KABANATA V

1252 Words
" I'm sorry po sir but I've repeated the search for your name three times na po, but your name isn't really on the list po talaga... " ani ng nakatalagang receptionist sa harapan na pinagpapawisan sa dalawang dahilan. Tensyon sa kagwapuhan ng nasa harap at takot na magkamali sa sasabihin. Si Sirius naman ay di malaman kung natatawa o maiinis o mapapahiya dahil sa pinagtitinginan na sila sa mismong intrada ng reception area. "Wala ba talaga ang pangalan ko?" muli niyang paninigurado. "Yes po sir!" sabay lunok ng sariling laway matapos sumagot. "oh sige, kung ganun, gawin mo nalang ito miss, ang isa sa inyo ay lumapit sa kahit isa sa mga ikinasal and inform them by my name. . "Carl Forio" , ang fashion designer ng kanilang wedding gown! Clear!? " may pagkairitado nitong wika na agad namang sinunod ng isang tauhan. Habang naghihintay ay naisipang asarin ni Sirius si Carlo. "Babe! Ang lakas ng loob mong pumunta dito, lahhh!? Di ka pala imbetado!Hehe" tukso ni Sirius na nangingiti ngiti. At sa pagngiting iyon ay nakakahatak na siya ng mga tagahanga sa paligid. "Siempre babe paspecial guest tayo! Magandang entrada dapat! " natatawa nitong ani bago ito lumapit sa teynga ni Sirius ay may ibinulong. "Tangnang Pia yan! My God sasabunutan ko ang bruhang yun eh! Tama bang alisin nya ang name ko! Nakakahiya na Beshie, pinagtitinginan na tayo! " wika nito na natatawa sa kanyang teynga. Hindi pa nakakasagot si Sirius ay bumungad na sa kanilang harapan si Pia. "Friend!!!! f**k!!! Im sorry, kasi naman eh sa huling pag-uusap natin sinabi mong di ka makakarating sorrryyyy nahhh!!! " agad na depensa ni Pia . Nagulat pa ito sa naaktuhan niyang eksena na magkadikit ang dalawa. "Friend, dont tell me may girlfriend ka na!?" agad na tanong nito sa seryosong boses. Sa mata ni Sirius ay ang laki ng transformation ni Pia sa kanyang harapan dahil sa kung gaano ito kaganda ay mas lalong nadagdagan pa ito. "Friend, pakilala mo naman ako! She's so beautiful! tangna ka, mas maganda pa talaga sakin! " papuri nito na kunwaring binubulong kay Carlo. "Mabuti at alam mo! Dahhh! " kaagad na sagot ni Carlo. " Bahhh ang tabang... pero friend, di ko akalain na makakabihag ka ng ganyang kaganda friend, ang sarap nyang ngumiti and its remind me someone... "dagdag pa ni Pia na tinaasan lang siya ng kilay ni Carlo. Magsasalita na sana si Carlo ng biglang lumitaw sa kanilang harapan si Charles. Ang mga mata nito ay nakatitig kay Sirius. At sa hindi inaasahan ay nagulat si Pia sa ginawa ng kanyang asawa maging ang mga taong naroon na labas pasok sa intrada. Bigla nalang kasi nitong niyakap si Sirius ng mahigpit na ginantihan naman ni Sirius. Kasabay nito ay ang mga paghalik ni Charles sa noo ng dalaga habang lumuluha ang kanyang mga mata sa kasiyahan. "Hey! Mahal what is the meaning of this!? " sita ni Pia sa asawa na ramdam ang kakaibang tensyon. "Irish..... " nasambit lamang niya at muling niyakap si Sirius. " Charles Yapilito! Ouch" sita ni Pia muli sa asawa na napaaray nalang sa huli dahil sa binatukan siya ni Carl. "Why did you do that!" sigaw ni Pia na nakaagaw atensyon na sa mga naroon. "Bruha!!! Selos ka na agad!? " -Carlo "Eh paano kasi! Kakakasal lang namin may babae na agad! " sagot nitong naiiyak. "Mahal, hindi ko sya babae, can't you recognize her!? It's Irish! " agap na sagot ni Charles ng bumitaw na sa pagkakayakap. "Irish!!!? " ani ni Pia at pilit na inaalala ang pangalang iyon. " Irish..... Rish.... Ohhh my God!!!! Baby Girl!? Sirius!? " sunod niyang nasabi na tumango lamang si Sirius. " Whaaaahh!!f**k!" napasigaw narin sa tuwa si Pia na sya naman ang yumakap at humalik kay Sirius. "Yeahhhh! I am! Congrats for both of you!!! " singit na pagbati ni Sirius sa malambing na boses. Napahinga naman ng maayos ang mga guest na nakakita sa tensyon kanina. "Teyka Teyka ano yung nakita ko kanina, Carlo, kayo na ba!? " agad na tanong ni Pia "Eh ano naman kung kami friend, lalaki parin ako dahhhh! " pabirong sagot ni Carlo. "Not bad! " sagot naman ni Charles. "Basta ba ingatan mo baby girl ng batch tol! " sabay tapik ni Charles sa likod ni Carl. Napahalakhak naman si Sirius ng masarap sa teynga kung kayat napayakap nanaman si Pia sa kanya. "Namiss ko yan girl!!! Let's get inside na, nandyan ang ilan nating kabatch, kakadyahe lang ang iba at mga busy daw kaya di sila pumunta! Hmmmp! selfie tayo mamaya baby girl ha, Iinggitin natin sila!" ani ni Pia. Agad ng hinila ni Pia si Sirius papasok at nakasunod lamang sa likuran sina Charles at Carlo. SA ISANG MALAKING ROUND TABLE ay naroon sila Geon kasama ang girlfriend nitong si Thess, Cedrick and Nokie, at si Jinky na kasama ang nobyong si Renan na kabatch din nila at si Harry. Hinahanap na nila ang presensiya ng bagong kasal dahil medyo tumatagal na ang mga itong wala sa kanilang designated na table. "Bhe, hindi pa ba tayo uuwe!? " ani ng isang babae na bumulong sa teynga ni Geon. "Bhe, hintayin nalang natin sila Charles para makapagpaalam saka tayo aalis na. " kaagad na sagot ni Geon. Maya maya pa ay may mga bulungan na silang naririnig hanggang sa namataan nila si Carlo at kasama nito ang bagong kasal na nakikipag-usap sa magulang ni Pia. Pansin rin nilang nakahawak ang isang kamay ni Carlo sa baywang ng isang napakagandang babae na ubod tamis na nakikipagngitian sa kausap. Halatang tinititigan ito ng grupo nila Geon. Maya maya pa ay dumako ang mga ito sa kabilang table kung saan ipinakikilala ni Charles si Sirius at Carlo sa kanyang mga bisitang katrabaho na kagaya niyang architect at architect engineer. "Guys, I would like you to meet my friends Mr. Carl Forio, the owner of the Classy Clothing Industry." paunang pagpapakilala ni Charles na binati naman at nginitian ng mga nasa table. " And this is the only daughter of our client Mr. Serge Abrenica guys- , Sirius Abrenica, long lost baby girl in our batch back 2021. Kami ang solid na barkada lalo na ang tatlong ito, Pia, Carlo and Sirius. Honestly nga kaya kami nadevelop ni Pia ay because of this two. " Charles stated. Sa pagkakataong ito ay naunang tumayo si Ram. "Di ko alam na may napakaganda palang anak si Mr. Abrenica. Hi, Im Ramcy Diaz. Single and ready to mingle. " ani ng binata na nakipagkamay kay Sirius. Isang ngiti naman ang ipinaabot ni Sirius sa binata kung kayat ang kanyang kaharap ay napakamot ng batok at namula. "I'm Rico Tan, Miss Sirius. Single rin. Ang ganda ng pangalan mo at nababagay sa ganda mo. " segunda naman ng isa na agad na inagaw ang kamay sa kasamahan. Kung papaanong ngiti ang ipinagkaloob niya sa isang kausap ay ganun rin ang kanyang ipinaabot sa kaharap. Kaya naman ang naging output nito sa kaharap ay lumabas ang beloy nito sa kanang pisnge at ang ganda ng ngipin nitong mapuputi. Napapasalubong naman ang kilay ni Carlo sa kanyang nakikita. Nais mang makipagkilala ng mga iba pa ngunit may mga katabi itong kapareha kaya hanggang tingin at ngiti na lamang ang mga ito. "Miss Sirius, dito ka na sa table namin. " paanyaya ni Ramcy. Magsasalita na sana si Charles ng biglang may yumapos sa likuran ni Sirius at pilit na iniharap siya nito sa taong yumapos rin dito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD