Chapter 3

2165 Words
CHAPTER THREE [ Tyron's pov ] "Hony, hindi ka pa ba uuwi?" Napalingon ako kay Hannah nang tanungin niya iyon habang kumakain kami sa isang japanese restaurant. "Mmm, bakit? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko, pero umiling siya. "No. I mean, ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Saan ba? Sayo? Papapasukin mo ba ako?" Tanong ko, pero mukhang mali ang pagkaka-tanong ko, dahil mali rin ang naisip ni Hannah sa sinabi ko. "T-teka, hindi!" Natatawa kong saad, habang sinasangga ang mga hampas niya. "Bastos ka!" "I mean, sa bahay mo, Hon. Papapasukin mo ba ako sa bahay mo. H-hindi sayo." Napapakamot sa ulong pagtatama ko habang pahina ng pahina ang boses. "Ewan sayo!" "Pft, pero no, hindi ako uuwi." Sagot ko, dahilan para kunutan niya ako ng noo. "Ano? At bakit? Baka nakakalimutan mong mag-isa lang si Cia sa bahay niyo?" Aniya. "Ayoko nga," nakasimangot na pag-kontra ko. "Hindi, umuwi ka. Walang kasama si Cia." "Pero, Hon.. ngayon lang naman eh," pamimilit ko pa. "No. And when I say no. It really means no. Isipin mo nga ang kalagayan ng asawa mo." Naniningkit na suway nito sa akin, dahilan para lalo akong mapabusangot. "Ayoko nga sa kanya, I don't want to be with her and she'll never gonna be my wife." "Stop it. Ikinasal na kayo, sa ayaw at sa gusto mo, siya pa rin ang asawa mo." "I still don't like her. Bakit ba pinagpipilitan mo ako sa babaeng 'yon?” "Eh bakit rin ba tanggi ka ng tanggi?! Asawa mo siya-" "Sa papel,” dagdag ko. "She's just my wife in a contract paper, but she will never own me. Never. I don't care is she gets hurt. She deserve it anyway. Magdudusa siya hangga't nakikita ko siya. Sinira niya tayo noon, kaya sisirain ko rin siya ngayon." "Tyron, watch your words.” "What? Tama naman ako." "No, you're not." "Yes, I am. Palibhasa masiyado kang mabait, kaya awang awa ka sa babaeng 'yon." Kunot noong sambit ko. "Fine! Oo, galit rin ako sa kanya. Pero Hon, listen. Hindi mo siya kailangan tratuhin ng gano'n. I'm yours and you're mine naman na ulit. Kaya please, kalimutan mo na. Why don't you just forgive her?" Napabuntong hininga na lang ako. "Hon, remember, babae pa rin siya, katulad ko. Paano na lang kung ako 'yung na sa posisyon niya, sasaktan mo pa rin ba siya?" Muling tanong niya. Saglit akong napatitig sa kanya, pilit na iniintindi ang sinasabi niya. I know she's right, but I can't help it. Galit ako at hindi ko siya mapagbibigyan. FLASHBACK Nakangiti kong pinagmamasdan ang singsing na binili ko kanina lang. I can't wait to hear her say yes. Alam kong kahit hindi ko pa siya tinatanong ay alam ko na agad ang sagot niya, pero hindi ko pa rin mapigilan ang puso ko na dumagundong sa sobrang saya. It's been five years simula nang makuha ko ang matamis niyang oo, but this time. I need to hear her answer again but not as to be my girlfriend but as to be my future wife. Balak ko ngayong mag-propose sa kanya at wala siyang kaide-ideya sa plano ko. Pati ang lugar kung saan ko siya dadalhin mamaya ay ayos na, ang sagot niya na lang talaga ang kulang. "Tyron? Son, come here." Bumaling ang atensyon ko kay Dad nang marinig ko ang pagtawag nito sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya nang makita ko kung gaano kaganda ang ngiti niya. Dad knows about my plan. He knows I'm going to propose to Hannah at ngayon ang araw na iyun. I'm happy dahil he supports me with everything. "Yes, dad?" "Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Nakangiti pa rin na utos nito sa akin. "Saan naman po tayo pupunta, Dad?" Nagtatakang tanong ko. But he just smiles on me. Bahagyang nagkasalubong ang dalawang kilay ko. Kung binabalak niyang mag-suggest ng mas magandang lugar kung saan ako dapat mag-propose kay Hannah. Hindi na. I already found one. Pinigilan kong huwag mangiti sa harap ni Dad. His smile is suspicious kaya naman alam kong may binabalak si Dad na gawin. What's with that smile, dad? "You'll see." "Sige na, magbihis ka na dali." Pagmamadali nito, naguguluhan man ako sa inaakto ni Dad. Pero nagbihis na lag din ako dahil pakiramdam ko ay matutuwa ako sa kung ano mang pinaplano niya. Pagkatapos kong magbihis ay agad naman kaming umalis. Ang weird dahil buong byahe ay nakangiti lang si Dad. 'Seriously. What's going on? What's wrong with my dad?' May hindi ba ako nalalaman? Sanay na akong lagi nakangiti si Dad. But this one's really weird. Hindi ko mabasa kung anong inaakto niya. I admit that I feel excited dahil pakiramdam ko may kinalaman 'to sa gagawin kong proposal kay Hannah mamaya. But there's a side of me na kinakabahan. Nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan namin ay agad kong ipinukol ang paningin ko sa building na pinag-hintuan namin. "GREAT HILVANO'S RESTAURANT?" Pagbasa ko sa karatula na may kulay na gold at black sa harapan ng building. "Anong gagawin natin dito, Dad?" Tanong ko. Don't tell me ito ang napili niya na setting kung saan gusto niya akong mag-propose kay Hannah? No way. Cheap. "Just follow me, Tyron." Saad ni Dad, kaya sumunod na lang ako tulad ng sinabi niya. *Ting!* Saglit kong sinilip ang phone ko at wala sa wisyong napangiti nang bumungad ang mensahe ni Hannah sa akin. "Hey, hon. Where are you?" Tanong nito, agad naman akong nagtipa sa phone ko para makapag-reply. "May pinuntahan lang kami ni Dad, I'll see you later." Reply ko naman. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil iniimagine ko na kung gaano siya magiging masaya sa proposal ko. "Okay, I will wait for you. I love you!" Tugon niya, napangiti naman ako. Ita-type ko pa lang sana ang 'I love you too' nang hablutin na agad ito ni Dad mula sa kamay ko. "Cellphones are not allowed, Tyron." Suway ni dad sa akin. Nagtaka pa ako dahil sumeryoso na ang reaksyon niya. Hindi ko na nakita pang muli ang magandang ngiti niya kanina. Wala na rin naman akong nagawa kaya pinabayaan ko na lang. I'm sure Hannah will understand na hindi ako nakapag-reply agad. "Good Afternoon, Mr. Collins." Nakangiting bati sa kanya ng matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40's na. Who are they? Magiging kasabwat ko ba ang mga 'yan sa magiging proposal ko? "Is he your son?" Tanong nito kay Dad habang nakatingin sa akin, nakita ko namang tumango si daddy. "Yes." Sagot nito habang nakangiti. "Come, take a seat." Pag-aaya naman nung babae na mukhang asawa nung lalaki. Napatingin ako sa babaeng kasama nila na sa tingin ko ay ka-edaran ko lang din. Who are they? Ang effort naman yata ni Dad masiyado kung pati ang mga 'to gagawin niyang witnessed sa magiging proposal ko kay Hannah. "This is my daughter. She's Ciara Hilvano." Pagpapakilala ng tatay niya sa anak niyang babae na ngiting-ngiti ngayon sa harap ko. "He's Tyron Collins, my only son." Pagpapakilala din sa akin ni dad. 'Teka, bakit kailangan pang ipakilala? Ano bang meron?' "Hi, it's my pleasure to meet you, Tyron." Nadapo ang paningin ko sa palad nung babae nang ilahad niya iyon sa harap ko. "Ah, yeah. Same to you." Tugon ko at nakipag kamay habang awkward na nakangiti. 'Ano ba kasi talagang meron?' "So, kailan ang kasal?" Rinig kong tanong ni Mrs. Hilvano, habang hinihiwa ang pagkain sa harap niya. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. 'Kasal? Sino namang ikakasal?' "I think, it's better kung ang mga bata ang mismong mag-dedecide. Para naman makapag ready sila." Nakangiting suggest ni Mr. Hilvano. 'Bata? Sino ba?' "Son, you should talk to your fiancee." Baling sa akin ni Dad na agad nakapag-pakunot ng noo ko. "What? Fiancee?" Pagkaklaro ko, sa tingin ko ay namali lang ako ng dinig. Imposibleng kami ang ikasal. "Yes, fiancee. Ms. Hilvano whom will be your wife." 'A-ano?! Kami ang ikakasal?!' Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang dahil sa gulat. "Dad, no! Bakit kami ang ikakasal? How come did you agree with this? You even know that I have a girlfriend and we're almost engage, Dad! May mahal akong iba at ayokong ikasal sa kanya-" "Break up with her, then." Nangunot ang noo ko at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinagot ni Dad. Break up with Hannah?! Break up with my f*****g future wife?! What the hell?! Is he insane?! Gusto niyang makipag hiwalay ako kay Hannah na halos limang taon kong pinaghirapang kunin? At ngayong malapit na kaming ikasal ay bigla niya akong ipapatali sa iba? And worst hindi ko pa kilala! What the hell! This isn't happening! Someone please f*****g wake me up if this is just a nightmare. 'No way!' "No, hindi ako magpapakasal sa iba. Walang magaganap na kasal! Tapos!" Galit na saad ko, at saka naglakad paalis. Tangina. Pakiramdam ko ay pinagtulungan ako ng mundo. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ramdam na ramdam ko ang galit sa dibdib ko pati na rin ang pamumuo ng luha da gilid ng mata ko. Damn it! What on earth is happening?! I can't believe this. Hindi ko akalaing ito ang plano ni Dad! I thought payag na siya sa proposal ko kay Hannah? Tapos biglang ganito? f**k. Narinig ko namang nagpaalam si Dad sa mga kausap niya bago ako sinundan. Agad akong sumakay sa kotse at ikinuyom ang mga kamao ko. Hindi ito pwede! "Tyron!" Tawag sa akin ni Dad. Alam kong galit siya dahil nagawa ko siyang ipahiya sa harap ng mga ka-business niya. "Dad, look! Ayokong magpakasal sa kanya, please, respect my decision! Alam mo naman na ngayong araw ako dapat mag p-propose kay Hannah, hind ba?" Nadidismayang sambit ko. I'm really frustrated, bakit kailangan mangyari 'to? Ano bang ginawa ko para pahirapan ako ng ganito? Gusto ko lang namang mag-propose sa babaeng mahal ko pero bakit biglang nagka-ganito? Isn't it too unfair? "Yes-" "Then, ano 'to?" "Hindi mo naiintindihan, Tyron." "Then make it clear, Dad! I really don't understand! What's this all about?!" Bulyaw ko. Saglit itong napabuntong hininga at umiwas ng tingin. "Nanakawan tayo ng malaking halaga sa kompanya." Tugon niya, dahilan para bumagsak ang mga balikat ko. "Ano? paano naman? Kailan pa? Paano naman nangyari 'yon, Dad?" Nanghihinang tanong ko. "I.. I don't know, magagawan ko naman ng paraan 'yon, pero we still need help para hindi malugi at bumagsak ang kompanya natin. You know me, Tyron. Hindi ako humihingi ng tulong sa kahit kanino kapag alam kong kaya ko, pero this one. I really need your cooperation, Tyron, please. I decided to have a deal with Hilvano's Company, just to survive our company.” Dad. "Pumayag sila na tutulungan nila ako. But in one condition, you need to marry their daughter. Do you really think that I haven't think of this? Of course, I did, Tyron. For so many times, iniisip ko rin 'yung proposal mo kay Hannah, pero wala akong magawa dahil sila na lang ang pag-asa natin.” Bumuntong hininga ako. "How about Hannah, dad? I love her. I can't leave her. This can't be dad. Ayoko sa iba." Nawawalang pag-asa na saad ko, naguguluhan. "I know. I understand, but please.." Tuluyan ng bumagsak ang nga balikat ko. Ayoko namang bumagsak ang kompanya namin, pero ayoko rin namang magpakasal sa babaeng 'yon. I don't even know her. Hindi ko rin kayang iwan si Hannah. Damn this life. "Please, son. Ito na lang ang tanging paraan." Hindi ko alam ang gagawin ko. I need to do something, hindi pwedeng matuloy 'to. That girl, I need to talk to her. END OF FLASHBACK Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko nang maaalala ko rin kung paano ako nagmukhang tanga na ilang beses na nagmakaawa sa kanya matigil lang ang kasal. Noong araw na rin na 'yon ay tinuloy ko ang proposal kay Hannah dahil umaasa akong magagawan pa ng paraan ang arrange marriage na pinlano nila. But I failed. She still forced her own parents na ituloy ang kasal. Wala akong nagawa kundi magpakain sa dilim at iwanan si Hannah ng mag-isa kahit sobrang labag sa loob ko. I did my best para pakisamahan ng maayos si Ciara matapos naming ikasal, dahil kailangan namin ng kapit sa pamilya nila para muling umahon ang kompanya namin. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko na siya mismo ang nagpumilit sa magulang niya na gawin ang arrange marriage na 'yon ay kumukulo ang dugo ko. I regret begging Infront of her. Pinagsisihan kong pilit kong pinakisamahan siya noong una, dahil naniniwala ako na wala lang rin siyang magawa kahit anong pilit naming itigil ang kasal. Pero nang malaman ko ang katotohanan ay tuluyan na akong nawala sa wisyo, nilunod ko ang sarili sa alak sa sobrang pagsisi dahil pinaniwalaan ko siya. But I was wrong because she betrayed me. It's her fault. It's all her fault.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD