Gumising akong masakit ang aking gitna. Tinatanong ko si Riley kung bakit dahil daw ito sa ginawa namin kahapon. Hindi ko na maintindihan ang sunod pa nitong mga sinasabi dahil sa sobrang sakit ng gitna ko, parang may malaking sugat. Hindi rin ako makalakad, kahit kaunting galaw o hakbang ko 'di ko magawa. Umiyak ako kanina hindi lang sa sakit kundi sa takot na baka malumpo ako pero ang sabi naman nila sa akin hindi raw ,kaya nakahinga agad ako. Andito ako ngayon sa sala kasama si Riley. Umalis daw muna sandali si Rashma, may bibilhin lang daw itong gamot para sa akin. Pinapanood ko ang paborito kong palabas habang sinusubuan ako ni Riley ng ice cream. Ito lang muna raw kasi hindi pa bumabalik si Rashma. Humingi pa ito ng pasensya dahil hindi nito maibigay ang gusto kong kainin hindi raw

