[YANAH POV] Magdadalawang araw ng walang paramdam sakin si Stefano matapos niya akong sabayang magbreak nung isang araw na malungkot ako dahil nasa Canada na si Zyaire. After niya akong sunduin at ihatid that day, wala man lang tong tawag o message na madalas niyang gawin. Nakakapanibago aminin ko man sa hindi. Anu kayang nangyari sa isang yun. Hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko ang Mansion kung saan kami unang namalagi ni itay at baka may nakakalam sa kanila kung saan nauwi si Stefano. Nagdoorbell ako at isang kasambahay ang pinagbuksan ako.. " yes anu ho yun?" ngumiti ako at bumati ng good evening bago nagsalita. Inabot na ako ng gabi dahil tinapos ko pa ang trabaho ko. "Amm ako po si Yanah yung nagligtas ho kay Don Zyaire.. Nagstay ho kami dito ng itay ko ilang araw din p

