata habang umiiyak. Gulat na gulat naman ang mga kaibigan ni Sirius maging si Rico na bigla nalang na nanigas sa kanyang tabi. "Miracle is that you baby!? Oh my God! " bulalas ni Carlo. Ito ang batang pasyente ni Sirius sa Canada at ang alam ng bata ay Sirius ang kanyang ina. Si Miracle ay half Pilipino at half Dutch. Ipinanganak si Miracle na may sakit na sa puso. Isang taon pa lamang ito ng ilipat sa hospital ng Canada ang bata ng malaman ng ama na bumalik na si Sirius sa hospital na pinagtratrabahuhan nito dati. Ang ama ni Miracle ay isang pinoy kung kayat hindi na nagtataka si Sirius kung bakit narito sa Pilipinas si Mira. "Honey what is the meaning of this!? " tanong ni Rico ng maulian ito sa kanyang pagkatulala. Hindi pa man siya nakakasagot ng may biglang nagsalita mula sa kanilang likuran. "Sirius!? Oh my God! " at mabilis rin itong nakalapit kay Sirius at yumakap rito. "Daddy I found my mommy! " masayang ani ng bata habang umiiyak. Bumitaw narin agad sa pagkakayakap ang ama ng bata. "Oh my God darling don't cry please... " saway ni Sirius dahil nag-aalala ito na baka makasama sa kalagayan ng bata ang pag-iyak. "Please don't ever leave us na ulit mommy.... I will be a good girl na promise just don't leave us. I love you mom!!! Daddy love you too naman eh! Wag mo na po kaming iiwan please..." pagsusumamo ng bata. Miracle is three years old and half at smart rin ang batang ito. "I will not. Just don't cry okay!?" "You promise me mommy!? " "Of course I am! " "Oh mommy!!! " At sa puntong iyon at walang pasabi si Rico na bigla nalang itong umalis sa kanilang harapan. "Honey! " sigaw ni Sirius. "Babe, its okay. You can explain to him later." saway ni Carlo. "Oh my God Sirius I'm sorry, sya ba yung Rico Tan na boyfriend mo!? " tanong ni Xian sa kanya na ama ni Miracle. "Yes he is." agad na sagot ni Sirius. "And by the way those are my friends. Guys, meet Xian Gomez, the father of my patient Miracle." "Ohhhhhh..... Okay we got it. " sabay sabay na sambit ng mga kaibigan niya na puno rin ng katanungan ang kanilang mga mata kanina. "Miracle do you still remember me!? " agaw pukaw ni Carlo sa bata na tumango lamang sa kanya. "Come to Tito Carl." "I'm sorry but I don't want. I want to stay with my mom only. " derecho nitong sagot at muling humilig sa balikat ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD