Jessa Nakaalis na si Alaric papuntang office at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Oo nga at binalak ko siyang akitin noong nagdaang gabi. Gusto ko kasing malaman kung wala ba talaga akong epekto sa gurang na yon dahil nahuli ko nga siyang may kayakap na babae. Many times, he tried to explain to me kaya nga lang hindi ko na pinakinggan dahil kasinungalingan lang din naman ang sasabihin niya. Hanggang sa nakapag isip isip na din ako. Hindi naman niya kailangang gawin iyon pero bakit nag-eeffort pa rin siya na pakinggan ko siya? Yan ang malaking tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Oo nga at totoong nakakasama ng loob ang nakita ko, pero kung may paliwanag siya about it, why not pakinggan ko na lang? Kaya naman kagabi ay naghanda ako. Kunyari ay hind

