"Wala ka talagang silbi, yan na nga lang hindi mo pa magawan ng paraan, napakadali ng pinagagawa ko sayo, ang simple-simple pero hindi mo magawa, hanggang Kailan ba ako dapat maghintay sayo? Hanggang Kailan pa ba ako maghihintay sa araw na may natutunan ka na kung paano magpatakbo ng negosyo?" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga salitang yan
"Hon, tama na makakasama sa kalusugan mo kung patuloy kang sisigaw, huminhon ka, ako na lang ang kakausap sakanya, magpahinga ka na lang" napaismid ako sa kaplastikang pinapakita niya, sa tingin niya ba mauuto niya ako dahil sa pagbabait-baitan niya sa harap ng Daddy ko?
Tinitigan ko lang si Daddy nagaanatay kung anong gagawin niya pero patuloy pa rin niya akong binibigo, akala ko ba lahat ng magulang mahal ang anak nila pero sa nakikita ko wala ni katiting na pagmamahal ang ama ko para saakin, ni wala nga yata siyang pakialam sa nararamdaman ko
"Megan ikaw na ang bahala sakanya, patinuin mo, kung gagawa siya ng kalokohan saktan mo kung kailangan para magtino siya, kung narito ang ina ni Megan ganiyan rin ang gagawin niya pero wala na siya kaya na sayo na ang karapatan bilang bago niyang ina"
"Huwag kang mag-alala, yan naman talaga ang tungkulin ng isang ina hindi ba? Ang alagaan at turuan ng tamang asal ang anak nila, Ako ng bahala sakanya, gagawin ko lahat ng makakaya ko magtino lang siya"
Tumango lang si Daddy sakaniya at akmang aalis ng tawagin siya ni Megan at halikan ito sa pisngi't gawaran ng matamis na ngiti
"Tss, kung ako sayo magpapakabait na ako at hindi na gagawa ng kalokohan pa, kung ako sayo magtitino na ako" umiling ilang pa ito na parang maling mali talaga ang nagawa ko, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para makuha ang gusto niyang investments para sa kompanya, pero hindi sapat yun dahil kulang pa rin, malaki naman ang nakuha kong investments pero hindi sapat yun, dahil hindi yun ang inaasahan niya, ganun naman lagi, lagi ko na lang siyang binibigo at pinapahiya dahil mahina ako pag dating sa negosyo. "Hindi ka muna magtratrabaho, kailangan mong magpahinga, alam kung pagod ka sa trabaho mo, ipapaalam ko sa Daddy mo na hindi ka makakaattend sa meeting bukas"
"Huwag ka ngang umasta na parang tunay kitang ina, tandaan mo tatlong taon lang ang agwat mo saakin, matanda ka lang ng tatlong taon, pera lang naman ang habol mo hindi ba? Bibigyan kita umalis ka lang sa buhay namin"
"Tandaan mo ina mo pa rin ako kaya igalang mo ako, wag kang bastos, isa pa ang sabi ng Daddy mo ay gawin ko ang gusto ko sayo para magtanda ka, may karapatan akong pagsabihan ka para magtino ka"
Napangiwi ako ng lagpasan ako nito at banggain, kalokohan ba ang uminom ng alak dahil nasasaktan ko? Lahat tinitiis ko para lang maabot ang expectations niya, pero sobrang taas hindi ko kayang abutin.
Maaga akong nagising para paghandaan ang meeting mamayang 9:00 ng umaga, I wear my White spaghetti strap, fitted jeans and blazer partnered with white high heels
Pagpasok ko sa office ko ay nireview ko muna yung iprepresent mamaya para handa ako, ayaw kung pumalpak sa harap ng ibang tao at ayaw kung mapahiya nanaman si Daddy ng dahil saakin, 8:48 na pala malapit na ang meeting, tumayo na ako at Pumunta sa conference room, papasok na sana ako pero hinarangan ako ni Steven, assistant ni Daddy kasama si Chloe assistant ko.
"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok" Ano hindi ako pwedeng pumasok? Kailangan ako sa loob, kailangan kung makapasok, trabaho ko ito, hindi ako pahayag na mawala saakin ito
"Ano bang sinasabi mo? Papasukin mo ko kailangan kung umattend sa meeting" lalagpasan ko na sana siya ng harangan niya ako "ano ba Steven ang sabi ko papasukin mo ko kailangan ako sa loob"
Tinabing ko si Steven para makadaan ako, bubuksan ko na sana yung pinto pero hindi ko mabuksan, nakalock. Pinilit ko itong buksan pero ayaw talaga
"Buksan niyo itong pinto" sigaw lang ako ng sigaw habang kumakatok sa pinto, anong karapatan nilang pagsarhan ako? Hindi naman ako late, sakto lang ang dating ko, ayaw pa ring mabuksan kaya tinadyakan ko na lang pero ayaw talaga, pinipigilan pa ako ni Steven at Chloe sa ginagawa ko, tatadyakan ko na sana ulit ito pero bumukas na ito, agad akong umayos ng tayo at inayos ang folder na hawak ko pero ganun na lang ang paglukot ng mukha ko ng magsilabasan sila, hindi ba't 9:00 ang meeting bakit sila nagsisilabasan? Tama naman ang oras sa relo ko
"Dad what's the meaning of this?" Tanong ko kaagad kay Daddy ng makalabas siya sa pinto kasama ang ibang stock-holders
"Hindi ka muna papasok sa trabaho mo, napagisip isip kung kailangan mo rin ng pahinga kahit kunting panahon lang, si Megan muna ang gagawa ng mga maiiwan mong trabaho" what? ako magbabakasyon? Hindi.. hindi ako papayag
"Pero dad hindi ko naman kailangan ng bakasyon, kaya ko naman, at tsaka isa pa magbabakasyon ako kung kailan ko gusto"
"My decision is final, magbabakasyon ka ng isang buwan at si Megan muna ang magaasikaso sa trabaho mo, sumangayon na ang board kaya wala ka ng magagawa pa"
"Si Megan ba? Siya ba ang nagsabi sayo? Hindi ko naman kailangang magbakasyon dad, kaya ko naman ang trabaho ko, kung pinaparusahan mo ako dahil hindi ko nakuha ang gusto mong investment, wag naman ang trabaho ko dad"
"Hindi kita pinaparusahan, sanay naman na ako, you're always a failure, you always disappointed me"
Ngumiti na lamang ako bilang paggalang bago umalis, tumakbo ako palabas at agad na sumakay sa kotse, ayaw kung may makikita saaking umiyak
Si Megan siya ba ang may kagagawan nito? agad kung pinaandar ang kotse pauwi sa bahay.
Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis, nagsuot ako ng fitted black jeans, black t-shirt at black leather jacket at gloves, isinuot ko na rin ang helmet ko for my safety, ang plano ko ay magmaneho ng motor pampalipas ng oras o sabihin na nating pampakalma, marunong naman ako magmotor sa katunayan niyan minsan na akong naging motorcyclist.
Hindi naman pwedeng mag overtake ako sa daan baka makuhanan pa ako ng lisensya kaya kadalasan sa magubat na parte ako nagpapatakbo ng mabilis o sa daan na wala masyadong dumadaan na sasakyan
Napabuntong hininga ako bago sumakay sa motor ko, gusto kong pumunta sa Tagaytay, mas magandang lugar yun kung magmomotor ako pero mas maganda kung habang nagmomotor ako ay nakikinig sa mga kanta
Hindi ko alam pero napapangiti ako sa mga naiisip ko, siguro nga kung may nakakakita saakin ngayon iisipin nilang nababaliw ako dahil ngumingiti ako ng magisa
Isinalpak ko na lang ang headset ko sa tenga at nagpatugtog habang nag momotor, Worthless ang kanta, isa sa mga kantang paborito ko dahil tumatatak sa isip at puso ko ang bawat lirika na may kinalaman saakin
"I'm always so alone even when surrounded
By people that I know, I'm always so astounded
By my ability to ruin everything
Losin' friends and starting fires, everyone thinks I'm a liar"
Simula bata pa lang wala na akong kaibigan dahil masama raw' ang ugali ko, wala raw akong kwenta, sinisira ko ang lahat
"I always stay at home 'cause I'm not good in public
I sit here on my phone, I'm always disappointed
I watch them live their lives, I wish that I were happy
Victim of my generation, time machines cannot erase it"
Palagi na lang akong disappontment para kay Daddy, ginagawa ko naman ang best ko para lang makita niya na lahat ginagawa ko para sakanya, minsan lang niya ako purihin kaya kahit na simpleng 'magaling pagbutihin mo pa', ayos lang para saakin
"Who am I supposed to be? When will I be complete?
When will they be proud of me? It's getting harder to see
Slit my wrists, bloody fists, questioning why I exist
Pain persists, evil gifts, f*****g up my life to shit
I'm worthless, I'm worthless
I'm worthless, slit my wrists until I bleed out"
Kailan kaya ako magiging masaya, yung pinahahalagahan ka, inaalagaan, at minamahal, minsan nga iniisip ko kung bakit pa ako nabuhay sa mundo kung puro pasakit lang ang mararanasan ko
"I try to stay strong no matter what I do
I'm always in the wrong, it never gets easier
But maybe that's the point, it's part of growing up
Messing up and learning from it, that's just life, it's necessary"
Maybe that's the point, hmm.. it's part of growing up, totoo siguro nga parte na yan pagkatao natin, walang perpekto sa mundo, pero sa dinami dami ng tao sa mundo bakit isa ako sa mga nahihirapan? Ano bang nagawa ko sa past life ko at ganito ang buhay ko?
"Clinging to hope, what else is there to live for?
Got nowhere to go, what else is pain good for?
I am confident that your life has a purpose
It's okay, you will get through it
Don't give up 'cause someone needs you"
Someone needs me? Sino? Sinong tao naman ang gugustuhing makasama ako, Kung pati pamilya ko suko na saakin, mababaw lang akong tao, hindi ako matigas, nagtitigas-tigasan lang para makita ni Daddy at ng ibang tao na malakas ako, na kaya ko lahat, na hindi ako umaatras sa mga problema ko, hindi ako pusong bato.
Napasinghap ako ng mapansing basa ang pisngi ko, umiiyak ba ako? Ako umiiyak ng dahil lang sa kanta? Tss Ako si Kirsten Jade at hindi ako iiyak ng dahil lang sa kanta.
Inalis ko sa tenga ko yung headset, naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil umiyak ako, naiinis ako sa sarili ko dahil umiyak ako ng dahil lang sa kanta. Napakababaw hindi ba? Kaya pinipilit ko sa sarili ko na matapang ako, na malakas ako, na hindi ako susuko dahil ako si Kirsten Jade na walang inaatrasan
May iba din namang mga motorcyclist akong nakikita kaya okay lang, pero hindi saakin okay na may kapantay ako sa pagpapatakbo at dahil nga wala akong inaatrasan mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko dahil ang Ayoko sa lahat ay may kapantay ako
Mas ayos nga na Mas binilisan ko mas gusto kong may thrill Lalo na't wala ako sa mood, hindi ko na lang ito pinansin at Nagpatuloy sa pagmomotor, tiningnan ko ang tanawin, napakaganda, siguro kung dito ako nakatira malaya sa syudad ay maayos ang buhay ko wala akong proproblemahin kundi pagkain
Paglingon ko sa harap ay may malaking sangga sa dadaanan ko bago pa ako bumangga ay lumiko na ako pero maling direksyon ang nalikuhan ko
ano bang katangahan ang pinaggagagawa mo Jade, bumilis ang t***k ng puso ko, nagpagulong gulong ako sa lupa, naghahanap ako ng makakapitan kahit na nahihirapan, ang sakit ng katawan ko, hindi maganda ang pagkakabagsak ko, nakakapit na lang ako sa bato, madulas ito sa kamay lalo na't naka-gloves ako, kung madudulas ang kamay ko tiyak na mamatay ako, hindi na kaya ng katawan ko, nagdadalawa na rin ang paningin ko
Lord please, save me.. gusto ko pang maranasang sumaya, gusto ko pang mabuhay, is this the end, ito na ba talaga katapusan ko? somebody help me?
Bago pa ako makabitaw sa bato'ng hinahawakan ko may kamay na humawak sa kamay ko, tiningnan ko kung sino ito, siya yung nagmomotor kanina, pilit ako nitong inaangat mabuti naman at naangat ako nito, agad akong napahiga dahil sa kapagudan
Masakit ang katawan ko at kumikirot ang ulo ko, tiningnan ko ang katawan ko ang may mga sugat ako sa braso at hita may punit rin ang ilang bahagi ng damit ko, yung motor ko, yung motor ko..
Nagpalinga linga ako sa paligid pilit na hinahanap ang bike ko, nakita ko sa ibaba ang motor ko nakatagilid sa gilid ng bangin aligaga akong pumunta dito pero may kamay na humawak saakin
"Anong ginagawa mo? Bababa ka para kunin yung bike mo, nababaliw ka na ba"
"Ano ba bitawan mo ako" pilit akong nagpupumiglas pero malakas siya, ni hindi ko nga kilala kung sino ito "bitawan mo ko"
"Ano bang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba? Pwede mo namang bumili ng bago ah " Hindi ko siya pinansin at Nagpatuloy sa pagpupumiglas, kung hindi ko makuha ito ngayon pwedeng hindi ko na ito mahawakan pa at tuluyan ng matulog sa bangin
"Hindi.. hindi.. nandoon yung album, nandoon yung album" bahagya ko pa siyang inuga-uga "hindi mo ba ako narinig? ang sabi ko nandoon yung album ko" sigaw ko sakanya habang nakahawak sa damit niya, bababa na sana ulit ako pero binuhat niya ako pabalik
"Bitawan mo ako bitawan mo ako" sinipa sipa ko siya para lang makawala ako nagtagumpay naman ako lalapitan ko na sana ang motor ko pera nahawakan niya ako sa bewang at tsaka niyakap, hindi ko kayang mawala yung diary, hindi ko kaya ayaw kung mawala yun, mahalaga saakin yun
"Lumayo ka nga diyan, ano ba may tama ka ba sa ulo" hindi ko pinansin ang pagbulyaw saakin ng lalaking ito ang mahalaga saakin ay makuha ko ang diary ko
"Mommy.. Mommy.. Mommy" yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko, nahihirapan akong huminga dahil sa kakaiyak " Mommy.. plsss bitawan mo ko" bulong ko sakanya hindi ko kayang mawala yun, nasa bike na yun ang diary ni Mommy, nandoon lahat ng alaala ko kasama siya, kahit na pilit ko yung kinakalimutan dahil kinamumuihan ko siya sa pagiwan niya saakin "mommy" unti unti naramdaman kung lumawak ang pagkakayakap niya sa bewang ko agad akong napaluhod dahil sa panghihina
"May nakalagay sa motor?" Hindi ko siya pinansin gagapang na sana ako pababa ng hawakan nito ang balikat ko "ako na ang kukuha, nandoon ba yung.. diary mo?" Agad akong tumango tango sakanya
Tiningnan ko lang siya, kung paano siya bumalik sa motor niya at kumuha ng lubid, kung paano niya ito itali sa puno at sa bewang niya kung paano siya bumaba at kunin ang diary ko, kung paano niya ilagay sa alanganin ang buhay niya para lang makuha ang diary ko.
"Nakuha ko na" itinaas niya pa ang album ko, tumango tango lang ako para sabihin yan nga iyon, tumayo siya at hihilahin na sana ang lubid para makaakyat pero nagulat ako ng bigla siyang mawalan ng balanse, nawalan nga ba siya balance? O dahil naputol ang lubid? Pwedeng maputol ang lubid dahil matutulis ang mga bato.
Nandito kami ngayon sa hospital, mabuti nga at may nakikita saakin kanina at tinulungan ako, mababaw lang naman ang bangin pero delikado pa rin yun kung mahulog ka lalo na't matutulis ang mga bato, yung lalaki kanina nakuha na at dinala sa emergency room, nakaupo lang ako sa waiting area at tulala.
"Kahit sa bangin nahulog ang pasyente, ilang minor injuries lang ang nakuha niya,may broken ribs siya at may tama ang binti niya, pero Bata pa naman siya, he will be fine basta't magpahinga lang siya ng maayos" nanatili pa rin sa harap ang paningin ko kahit na may doctor pa sa harap ko "ahh.. Teka pwede bang malaman kung anong relasyon niyo sa pasyente?"
Tumingin ako sa gilid ng mata ko para makita ang doctor at muling humarap sa kawalan bago magsalita "hindi kami.. magkaanoano" tumayo ako't nilagpasan ito.
Pumasok ako sa silid kung nasaan ang lalaking nagligtas saakin, nadatnan ko itong nakahiga sa kama at nakaidlip, napakaamo ng mukha niya, sigurado akong gwapo siya pero gwapo pa rin naman siya kahit may sugat ang mukha, napatikhim ako ng dumaing ito't magmulat ng mata sabay lingon sa gawi ko
"Ikaw, do you know me? Dati ba nagkita na tayo? Nakakapagtaka lang kasi na kahit hindi mo ako kilala niligtas mo pa rin ako at kahit delikado yung sitwasyon itinuloy mo pa rin yung ginawa mo, paano kung napahamak ka talaga plano mo ba yung isisi saakin?"
"Ganiyan ka ba pinalaki ng magulang mo? Imbis magpasalamat o magsorry magagalit ka pa at manenermon at pagkatapos maninisi ka pa ng ibang tao, ibang klase" umupo siya kahit na nahihirapan "kung thankful ka sabihin mo lang 'thank you' kung mag a-apologize ka sabihin mo lang 'sorry' yan kase ang sabi saakin ng magulang ko, pabayaan mo na hindi mo naman inutos yun sarili kung kagustuhan yun, kaya wala na tayong dahilan para magkita pa, Huwag kang mag-alala hindi kita sisisihin at hindi ako hihingi ng kahit na ano, kung naiintindihan mo, alis na, Masakit pa ang katawan ko, Magpapahinga ako."
Hindi ako makapaniwala na may taong pagsasalitaan ako ng Ganiyan, humiga pa ito sa kama at tsaka pumikit, nakamot ko ang batok ko sa kawalan ng pasensya, pakiramdam ko natalo ako dahil hindi ako makaangal sakaniya.
Lumabas na lang ako sa silid niya wala naman akong mapapala kung Tumayo lang ako doon, naalala ko yung nangyari kanina kung paano niya ako iligtas nung malapit na akong mahulog
Bakit? Bakit mo yun ginawa saakin? Bakit mo ako niligtas? Bakit mo nilagay sa alanganin ang buhay mo? Anong dahilan?
:)