Chapter 6

2537 Words
Samantha's POV "Sammy para sa'yo nga pala." Sabay abot ni Sander ng isang maliit na kahon sa akin. Napatulala lamang ako sa isang asul na kahon na nakalahad ngayon sa harapan ko. Dahan-dahan akong naglakad paatras at kaagad tinanggihan ang bagay na nais niyang ibigay. "Hindi ko matatangap iyan Sander, mas maiging ibigay mo na lang 'yan kay Tara." Saad ko at tumayo na para bumalik ng classroom. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya dahil umeksena pa siya sa room kanina at tinawag ako. Iyon lang pala ang ipinunta niya, para bigyan ako ng isang kahon na may lamang kung ano. Ako ang nahihiya dahil marami ang mga matang nakatingin sa aming dalawa lalo na't isang sikat na tao si Sander kaya mabuting layuan ko siya. Isa rin siyang modelo kaya hindi na ako magtatakha pa na maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya.  Iniiwasan ko ang mapalapit sa kanya dahil isa siya sa gustong-gusto ni Tara. Ayaw ko ng gulo kaya hangga't kaya kong umiwas  ay gagawin ko. Simula ng mangyari ang araw na iyon ay nalaman kong hindi na pumasok pa si Sander. Nabalitaan ko na lang sa campus na lumipad sila kasama ang kanyang mga magulang sa states para mag-aral doon. Iyon na ang huli kong balita sa kanya kaya ng umalis siya ng campus ay target na ako ng mga bully sa school.  "Sander..." mabilis siyang lumapit sa akin at manghang-mangha ang mga mata. "Hindi ka pa rin nagbabago Samantha, you look still beautiful and cute." Pakiramdam ko ay namula ako sa mga sinabi niya kaya kaagad akong umiwas ng tingin para hindi niya iyon makita. "Kuya let's go." Sabay hatak ni Shion sa kuya niya pero ramdam kong nasa akin pa rin ang tingin ni Sander habang naglalakad papalayo.  "Sorry po ulit sa nangyari." Paghihingi ng tawad ng dalawang kasama ni Shion at tumango naman ako. Hindi ko magawang ibuka ang ibibig ko at magsalita na opinagtakha ng dalawang ito. Nagkibit balikat na lamang silang dalawa at umalis na rin. Ng mawala sa paningin ko si Sander ay tila nakahinga ako ng maluwag at sobrang bilis ng bawat paghinga ko. Aaminin ko na mas lalo siyang gumwapo siya kesa noon.  Pagkabalik ko ng store ay kaagad kong niligpit ang mga kalat. Dahil sa pagod sa nangyari kanina ay bigla tuloy akong ginutom. Habang kumakain ay nakatulala ako sa tv pero ang aking isipan ay lumilipad sa hangin. Naaalala ko pa rin ang araw na iyon at kung paano ko tanggihan ang mga alok niya sa akin pero hindi ko naman pinagsisihan iyon. Kinabukasan ay naging busy ako sa trabaho bilang sekretarya ni Coen. Maraming mga board members ang dumating kaya tahimik na nakatayo lamang ako sa gilid ni Coen at pinapakinggan ang mga sinasabi nila. Nakikinig lang ako sa nagsasalita sa harapan hanggang si Coen na ang sumunod. Napatitig ako ng marinig ang manly nitong boses lalo na kung paano siya magsalita ng fluent na english na may kasamang accent.  Siguro may girlfriend na si sir Coen. Sa ganyang kagwapong nilalang sino ba naman ang aayaw hindi ba?-- teka sinabi ko bang gwapo siya? Argh! Ano ba itong nangyayari sa akin? Stop over thinking about him Samantha. Pinunta mo dito trabaho hindi paglalandi. Ng matapos na ang meeting ay sinabi ko sa kanya ang mga susunod niyang schedule at may kameetings siya ngayon na isang tao. Nanigas ang buo kong katawan ng basahin ang buong pangalan ng taong makakameeting ni Coen ngayon.  "Hey!" Sigaw ni Coen dahilan para mabalik ako sa huwisyo. "Are you going to stand there?" Iritado nitong tanong.  "Co-- I mean sir Coen hindi po bang si miss Niana na lang ang makakasama mo sa meetings--" "No." Madiin niyang sagot. Hindi pa nga ako tapos magsalita sinagot niya kaagad. Hindi ako pakali dahil pakiramdam ko ay nahihiya pa rin ako kay Sander dahil sa akin ay nagkaroon ng record ang kapatid niya sa presinto.  Pagkasakay sa kotse ay nag-isip na ako ng mga gagawin para makaiwas. Alam ko na! Bakit hindi na lang ako tumambay sa restroom habang nag-uusap silang dalawa? Siguro makakatulong din iyon. "Miss Maniego are you still with me?! I'm asking you." Natauhan ako ng marinig ang galit na boses ni Coen. "Sorry sir ano nga ulit iyong tanong mo?" napahilot naman ito sa sentido niya habang katabi ako. "Nevermind." Kahit kailan ang init talaga ng ulo ng lalaking 'to sa'kin. Habang abala sa pagtitipa ng cellphone si Coen ay abala naman ako sa pag-iisip ng gagawin. Ilang minuto lang ng makarating na kami sa restaurant kung saan magkikita si Coen at Sander. Nilibot ko ng tingin ang buong restaurant hanggang sa nakita ko na si Sander at itinuro iyon kay sir Coen. "Why are you still standing there?" Kunot noong tanong nito. "Ahh gagamit lang ako ng restroom pero babalik din naman ako sir Coen--" "Bilisan mo lang dahil kailangan ko ng sekretarya." Putol nito sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi at tumango-tango. Pagkaalis ni Coen ay dali-dali akong naglakad papunta sa restroom ng mga girls. Napatitig ako sa salamin at napamura sa inis kaya pinagtinginan ako ng mga tao dito.  "Sorry." Paghihingi ko ng tawad at naghilamos na ng mukha. Marami ang tumitingin sa akin dahil sa paghilamos ko at bumungad sa akin ang mga mata nila na puno ng paghanga. Teka sa akin ba sila nakatingin? "Miss magkano ang pinaretoke mo? Gusto ko sanang doon na lang din." Masayang saad ng isang babae sa harapan ko. Nagdikit ang kilay ko at biglang kumulo ang dugo ko. "Tama siya grabe ang ganda mo parang natural iyang retoke sa mukha mo." Hindi ko na mapigilan ang mainis kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Mukha bang retokada itong mukha ko?! Natural beauty ito at kahit kailan ay hindi ako na nagpagawa sa mukha ko!" Inis kong sigaw sa kanila at naglakad na palabas ng restroom. Kainis ang kapal naman nilang sabihan na retokada ako purkit natural lang itong ganda ko.  Nawala na ako sa mood kaya umupo na ako sa tabi ni Coen habang busangot ang mukha. Mukhang nagulat pa si Coen sa pagdating ko kahit si Sander ay nakatingin din sa akin.  "What happened?" Kunot noong tanong ni Coen pero hindi ko siya pinansin at tinitigan ko lamang ang notebook na hawak ko.  "Samantha?" tawag ni Sander kaya napatingin naman ako at ngumiti. "Hi," bati ko rito at napansin ko naman ang kakaibang tingin ni Coen na mababanaad sa mata ang pagtatakha. "Hindi ko inaasahan na magkikita tayo ulit." 'di makapaniwala niyang sabi. "Ako rin." Pagsisinungaling ko kahit sa simula pa lang ay alam ko na magkikita kami.  "Mr. Leunco." Natigil ang pag-uusap namin ni Sander ng magsalita si Coen. "Are you accepting my offer?" sabay lahad ng kamay ni Coen sa akin kaya inabot ko naman sa kanya ang kontrata. Napaisip pa si Sander bago tinanggihan ang contract. "Sorry Mr. Salazar pero babasahin ko muna ang nilalaman nitong kontrata bago ko pirmahan." Aniya. Ramdam kong hindi nagustuhan ni Coen ang naging sagot ni Sander pero nagtimpi siya at tumayo. "Sure I'll wait to your answer to my offer," saad nito ay nilahad ang kamay. "Its nice to see you by the way." Nakangiting tumayo naman si Sander at halatang walang kahit anong kaplastikan ang ngiti nito. Tinanggap niya ang kamay ni Coen na nakalahad. "Nice meeting you too Mr. Salazar and you, Samantha." Sabay tingin niya sa akin. Tumango lamang ako at umiwas ng tingin. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa ginawa ko.  Naglakad na palabas si Coen at sumunod naman ako sa likuran niya. Pagkapasok niya sa kotse ay tumabi na rin ako dito. Nakunot ang noo ko ng maglabas ito ng alcohol at inispray sa kamay niya.  "Bakit mo nilagyan ng alcohol iyang kamay mo?" Aaminin kong nakakaoffend iyong ginawa niya.  "I don't like him even his smile." Malamig niyang sambit. Napangisi na lang ako dahil sa kinilos niya. Napakasama talaga ng ugali. "Why? You like him?" Nagdikit bigla ang dalawa kong kilay dahil sa tanong niya. "Hindi no!" Ngumisi din ito sa sagot ko kaya tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Walang nag-imikan sa aming dalawa at napatitig na lang ako labas ng bintana nitong kotse. Pansin kong abala lang si Coen sa kakapindot sa cellphone niya. Napahinto siya sa ginagawa niya ng biglang tumunog ang tiyan ko. Napakamot ako sa batok ng maalala na hindi pa pala ako nagtanghalian dahil nandoon si Sander kaya nahihiya pa rin ako. "Manong can we stop at the restaurant near us?" Sambit nito na kinatango naman ng personal driver ni Coen. "Yes sir." Napansin ko na huminto ang sasakyan sa isang restaurant na tingin ko ay isang italian style. Pagkababa ng kotse ay nakasunod lang ako kay Coen at laking gulat ko na halos lahat ng mga nagtatrabaho dito ay kilala siya. "Magandang araw po sir Coen," ngiting bati ng isang dalaga na ang lapad ng ngiti. Tinanguan lang siya ni Coen na parang walang pakialam hanggang sa huminto kami sa isang pwesto na malayo sa mga tao. "Order what you want," aniya at sinimulang umorder ng pagkain niya. Kagagaling lang namin sa isang restaurant kanina hindi ba diya kumain? "Are you going to stare at me?" Iritable nitong tanong kaya mabilis kong kinuha ang menu at umorder ng pagkain. Nang makita ko ang presyo ng mga pagkain ay napanganga ako sa gulat. Dahan-dahan akong napaangat nang tingin kay Coen na ngayon ay nakataas ang kilay. Order ko na lang pala ang hinihintay. "Tubig na lang ako," nakangiti kong tugon pero mas lalong nag-usok ang tenga ni Coen. "Seriously?!" Galit nitong tanong habang hinihilot ang sentido hanggang sa inorder na rin niya ang pagkain na katulad ng sa kanya. "Ang mahal ng mga pagkain dito." Pagmamaktol ko.  Napangisi naman siya hanggang sa hindi na kami nag-usap pa dalawa at napapansin ko na lang ang mga tingin ng tao sa paligid. Halos lahat ng mga ito ay nakatingin kay Coen na puno ng paghahanga ang mga mata hanggang sa may babae ang lumapit at naglapag ng maliit na papel. "Hi, I'm Vina--" "I'm not interested." Napasinghap si Vina dahil sa biglang pagsalita ni Coen habang abala sa kakapindot sa cellphone.  Gusto kong matawa dahil napahiya ang babaeng ito kaya napairap naman siya at naglakad paalis sa pwesto namin. Napatikhim ako dahilan para mapatingin sa akin si Coen ng magkadikit ang kilay.  "Salamat nga pala ulit sa palibre." Nakangiti kong sabi pero umiwas lang siya ng tingin na parang walang pakialam sa sinabi ko.  Nang dumatin na ang pagkain naming dalawa ay nagsimula na akong kumain habang si Coen naman ay umiinom lang ng kape habang nakatingin pa rin sa cellphone niya. Ng maalala ko ang sinabi ng Mom niya ay bigla kong kinuha ang cellphone dahilan para manlaki ang mata niya. "What are you doing?" iritable nitong tanong. "Kumain ka muna bago mag-cellphone. Bilang isangsecretary mo ay responsibilidad ko na panatilihing nasa maayos na kalagayan ka." sagot ko dito.  Napansin ko ang pamumula ng tenga niya at mukhang hindi ata niya nagustuhan ang ginawa ko. Mabilis niyang inagaw sa kamay ko ang cellphone niya at sinamaan ako ng tingin. "Yes, you're my secretary but my private life isn't your responsibility anymore." Walang emosyon nitong sabi at nagsimula nang kumain.  Ewan ko ba pero natamaan ako sa sinabi niya. Ang hilig mo kasing mangialam sa buhay ng asungot mong boss 'yan ang napala mo, napahiya ka tuloy. Bulong ng munting boses sa isipan ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na nagsalita pa.  Nang matapos nang kumain si Coen ay nauna na siyang pumunta sa kotse kaya naiwan akong nakaupo habang hindi pa rin tapos sa pagkain. Kahit kailan ang aksayado talaga ng lalaking iyon pagdating sa pagkain.  Kahit hindi pa ako tapos sa pagkain ay tumayo na ako at lumapit sa counter. "Ah sir pwede po bang ibalot at itake-out na lang ang natirang pagkain?" tanong ko sa counter at napatango naman siya. "Yes maam, sandali lang po."  Tumayo na lang muna ako sa gilid habang hinihintay na ibalot ang natirang pagkain. Siguro pag-uwi ko na lang kakainin ang natira, sayang naman kasi ang mahal kaya ng pagkain dito. Inabot na sa akin ng waiter ang pagkain at nagpasalamat naman ako.  Pagkalabas ko ng pinto ay nanlaki ang mata ko ng makita si Coen na nakatingin sa akin. Kumaway pa ako sa harapan niya dahilan para ma-realize niya na nasa harapan niya ako. "Ayos ka lang ba?" Napataas siya ng kilay dahil sa tanong ko. "Ang tagal mo!" Sigaw nito at naglakad pabalik sa kotse. Anong nangyari sa lalaking 'yon? Biglang sumigaw wala naman akong ginagawang mali. At tsaka sinabi ko bang hintayin niya ako?  Napailing na lang ako dahil sa masungit kong boss at sumakay na rin sa sasakyan. Nagsimula ng magmaneho si manong pabalik sa companya at pagkarating doon ay nauna pang bumaba si Coen kesa sa aming dalawa ni manong.  "Mukhang wala ata sa mood ngayon si Sir Coen," sabay kamot ni manong.  "Nako araw-araw naman talagang masungit ang isang 'yan hindi na ako magtataka pa." Sagot ko kay manong at lumabas na din ng kotse. Mabilis kong sinundan si Coen at mabuti na lang ay naka-abot pa ako sa elevator kung hindi ay maiiwan talaga ako at bubungangaan na naman niya. Pagkabukas ng elevator ay malalaki ang hakbang na ginawa ni Coen kaya nahirapan akong sumunod sa kanya at pagkapasok sa loob ng opisina at tinanggal niya ang coat kasabay ng pagluwag sa neck tie. "What is my next meeting?" Umiling naman ako sa tanong niya. "Wala na po Sir pero mamayang gabi ay may dinner po kayo kasama ang Lolo niyo." Napahinto siya kasabay ng pag-upo sa swivel chair. "What is the exact time?"  "8:30 po sa hotel din na pagmamay-ari ng Lolo niyo," pagkabasa ko sa hawak kong papel na naglalaman ng schedule niya.  "Bring me a gift for him." Natigilan ako dahil sa sinabi nito. "Ako sir?" Habang nakaturo sa sarili ko.  "Sino pa ba ang nandito? Alangan ikaw," galit nitong sagot. "Teka, wala akong alam sa mga--" "Don't tell me you didn't read the articles about my grandpa?" Napakamot naman ako sa batok kasabay ng pagtango habang tumatawa ng mahina. "Yes sir." Napahilot naman siya sa sentido at mukhang hindi maganda ang aura nito. Mabilis kong binago ang mood dahil mukhang anumang-oras ay sasabog na talaga siya. "Ako na pala ang bahala sa gift."  Napatingin naman siya sa akin na may pag-aalinlangan hanggang sa wala na siyang nagawa pa kung hindi ang tumango.  Nagmamadali akong umalis para pumunta ng mall na malapit dito sa company. May tatlong oras pa naman akong natitira para makahanap ng magandang regalo para sa Lolo ni Coen. Mabuti na lang ay may pera akong dala sa wallet ko dahil nalimutan ko nga palang manghingi ng pera kay Coen. Malas! To be continued... A/N: Patawad po kung matagal akong mag-update dahil medyo kinakapa ko pa ang oras at tinapos ang BL na ginagawa ko. Sa mga hindi pa po nakakasali sa group ko sali na po kayo  para laging update(Hoaxxe Stories) at i-follow niyo na rin ang iba ko pang acct. FB GROUP: HOAXXE STORIES INSTAGRAM: ALDWINALO TWITTER: HOAXXE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD