"Masaya akong Mrs. Mondragon, itong eskwelahan namin ang napili mo applyan." Kausap niya ang principal ng eskwelahan. "Yes, Ma'am, mas malapit kasi ito kumpara sa ibang eskwelahan. Tamad na akong bumiyahe ng malayo lalo na kapag traffic." Sabi niya dito. Ang eskwelahan na ito ang mas malapit, iyong iba malayo na masyado. "Okay, pero salamat pa rin kasi nadagdagan ang school teacher namin. Alam mo kasi kulang kami ng teacher lalo na parami ang estudyanti kada taon." Ngumiti lang siya dito ng tumayo na rin sa pagkakaup sa sofa. "Maraming salamat rin Ma'am, kasi tinanggap niyo pa rin ako kahit may kulang sa mga documents na pinasa ko." Sabi niya dito. "Naku! Wala iyon. Naitindihan ko naman iha. Basta kapag dumating na ipasa mo na lang sa office kasi kailangan iyon." Tumango lang siya sa

