Linggo wala siyang pasok. Araw ng pahinga, mag-isa lang siya sa bahay, nasa simbahan sina Tatay at Nanay kasama ang kapatid niya. Sinulit na niya ang buong araw na pahinga dahil bukas balik trabaho naman siya maghapon pagod. Ngayon wala siyang gagawin ang matulog lang maghapon. Kinabukasan, maaga naman siyang nagising para ibenta ang mga gulay sa palengke bago papasok sa trabaho. Araw araw ganon lagi ang routine niya. Kaagad niya naman binigay kay Nanay ang pera para may pambili ng bigas at pambaon kay Anna sa eskwelahan. Kaya lang kapag laging pinagkukunan ng bunga ay mamatay na iyong halaman. Panibagong tanim naman at maghintay pa ng ilang buwan bago mamonga. Mabuti na lang may iba siyang trabaho at iyon na lang ang inaasahan sa ngayon. "Tay, bakit ang lalim ng iniisip niyo?" Tanong ni

