[ Ciara's pov ] Ilang araw na ang lumipas at napapadalas na ang pag-init ng ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Naiinis rin ako sa tuwing naamoy ko ang pabango ng asawa ko. Ewan ko ba, pero para saakin ay ang baho niya kapag nag-papabango siya! Pero ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, hawak-hawak ko ang kutsilyo habang nakatutok sa kanya. Natutuwa akong nakikita siyang natatakot sa akin. "Gusto ko ng mangga!" Saad ko habang nag-iisip pa ng mga gusto kong kainin. "Iyon lang?" "Yung walang buto, hilaw hah? Pero gusto ko matamis!" Sabi ko pa at muling itinutok sa kanya ang kutsilyo. "What?! Saan ako kukuha nun? Hilaw na manggang walang buto, tapos gusto mo matamis? Eh hilaw nga!" Tumaas naman ang kilay ko dahil nagrereklamo siya. "Hahanapan mo ako o hahanapan mo ako?!" Mas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


