Siren Madilim ang anyo ni bheshy nang nagbalik siya sa'min. Hawak-hawak niya ang Enraiha na nasa ika-limang anyo. Ang ika-limang anyo ng Enraiha ay korteng boomerang na malahigante. "May sampung libong Mafioso, we can easily kill them." Agad na bungad niya sa'min nang makalapit na siya. "But?" Tanong ko sa kanya, I can sense the problem here. "Mas malakas sa pinagsamang sampung libong Mafioso ang buong Inferno." Nahulog kami sa isang malalim na pag-iisip, kahit nakamaskara kami ay sinasalamin ng mga mata namin ang tapang at pagmamahal sa sinumpaang tungkulin bilang Phoenix member. "Ang dalawang humanoid ang bahala sa mga Mafioso." Napabaling sa akin ang mga atensyon nila. May kanya-kanya kaming plano at may plano kami bilang isang pangkat. "Leader?" Baling ni Dark Phoenix kay bheshy

