—WARNING—
Please expect the sensitive content. The topic is more about Violence Against the Woman or so called (Marital Abuse). Physically and Emotionally abusive may destroy your self-worth and lead to anxiety/depression.
PROLOGUE
"Tyron, please.. let me go. I-I'm begging you, please." Pagsusumamo ko na bitawan ako nito, but instead of listening to my dramatic plea, nagpatuloy lang siyang kaladkarin ako patungo sa madilim na kulungan kung saan niya ako madalas dalhin at ikulong sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang mga ginagawa ko.
"Would you shut the hell up? Did you even know that you ruined my life? You ruined everything, Ciara Hilvano. You ruined everything! At ngayon umaasa kang pagbibigyan kita sa mga ginawa mo? Hell no. I will make you suffer for everything that you did. Hangga't nasa puder kita, puro paghihirap ang mararamdaman mo. Naiintindihan mo? I will make you feel kung paano magkaroon ng mala-impyernong buhay, just like how you made me feel since you came to my life."
Hindi ko napigilang maibagsak ang mga luhang namumuo sa aking mata nang sambitin niya ang mga linyang iyon, hindi makapaniwalang ako ang sinisisi niya sa hindi ko naman kasalanan.
'It's not my fault to give my love for you, Tyron.'
"Just.. please, let me go, nasasaktan na ako." Pilit na pagpupimiglas ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi. Ngunit hindi niya ako pinakinggan, bagkus ay naramdaman ko lang siya mula sa aking likuran na bahagyang yumuko dahilan para maramdaman ko ang kanyang hininga na tumatama sa aking pisngi.
"I will make sure that you will regret everything. Pahihirapan kita hangga't nakikita kitang humihinga." Hindi man nakikita ngunit alam kong masama ang kanyang tingin. Matapos niyang sambitin ang linyang iyon ay malakas niya akong itinulak papalayo sakanya dahilan para masubsob ako sa sahig. Hindi ko mapigilang mapapikit at mapahiyaw nang dahil sa sakit.
"Tayo!" He commanded but I didn't move. Sobrang sakit na ng katawan ko para tumayo pa, halos wala na akong makita at nagsisimula ng magdilim ang paningin ko. Paano pa akong makakatayo.
"Tumayo ka!" He exclaimed. I had no choice but to tried what he wanted, but I just ended up lying on the floor.
Nanginginig, Nanlalambot at Nanghihina. I cant really do it anymore, hinang-hina na talaga ang katawan ko.
"H-hindi ko na kaya.." nanghihinang bulong ko sa sarili. Naramdaman ko ang mabigat na yabag ng mga paa nito na papalapit sa akin at naupo sa harapan ko.
"Bakit ikaw pa?" Umangat ang paningin ko sakanya nang sambitin niya iyon, ngunit sana ay hindi nalang ako tumingin dahil ramdam na ramdam ko ang galit at lamig ng kanyang mga tingin. Hindi ko kayang labanan. Napayuko na lamang ako.
"Bakit kailangan mo pang sirain ang buhay ko?"
"Bakit ba nabuhay ka pa!" Bulyaw nito na ikinagulat ko dahil naramdaman ko nalang na may malamig na bagay na dumikit sa noo ko.
A.. gun?
"No.. no. Tyron, please, h-huwag.." Nanlalaki ang mga matang pigil ko sakanya nang dahil sa takot at gulat.
"Do you know what will happen to you once I shoot this damn gun to your head, huh?" Nakangising tanong niya dahilan para lalong bumilis ang t***k ng puso ko at balutin ako ng kaba't takot.
"P-parang awa mo na, tama na." Naiiling na pagmamakaawa ko sakanya habang pilit na humuhugot ng lakas.
"You'll die. Pero dahil masarap sa tenga na naririnig ko ang hinaing mo habang pinahihirapan kita," he put down the gun.
"Patatagalin ko ang buhay mo."
"You still have a chance para makapag-paalam sa mga mahal mo sa buhay na wala namang pakialam saiyo. Go for it. Pagbibigyan kita." Saglit akong natigilan nang mahina niyang sabihin iyon, napako ang nanlalabo kong paningin sakanya nang tukuyin niya ang mga magulang kong kinamumuhian ako.
"Totoo naman, hindi ba? Kaya nga ipinakasal ka sakin dahil pabigat ka lang sa kanila." Masama ang tinging ipinukol niya sa akin. Hindi ko mapigilang mapayuko at mapahinga ng malalim dahil wala na akong luhang mailalabas pa, pagod na ang mata at katawan ko. Hindi ko na kaya.
"Worthless!" Kasabay ng pagtulak niya sa akin papasok sa loob ng madilim at masikip na kwarto ay ang pagkawala ng aking malay dahil sa pagka-untog ng aking ulo mula sa pader.
' I'm sorry..'
' I'm sorry if I'm not with having for.'