Gumising na lang ako na nasa bahay na kami ng mga asawa ko, bumangon ako sa higaan namin nang hindi ko makita sila. Sinubukan kong tumayo sa kama hindi ko mapigilang matuwa nang makalakad na ako ulit na hindi masakit ang aking gitna bahagya pa akong tumalon para masiguradong ayos na talaga ako. Nang wala na talaga akong maramdaman na sakit, lumabas ako sa silid napatingin rin ako sa aking suot na nag-iba na, siguro binihisan ako nila pagdating namin dito hindi na kasi ako gumising dahil sa sobrang antok. Nang makababa ako ng hagdanan nakita ko ang dalawa kong asawang seryosong nag-uusap lukot ang kanilang noo para bang iritado at may problema. "We need to go now twin" rinig kong aniya ni Rashma bago ako makalapit sa gawi nila, nang mapansin ako ni Riley agad ako nitong nilapitan at gano

