Kharmaine Ang kulay itim na hood ang tanging nakatakip sa mukha kong puno nang galit. Nandito ako sa sunog na lupain na dating kinatitirikan ng White Family mansion. Alam kong delikado ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasang magalit sa lahat ng mga nangyari. Sa loob ng dalawang linggo ay kay daming nagbago rito. Lalo na sa grupo namin, ang Phoenix, mula nang mawalan kami ng pinuno. Trinaydor kami ni Starfire. Iniwan kami ni leader. Namatayan kami ng kasamahan. At muli ay naglakbay na naman ang diwa ko sa araw na iyon. Isa ‘yong plano. Akala ko ay 'yon na ang katapusan namin dahil pinagtutulungan na kami pero nang magsimula ang mga pagsabog ay nakakita kami ng tyempo. Karamihan sa mga Phoenix members ay pagod na pero walang miisa sa amin ang gustong huminto. Mamamatay man kami ay dapat ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


