Maaga pa akong nagising at nag-ayos dahil pupuntahan ko ang address na ibinigay sa akin ni Elaine.
"I can't believe that I'm entering a Mafia group," saad ko habang nakatingin sa salamin na nagsusuklay ng buhok.
Ngayon ko lang na realize na sana pala ay dinala ko ang sasakyan ko noong umalis ako. Sobrang hassle kasi mag commute lalo na at sobrang traffic sa daan.
Lumabas na ako sa hotel na tinuluyan ko at tumungo sa elevator. Kasabay ko naman ang isang mag-ina na nasa anim na taong gulang palang siguro ang anak.
"Hey, you're pretty," saad ng batang lalaki sa akin kaya napangiti ako sa kanya.
"Thank you, baby boy!" sagot ko naman sa kanya.
Bigla naman siyang sumimangot kaya kinabahan ako sa nanay niya.
"I'm no baby boy. I'm already a grown up kid," sagot niya naman sa akin kaya bahagya akong napatawa.
"Oh my bad! That's good to hear," pahayag ko sabay ngiti sa kanyang Mommy na nakatingin sa akin.
Nang makarating na kami sa first floor ay nauna na akong lumabas. Sumakay narin agad ako sa taxi na nasa labas lang ng hotel.
Bumaba na ako sa sinasabi nilang address. Napatingin naman sa akin si Manong Driver na puno ng pagtataka ang mukha.
"Sigurado ho ba kayong dito po kayo bababa, Ma'am?" tanong niya naman sa akin pagkatapos kong magbayad.
Tumango naman ako. "Opo. Sige po salamat," sagot ko at agad nang lumabas.
Nasa tapat naman ako ng isang abandonadong warehouse ngayon. Wala namang katao-tao kaya nagtaka ako.
"I'm in the right address right?" tanong ko sa sarili ko sabay kuha ng phone ko.
Hindi ko naman kasi alam kung papasok ako sa loob dahil wala namang tao. Sabi kasi sa akin kagabi ni Elaine na siya mismo ang sasalubong sa akin.
Tatawagan ko na sana ulit ang number niya nang may isang sasakyan ang tumigil sa harap ko. Nagulat ako nang makitang isang Porsche Taycan 4s sa harapan ko ngayon. Why the hell would this rich person ever visit this kind of place with a porsche?
Dinaanan lang ako ng sasakyan at dumiretso na ito papasok sa warehouse. Napatingin naman ako dahil bigla nalang bumukas ng bakal na pintuan nito at agad din na isinara nang makapasok ang sasakyan.
"What the hell am I doing here?" saad ko sabay hawak sa noo ko.
Akma na sana akong maglalakad palabas, pero may narinig naman akong mga yapak kaya agad akong napalingon.
"Andrea you're finally here!" saad naman sa akin ni Kyril.
Dalawa sila ni Elaine ang palapit sa kinaroroonan ko ngayon kaya naglakad narin ako papasok.
"Actually, I was about to leave when you guys didn't show up," sambit ko naman.
Napanguso naman sa akin si Elaine na palagi niyang ginagawa kaya bahagya akong napatawa.
"Sorry Andrea, hinintay pa kasi namin na makabalik si Boss kaya kakalabas lang namin," wika niya pa.
Tumango nalang ako bilang tugon. Sumunod na ako sa kanila hanggang sa makapasok na kami. Nagulat naman ako dahil ibang-iba ang mukha ng warehouse sa loob keysa sa labas.
"I never thought magiging ganito ka ganda ang lugar sa loob," wika ko naman kay Elaine habang bumababa kami sa hagdan.
Minimalist ang style ng lugar. Hindi halatang mga Mafia members ang mga nandito. It actually feels like home for me.
"Hey Elaine! Who's with you?" tanong naman sa kanya ng isang lalaki nang makarating na kami sa lugar.
"Stop it Rob," sagot naman sa kanya ni Elaine.
Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Kanya-kanya sila ng mga ginagawa at grupo. Halos dalawampu siguro kami lahat dito sa loob, at dahil sobrang laki sng space ng lugar ay kasyang-kasya ang lahat.
Nasulyapan ko naman ang kasama nila Elain at Kyril kahapon na si Mr. Poker Face, si LJ. Hanggang ngayon ay seryoso parin siyang nakatingin sa akin.
"Where are we going?" tanong ko kay Elaine dahil patuloy parin kaming naglalakad.
"Meeting our boss, and be an official member of our Gang," sagot niya naman sa akin sabay pakita ng maliit na tattoo ng aso sa kanyang kamay kaya nanlaki ang mata ko.
“Is that a real tattoo?” ‘di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
I’m starting to regret now kung bakit pa ako sumali sa grupo na ‘to. If only I wasn’t stubborn enough to defy my Dad, pero kasi he’s too much so I think I’ll go with this.
“Yup! So are you ready now? There is no turning back, Andrea,” sambit ni Elaine sa akin kaya napahinga ako ng malalim.
“I’m ready.”
Nang makarating kami sa tapat ng isang french door ay napatigil muna ako ng isalng segundo. Maya-maya pa ay pinihit na ni Kyril ang door knob kaya pumasok na kaming tatlo. Since ako ang nahuling pumasok kaya I closed the door faintly.
“Who is she?” tanong ng isang lalaking nasa mid-40’s ang edad na naka stroller suit attire and started checking upon me head-to-toe.
I glanced at the guy who is lying on red chaise lounge na akala mo ay walang tao sa paligid. I soon diverted my gaze at the guy na nagtanong kung sino ba ako. He might be the leader of this group.
“She’s the new recruit, Capo,” sagot naman ni Elaine.
I’ve been hearing about this Caporegime since I was young and I think he is the head of this Crime family. Hindi ko akalain na ngayon ako na mismo ang papasok sa isang Mafia group. What would my family say if they knew I’m a member of a criminal institution group? This is insane!
“Andrea!”
Nagulat naman ako ng bigla akong tawagin ni Kyril.
“Sorry, I passed out,” sagot ko naman sabay ngiti sa kanila.
Nilapitan naman ako ng Capo and he started to examine my look.
“You looked familiar, Andrea. Are you a member of a tycoon family?” tanong niya pa kaya kinabahan na ako.
Ayokong idamay nila ang pamilya ko kaya I should keep my low profile. “I’m not, Sir I mean Capo,” deritso kong sagot sa kanya.
Tumigil naman siya sa harapan ko at tinitigan ako ng seryoso. “Why are you here? What is your purpose in joining our crime—”
“What a stupid question.”
Napatigil naman ang Capo nang biglang magsalita ang lalaking nakahiga sa chaise couch kanina.
“Don’t interfere Bryan, my prudence isn’t long enough for you child,” saad naman ito.
He’s scary! Although mahinahon ang pagkakasabi niya, pero I can sense the danger in his mouth.
Tumayo naman ang nakahigang lalaki kanina sabay harap sa amin. Tinapik naman ako ni Elaine kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat naman ako nang makita na ngiting-ngiti siya sa lalaki.
“Just let her join our group and be my partner,” saad ng lalaki sabay tingin sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.
What? Be his partner?
Lumapit naman siya sa kinaroroonan ko sabay ngisi. I’m starting to hate this guy in front of me!