Napatutop ako sa bibig ko nang maamoy ko Ang nilulutong seafoods ni chef Andrew,kasalukuyan akong nasa kitchen naka duty ngayong linggo. Kanina ko pa talaga pinipigilang masuka sa mga naaamoy habang nag a-assist Kay chef drew.hindi ko maintindihan paborito ko naman Ang seafoods. Nang Hindi na talaga makaya ay agad akong tumakbo papuntang restroom nang kitchen at Doon ko inilabas lahat nang kinain ko kaninang tanghalian. Saka lang ako nahimasmasan sa pagsusuka nang halos mailabas Kona lahat nang laman nang sikmura ko at mailabas Ang napaka pait na laway na Hindi ko maintindihan Kung ano. Halos yakap Kona Ang sink habang nag hihilamos upang makakuha nang suporta dahil nanghihina Ang tuhod ko matapos magsuka. Papalabas na ako nang restroom nang magulat ako at bumungad Doon si chef Andrew

