[STEFANO POV] SA RESTAURANT Simula ng sunduin ko si Yanah sa lobby hindi pa din ito nagsasalita masyado. Ramdam kong may gumugulo sa isip niya. "May problema ba?" tanung ko sa kanya. "Wala.. Wag mo kong pansinin.. Kumaen ka lang dyan.." nakatungo ito at pinaglalaruan ng tinidor ang natirang pagkaen sa plato niya. Ang lalim ng iniisip niya. "Sino bang iniisip mo?" tanung ko muli sa kanya. Mukhang alam ko na kung sino pero gusto ko pa din sa kanya manggaling. "Wala nga Stef.. Wag ka ng makulit.." sambit nito, medyo iritable na. "Si Zyaire?!" singhal ko at bigla siya nag angat ng mukha saka tumingin sakin. "Alam mo naman pala so bakit tinatanung mo pa.."nagsalubong ang kilay ko at nanigas ang panga ko. Si Zyaire nanaman. Wala siya ngayon dito sa Pinas kaya hindi ko siya

