[ Ciara's pov] "Dalian niyo! Jusko, ngayon alam ko na ang feeling ng nasa train to busan!" Sabi ni espren, habang tumatakbo kami. Sabay-sabay kaming tumatakbo ngayon, dahil paano ba naman! Bigla nalang may mga humabol sa amin na mga tao kanina nung hinihintay namin yung order namin! —Flashback— "Ito nalang sa akin." Turo ni Raiza sa isang soup, pero mukhang special siya. "Pakuha nga ng tubig, grabe nakakauhaw." Sambit ni Tyler. "Hey man, Look at the girl beside us. She looks like the missing girl, isn't she?" "Omyghad sis, tignan mo! 'Yung babae na naka-puti, banda sa kabilang table, hindi ba siya 'yong nawawala? Pilipino din pala siya." "Oo nga, 'no? Lapitan kaya natin?" Rinig naming bulungan sa paligid namin, napansin naming lahat 'yon, dahil paano ba naman, halos lahat sila ay

