Kabanata 1
"Hoy, Ate! Gising na daw! Umaga na. Magluluto ka pa ng almusal natin at may pasok ka diba?" kapatid ko yan, si Kael. 17 yrs. old, Senior High na ngayon.
Napadilat naman ako sa sobrang lakas ng tampal sa balikat ko. Hindi kaba naman magigising? Lakas nun ha. Aguy huhuhu
"Oo na. Sandali lang. Mag stretching pa ako. Malay natin tumangkad ako ng one inch lang."
"Oh sige. Baba na ako. Ako muna maligo ha? Mamaya pa naman ang pasok mo."
"Oo na. Sge na. Shu shu! Alis na."
Habang ako naman ay bumangon na ng dahan-dahan kasi masakit yung ulo ko sa kadahilanang kulang sa tulog kasi nga po nagsagot pa ako ng assignment namin at pahabol lang yung isang chapter sa binabasa ko na naging limang chapter bago ko naisipang matulog na. Wala eh, addict na ako sa w*****d. Hahaha
Pagkatapos kong magligpit ng hinigaan ko, eh bumaba na ako. Naghanda para sa lulutuin ko. Itlog na linagyan ng maraming sibuyas at kamatis at sinangag na kanin ang niluto ko. Marami kasing natirang kanin kagabi kasi hindi naman kumain itong kapatid ko. Nilibre daw sila ng kaibigan nila ng pagkain habang pauwi galing school.
Nakita ko si Kael na bagong ligo at nag aayos sa kanyang uniporme na nakaharap sa salamin. Pagkakita niya na nasa likod niya ako, agad naman siyang nagsalita.
"Ate, patulong ako sa assignment ko mamaya ha. Pagkauwi mo. Hindi ko pa kasi nasagutan yun. Bukas na yun i che-check ni Maam. Hehe."
"At bakit naman hindi mo pa nasagutan yun samantalang malaki yung oras mo kahapon? Ikaw ha, palagi ka nalang nakababad sa cellphone mo. Masira yung mata mo niyan. Sige ka."
"Eh nagpatulong pa kasi yung kaibigan ko sa kanyang assignment sa ibang subject namin. Alam ko naman iyon kaya tinulungan ko muna at nanood pa ako ng videos sa youtube eh. Nakalimutan ko."
"Naku ka. Hala sige. Mamaya nalang. Maligo na ako. At ikaw, tawagin mo na si Papa. Mauna na kayong kumain. Maliligo muna ako."
"Okay ate."
Sus, ate daw? Ate kasi magpapatulong? Samantalang noong una, hindi nga ako malingon kasi babad sa cellphone. Ang galing. Naku talaga.
Naligo muna ako at pagkalabas ko ng paliguan wala na si Papa sa hapag. Ang nakita ko nalang ay ang magaling kong kapatid na nakababad nanaman sa cellphone habang nakain. Linapitan ko ito at nabatukan kasi male-late na siya. Katagal kumilos.
"Uy! Hindi mo ba naririnig ang busina sa labas? (busina po ng motor, wala po kaming kotse. Di afford hehe) Kanina pa doon si Papa naghihintay sayo! Pagalitan ka na naman. Dali na. Malate na si Papa sa pag time-in ngayong umaga! Hala! Kilos na! Ako na magligpit ng pinagkainan."
"Sandali, mag toothbrush pa ako. Mabilis lang to. Pakisabi kay Papa na madali lang ako."
Ayun karipas ng takbo sa CR para magtoothbrush. Yan kasi.
"Pa! Sandali lang. Nagtoothbrush pa si Kael!" Sumigaw na ako kasi hindi naman ako pwedeng lumabas na nakatuwalya lang. Makita pa ako ng kapit-bahay.
"Ganun ba? Sige lang. Loko lang yung busina kanina dahil alam kong magtatagal na naman yun sa kaka cellphone." Kitams, alam na talaga ni Papa gawain ng kapatid ko.
"Oh sige Pa. Magbihis na ako. Paki-lock nalang po yung pintuan pagka alis niyo."
"Okay, Sge na. Mag-ayos kana. May pasok ka pa."
Habang ako naman ay nag ayos nang sarili. Nagsuot na ako ng uniform ko. Yung uniform namin ay white&blue. White yung pang-itaas na i tuck-in sa palda naming kulay navy blue, above the knee yung length. Pwede ka ring mag pants na pang- babae. Naka tuck-in din. Yun yung suot ko, mas kumportable kasi ako sa pants. Bumabiyahe pa kasi ako papuntang school. Hassle pag naupo kasi naiksi yung palda. Eh yung pants, hindi naman at pwede ka pang bumukaka kahit saan di tulad ng palda, feeling Maria Clara ang peg sa hinhin pag naupo. Hahaha Mayroon pang necktie, stripe siya na kulay blue at red. Ito talaga ang nagpapatagal sa akin eh. Hindi ako maalam sa pag necktie kaya nabubuhol lang. Mayroon pang maliit na pin na bilog na may logo ng school namin. Babae lang ang may pin. Nilalagay naman ito namin sa may kaliwang kwelyo ng uniform. Sa boys naman same yung kulay, white pang itaas na may linen na 1 cm na kulay blue sa may manggas, same sa babae, necktie at pants rin na kailangan ng belt.
Actually yung uniform namin makikita mo na kaparehas sa isang anime. Nakalimutan ko lang kung anong anime yon. Iwan ba namin bakit nakuha doon yung design. Pero maganda naman.
Lumabas na ako ng kwarto. Tahimik na sa baba. Umalis na siguro sila. Kumain muna ako at linigpit yung pinagkainan. Nagtootbrush na rin. Mamaya ko nalang hugasan yung mga pinggan .
Alas 10:30 ng umaga hanggang alas 4pm ang klase namin. Kinuha ko na yung backpack ko, yup backpack, hindi ako mahilig sa shoulder bag kasi nahuhulog sa balikat ko. Kumuha na rin ako ng barya sa aparador na gagamitin kong pamasahe sa jeep.
Habang nasa biyahe ako, nakakaidlip ako kaya yung katabi ko ay kinalabit ako sa balikat at sinabi na malapit na yung pagbaba ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Sasakay pa kasi ako ng isang beses at maglalakad ng mga walong minuto bago makarating sa school. Early exercise kumbaga. Kaya lang nakakapagod, umagang umaga, haggard kana galing sa biyahe.
Pagdating ko ng school, marami ng estudyante. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at nagsend ng message sa mga kaibigan ko.
Ako kasi yung palaging nauuna pagdating sa school. Mayroon kasi silang boarding house na malapit sa school kaya hindi mga takot ma late. Ako kasi kailangan pang bumiyahe ng mahigit isang oras kaya kailangan maaga sa pag-alis.
As usual, wala pa ni isa sa kanila ang nandito. Naupo muna ako malapit sa clinic . May bakanteng upuan kasi doon. Linagay ko ang bag ko sa gilid. Wala namang naupo pa. Nagbasa lang muna ako ng notes sa cellphone baka kasi may pa surprise quiz si Sir. Mahilig pa naman yun magsabi ng may quiz pero hindi natutuloy. Baka matuloy na yung quiz ngayon. Mabuti na yung handa.
Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na kung sino pa ang malapit ang bahay sa school ay siya pa ang madalas mahuli sa klase. Naku naman oh. Loner na naman ako. Huhuhu
Wait, kung susuwertihin ka naman, nakita ko yung crush ko. I mean, isa sa mga crushes ko dito sa school. Hehe landi. Marami kasi akong crush dito. Reserba ba. Para naman kapag di ko makita yung isa, makita ko lang yung ibang crushes ko, inspired na ako haha. Hindi naman ako nagpahalata. Kahiya kaya.
Buti nalang wala pa ang mga kaibigan ko dahil kung nandito ni isa sa kanila, patay ako. Siguradong tutuksuhin lang nila ako. Mga pasaway pa naman yun. Malalakas mang asar. Kaya, Lord, Thank you. hahaha
Papunta siya sa may gawi ko, ibig sabihin, makikita ko siya ng malapitan. Okay Maell, relax. Siya lang yan. Di ka kilala niyan. Pagkakausap ko sa sarili ko. Ayan na siya.
Pagtingin ko sa kanya, nakita kong ngumiti siya ng konti, ewan namalikmata lang ata ako. At dumaan na siya sa harap ko. Grabe ang bango niya. Ano kaya pabango niya? Eheh landi. Kunwari busy ako sa cellphone na hindi ko naman na naiintindihan kung ano ang nakasulat dito. Naku iba talaga presensiya ni crush. Nuba!
"Miss, panyo mo."
Lumingon naman ako, malay ko ba kung ako yung kausap diba. Pag-angat ko ng tinigin sa kanya, sa akin nga siya nakatingin. Ibig sabihin ako nga iyon.
"Huh?" Bumalik siya? Akala ko nagpatuloy na siya sa paglalakad. At ano daw? Panyo? Tingin naman ako sa bulsa ng pants ko, eh? Nandito naman panyo ko ah?
"Ano, hindi yan sa akin. Nandito ang panyo ko oh." Pinakita ko sa kanya yung panyo ko.
"Ah, ganun ba? Akala ko sa iyo ito." Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Ako naman, ngumiti nang pilit. Para hindi mahalata na affected ako sa presence niya, ngumiti ako ng maliit lang. Yes very slight lang. Haha
Kunwari pa akong tumingin sa relo ko, eh mayroon pa akong 30 minutes bago ang klase. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko.
"Ah, sge una na ako. May klase pa kasi ako. Yung babae ata kanina ang nakahulog ng panyo na iyan. Good morning nga pala. "
"Yeah, sige. Good morning din. See you."
Nauna na akong maglakad, pero isang beses akong lumingon sa likod, nakatingin siya sa panyo na hawak niya at pagkatapos umangat ang labi niya na parang nangingiti. Nang napansin kong lilingon siya dito sa akin, humarap na ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Saya naman ng umaga ko. Hehehe
Author's note:
Btw, yung gamit ko pong POV ay kay Maell (HER POV) yun lang hehe. ^ω^
Okay lang po ba?
Don't forget to vote ⭐ and leave a comment. ♥♥♥