Narrator: Lumipas ang dalawang araw at nakabalik na ng trabaho si Lyresh. Pagdating niya ng opisina ni Zyaire ay wala ito. Nadatnan niya muli si Mrs. Valencia na hindi niya ikinatuwa. Naging malungkot ang kaninang excited niyang mukha. "Asan ho si sir Zyaire?" mahinang tanung nito. "Hindi ko alam at hindi rin pwedeng ipaalam." "Pero bakit? Bakit hindi pwedeng ipaalam? San ba siya nagpunta?" muling usisa ni Lyresh na ipinagtaka ng matanda. "Teka! May special connection ba kayo ni Don Zyaire?" nakangiting tanung ni Mrs. Valencia.. "Naku! Naku! Wala ho.." pagtanggi ni Lyresh na pinawi pa ang paningin sa matanda. "Alam mo iha matagal ko na din nakasama si Don Zyaire sa trabaho.. Ganyan siya kapag alangan sa sitwasyon.." "Anu hong ibig nyung sabihin?" nagtatakang tanung ni Lyres

