One

1560 Words
🚫PLEASE BE AWARE THAT MY STORY CONTAINS SENSITIVE TOPICS THAT ARE NOT SUITABLE FOR AGES 21 BELOW. _________ Palakad-lakad si Lily sa eskinita, nagbabakasakaling makahanap pa ito ng tanso at mga karton ngunit wala na itong makita dahil naubos na ata ng mga batang kapwa nito mangangalakal. Ngunit hindi pa rin ito sumuko at naghanap pa rin sa mga sulok-sulok dahil kung hindi nito gagawin, siguradong wala na naman itong makakain. Wala kasi itong kinain kahapon pa lang kaya puro inom na lang ito ng tubig para pampalipas ng gutom pero hindi pa rin iyon sapat dahil gutom na talaga ito . "Lily, bakit ka pa narito? Gabi na," aniya ng matalik na kaibigan ni Lily na si Jemboy, isang matabang batang lalaki, nangangalakal rin si Jemboy dahil iniwan rin ito ng sariling mga magulang. Hindi alam ni Lily kung bakit nararanasan ng mga bata na katulad niya ang malupit na pagtrato ng isang magulang. Sa pagkakaalala nito, naging mabait naman ito na anak at kahit kailan hindi nito nagawang maging pasaway dahil ayaw nitong makadagdag sa problema lalo pa't isa itong pipi. Tumingin naman ito kay Jemboy na may malungkot na mukha. Alam ni Jemboy ang kalagayan nito sa madrasta ngunit wala itong magawa dahil ano bang maitutulong ng batang pakalat-kalat rin sa lansangan. "Pinagalitan ka na naman ba ng masama mong madrasta?" aniya uli ni Jemboy kaya naman tumango si Lily na kinabuntong-hininga ng Kaibegan. "Tutulongan na lang kita," suhestiyon ng Kaibegan nito ngunit umiling lang si Lily. Maging ang kamay nito ay nagawa rin nitong igalaw upang iparating sa kaibigan nito na hindi na kailangan magpagod para sa kanya. Kahit isa itong pipi, ayaw nitong maging pabigat sa ibang tao lalo na sa kaibigan nitong katulad niya na naghihirap din sa buhay. " hmm" saad ni Lily sabay wagayway ng dalawang kamay nito.nakakapaglabas naman si Lily ng tunog ngonit hindi nito nagawang makapag salita at hindi rin nakakabuo ng salita, Hindi nakapag-aral si Lily sa isang pang piping paaralan dahil sa kawalan ng kakayahan na pag-aralin ito ng mga magulang. Kaya pinagtiyagaan na lang si Lily ng ina nito noon na turuan ng sign language. Pero hindi ibig sabihin na malawak na ang kaalaman nito sa pag-aaral. Kung tutuusin, inosente pa rin ito sa lahat ng bagay o tamang sabehin isa itong mangmang. Kaya kahit hindi man nabubuo o naiintindihan ang mga salitang nilalabas nito, naiintindihan pa rin naman iyon sa pamamagitan ng pag-senyas ng kamay. Sa bawat paggalaw ng mga kamay ni Lily, may katumbas iyon na mga letra. Mabuti rin at nakakaintindi si Jemboy ng sign language dahil nag-aral talaga ito ng sign language sa pamamagitan ng nakikita nito sa dyaryo para lang magkaintindihan sila ni Lily. "Tutulongan na lang kita dahil sobrang gabi na at baka mapano ka pa dito sa daan," senserong saad ng kaibigan ni Lily. Alam nitong mapanganib sa isang tulad nitong babae na magpa lakad-lakad sa kalaliman ng gabi pero nasasanay na rin ito kaya siguro hindi na ito nakaramdam ng natatakot. Ginalaw na naman ni Lily muli ang kamay . Maging ang daliri nito ay hinuhugis rin para ipahiwatig sa kaibigan nitong hindi na kailangan at magpahinga na lamang ito. "Sigurado ka?" tanong ng kaibigan nito. Kaya naman agad itong tumango at ngumiti. "Sige, aalis na ako. Mag-iingat ka, Lily," paalam ni Jemboy bago ito tuluyang umalis. Si Lily naman ay kumaway muna bago ito nagpatuloy maghanap ng maari nitong pagkakitaan. Hanggang sa mapadpad ito sa pinakasulok na lugar kung saan wala masyadong pumupuntang tao. Natatakot man ito ngunit kailangan nitong labanan iyon para may maibenta lang ito bukas ng umaga. May kadiliman rin ang bahaging kanyang nilalakaran. Mayroon namang ilaw ngunit tila patay-sindi iyon at hindi pa masyadong maliwanag dahil konting konti na lang talaga at tuluyan na iyong mawawalan ng ilaw. Napaigtad naman ito bigla ng may marinig itong kaluskos ,pero kalaunan ay hindi na lamang nito pinansin dahil baka nag-iilusyon lang ang isip nito dahil sa takot. Ngunit hindi maipagkakailang nagsisimula ng magsitayuan ang mga balahibo nito. May naririnig na naman kasi itong kaluskos pero hindi lang basta kaluskos iyon, isa ng boses na nahihirapan. Napatingin naman ito sa paligid ng napagtanto nitong wala na palang ilaw ang nilalakaran at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para makita pa rin nito ang dinadaanan. Mas lalo pang lumakas ang takot ni Lily dahil sa biglang paglakas ng ihip ng hangin na mas lalong nagpanginig sa kalamnan nito dahil sa lamig. Maging ang mga dahon ng puno ay gumagalaw rin dahil sa hangin. Ang mga mahinang ungol kanina na parang nasasaktan ay mas lalong lumalakas at malinaw na boses iyon ng Isang lalaki. Hindi alam ni Lily kung anong ginagawa nila pero ang alam lang nito ay nanggagaling ang tunog na iyon sa likod ng puno. Ayaw nitong lumapit ngunit parang may sariling utak ang mga paa nito at kusa na lang naglakad patungo sa punong kung saan nito naririnig ang boses ng lalaki. Sobrang dilim rin ng bahaging nasaan nakatayo ang puno at dahil sa kuryosidad lakas loob itong tumingin sa kung saan nanggagaling ang boses kanina. Biglang nabalisa at napatakip si Lily sa kanyang bibig ng makita nito ang isang bulto ng lalaking walang awang pinagsasak-sak ang isa pang lalaking nakaluhod at tila nawawalan na ng lakas dahil sa bumagsak na lamang ito. Nagpatuloy ang pagnginig ng tuhod ni Lily at mas lalong napahigpit ang pagtakip nito sa kanyang bibig ng biglang lumingon ang lalaking walang awang nagsasaksak kanina. Hindi nito alam ang gagawin at ramdam na ramdam na nito ngayon ang pawis na tumutulo sa noo dahil sa naghahalong takot at kaba. Hindi man nito tuluyang naaninag ang mukha ngunit sigurado si Lily na isa itong lalaki dahil na rin sa anino at hulma ng katawan nito. "Oh, it seems like I have an audience," nakangising sabi ng lalaki habang sinasabay pa nito ng nakakatakot na tawa. Gusto ni Lily batukan ang sarili dahil sana nakinig na lamang ito kay Jemboy. Sana hindi na lamang ito pumunta sa ganitong kaliliblib na lugar. lukob na nang takot ang kalamnan ni Lily Kaya wala na itong ibang naiisip Kondi tumakbo nalamang sa pagtakbo nito rinig na rinig nito Ang mga yabag ng di kilalang lalaki Parang pakiramdam ni Walang silbe ang pag takbo nito Kong mahuhuli lang naman ito ng lalaki. Pakiramdam ni Lily ay naliligo na ito ng sariling pawis sa kakatakbo habang naghahabol ng hininga. Hindi nito alam kung saan ito patungo dahil parang nawala ata ito. Ang kanina kasing patay-sindi na ilaw sa poste ay tuluyan ng binawian ng liwanag, kaya wala na itong makita kundi puro dilim. "That's right, run!" parang demonyo kung makapagsalita ang lalaki habang nasisiyahan ito sa pagtakbo ni Lily na hindi magkanda-ugaga. Sa di inaasahang pangyayari, biglang napatid si Lily ng malaking bato, dahilan ng pagkadapa nito pati Kasi liwanag ng buwan na pag-asa nito upang maka aninag biglang nawala . Napapikit at napa daing naman ito ng masubsub ang panga sa damo. Kahit masakit iyon, hindi nito ininda at sinubukang tumayo mula sa pagkakadapa. Ngunit hindi na nito natuloy ng may maramdaman itong patalim sa likod . Hindi talaga malabong malaman na isa iyon patalim dahil sa sobrang lamig at talim . Hindi makagalaw si Lily nang sumipol ang lalaking nasa likod nito ngayon at bahagya pang nilalaro ang likod nito gamit ang patalim. Gayon na lang ang pag-igtag ni Lily nang walang pasabing binuhat ito ng matikas na lalaki para paharapin ito sa kanya. Hindi malaman ni Lily ang nararamdaman nang hinawi ng lalaki ang hibla ng buhok nito at inipon iyon sa likod ng taynga . "Look at me," mautoridad na utos ng lalaki kaya naman walang pag-aalinlangan iyon na sinunod ni Lily dahil sa takot na baka saktan siya nito. Kahit pa hindi masyadong maliwanag ang kinaroroonan nila, maliwanag pa rin nakikita ni Lily ang mukha ng lalaking kaharap nito ngayon. Mangmang man ito, hindi parin naman ito tanga para hindi malaman kung ano ba ang katangian ng isang lalaki para matawag itong gwapo. At ang nakikita nito ngayon ay sobra pa sa salitang gwapo. Marami na itong nakikitang modelo sa mga magazine dahil sa pangangalakal nito, pero tila hindi tutumbas ang mga itsura ng mga modelo sa magazine sa kaharap nito ngayon. Matangos ang ilong nito, makapal ang kilay at mahaba ang pilikmata. Nakakapansin din ang kulay asul nitong mata na seryosong nakatingin dito . Hindi naman mapigilang ni Lily na mapatingin sa mapupulang labi ng lalaki tila ng-aakit. Ngunit kahit gaano pa ka-gwapo ang mukha nito, hindi parin matatabunan ang takot na nararamdaman ngayon ni Lily nang maramdaman nito ang patalim dala ng lalaki na bahagya pang nilalaro ngayon sa pangibaba nitong suot. "mhm," tinig ni Lily dahil gusto lang sana nitong ipabatid sa lalaki na itigil nito ang ginagawa, kahit alam naman nitong walang silbe iyon dahil wala naman itong nabubuong salita. Kaya naman ay iginalaw na lamang nito ang kamay para gamitin ang sign language. "What's that for? Are you mute?" nakangising aniya ng lalaki. Hindi mabasa ni Lily ang iniisip ng lalaki pero pakiramdam nito natutuwa ang lalaki na isa itong pipi para hindi na nito magawang sumigaw pa. "How poor you're my little p. but don't worry, you're coming with me," huling anas ng lalaki bago ito sinikmuraan dahilan ng pagwala ng malay ni Lily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD