Chapter 10

1049 Words

Paano ko ba paglalabanan ang unti unti ng umuusbong na damdamin ko para kay Alaric? Hindi na mawaglit sa isip ko kung gaano ako kiligin sa bawat pagdantay ng kamay niya sa balat ko nung bumisita ang dalawang matandang Navarro. Idinadaan ko ang lahat sa angil sa kanya para mapagtakpan ang kiliting ipinaparamdam niya sa akin kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin habang kumakain o kaya naman ay sa aming silid pagkatapos kong maglinis ng katawan bago matulog. Ilang linggo na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lambot ng kanyang mga kamay na marahang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko maiwasang mag imagine tuloy ng kung ano ano. Kagaya na lang ngayon. Late ko ng natapos ang project ko kaya nakaligo na siya at nakapwesto na sa aming kama ng umakyat ako sa aming silid. Nagtama pa ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD