Kinagabihan matapos mag hapunan ay agad pumasok si Athena sa sariling silid at hinanap ang box phone, pagkabukas ay una nitong nakita ang papel na nakatupi.
Linapag niya pa ang iba sa kama saka naupo at binasa ang laman ng papel.
---
I just want to apologize, again and again if it could just undo what I did... I will say it hundred times.
I shouldn't have done that,
It's not appropriate I know but I can't control myself. Kapag kaharap na kita, hindi ko na kilala sarili ko.
Again I'm sorry.
Babawi ako sayo pagbalik ko, for now pinapaubaya kita kay Paolo at Tina.
-kuya
---
"Ahhh! Nakakahiya!" naalala nanaman niya kung gaano siya kabaliw at hinayaan nga ang lalake.
"Siraulo ka Athena!" saka siya dumapa saka kama at pilit inaalis sa isip ang mga pinaggagagawa.
Maya pa'y tinignan niya ulit ang papel saka mabilis na tinupi at inipit sa isa sa mga libro niya doon. Binalingan naman niya ang phone at pinulot,
pagka-on ng phone una niyang tinignan ang simcard, nakalagay na ito at naroon na nga din ang contacts.
Alas onse na ng gabi nang magsawa siya kalikutin ang phone nang biglang tumunog ito.
Calling Kuya Nathan...
"Ha? Bat naman tumatawag to? anong oras na ba sakanila?"
Nag aalangan ay sinagot pa din niya, "Finally" isang malalim na boses ang tumambad sakanya,
mula sa pagkakahiga ay naupo si Athena sapo sapo ang dibdib. Hindi niya alam bakit bumilis ang t***k ng puso niya.
"Are you not going to talk?" kakagising naman ni Nathan dahil alas singko na din ng umaga at papasok pa siya sa opisina, bigla naman nawala ang antok niya nang marinig sa kabilang linya ang malalalim na hinga nito.
"Ah, k-kuya... Napatawag ka?" pilit kinakalma ni Athena ang sarili, palakad lakad ito sa kwarto at nagtatanggal ng kaba.
"Wala naman, gusto ko lang malaman kung ginagamit mo na ba yang phone. Obviously yes" saka ito tumawa at nanatili pang nakahiga.
"Well, kinakalikot ko pa kasi di ko pa sanay to." sagot niya saka balik na naupo sa kama at humiga.
"It's 11pm there, bat gising ka pa?"
"Nawili ako" saka ito tumawa
"Sige na, matulog ka na at papasok pa ko sa trabaho. Good Night."
"Good Morning kuya" saka niya pinatay ang tawag at dumapa at sinaklob ang unan sa muhka.
"Ahhhhhhhh!"
Hingal na inangat ni Athena ang muhka saka naupo, "Puso kumalma ka, kuya mo siya. Mula ngayon ayus ayusin mo mga desisyon mo sa buhay." hawak niya lang ang phone saka muling humiga at pilit natulog.
...
Nang malaman na nagagamit na ang phone ay dumadalas na ang tawag sakanya ng magulang, from 1 to 3 times a week ito kung tawagan. Sabi ay magfocus siya sa pag aaral, at baka din makaistorbo sila kaya lumimit pa ang tawag sa once a week.
Di naman iyon pinansin ni Athena dahil kadalasan wala din siyang masabi. Wala naman siyang makwento dahil nasa loob lang naman siya ng bahay at di lumalabas.
Dumating ang unang kaarawan niya bilang isang Alberts at di manlang siya tinawagan ng mga ito, may natanggap lang siya na padala mula sa mga ito pero wari niya ay scheduled delivery yun.
Si Tina at Paolo naman ang naghanda para sa kaarawan niya, masaya dahil naalala nila ang kaarawan niya.
"Athena, may sorpresa ako sayo." tawag ni Paolo mula sa kotse. Nakatayo ito sa likod at binuksan ang tarangkahan nang makalapit si Athena at bumungad sakanya ang isang malaking blue na bear.
"Ito ba yung bear sa arcade?!" tuwang saad ni Athena at yinakap ang kapal kilay na bear. "May daddy bear na si Pablo!" tawang saad ni Athena at kinuha ang bear na halos kasing laki niya.
"Daddy bear ko pala yan?" tatawa tawang saad ni Paolo saka tumingin kay Tina na nanonood sakanila saka siya kumindat. Tumango naman si Tina at tinulungan si Athena sa dala na mailapag sa sofa.
"Halika may ibibigay din ako sayo" hawak ang kamay ni Athena ay hinila niya ito sa silid at binuksan.
"Kyaaa! Mommy bear!" isang light blue bear na may maliit na pulang puso sa pisngi ang bear na bigay naman ni Tina. Nakaupo ito sa kama at halos singlaki niya din. Mas malaki nga lang ang bigay ni Paolo. Yumakap ito kay Tina saka linapitan ang bear at kinuha iyon.
Habang inaayos ang pwesto ng naglalakihang oso sa silid ay napangiti si Athena, "Thank you kuya Pao, ate Tina"
Binalingan niya ng tingin ang dalawa na inaayos ang feathered carpet sa ilalim ng mga oso.
"Para sa favorite little boss namin, wala yun." saad ni Tina saka umakbay. Ginulo naman ni Pao ang buhok niya saka tumabi at naupo sa kama.
"Ikaw kuya Pao, effort sa pagkuha kay daddy Pao ah"
Ngumisi naman ito at tinitigan lang ang dalawang bear, "Para sayo"
"Yieee!" yumakap naman dito si Athena at hinila si Tina, "Best birthday ever!"
Nagtawanan nalang sila saka bumaba at kinain ang mga handa, maraming hinanda si Tina at Pao kahit tatlo lang sila kaya namomroblema ang mga ito kung pano uubusin yon.
"Alam ko na!" saad ni Athena saka nagpunta sa isang cabinet at linabas ang mga canister at linapag sa mesa. "Hati hatiin natin lahat tas ipamigay natin sa labas." ngiting suhestyon ni Athena
"Magandang ideya" inumpisahan naman ni Tina at Athena na lagyan ang mga canister habang si Paolo ang tagalagay sa plastic bag.
Di kalayuan sa slump area ay itinigil ni Paolo ang kotse at linabas ang ilang bag ng pagkain. Tumulong na din si Athena at Tina sa pagbubuhat at isa isang binigyan ang mga tao doon. Tinago niya ang muhka sa sumbrero at mask na suot habang nakasunod sila Paolo at Tina.
Dumami bigla ang tao at mabilis naubos ang dala, ngunit nagtaka si Athena dahil may mga delivery car ang dumating na may dala ding mga prepared meals.
"Sino mga yan?" tanong niya kay Paolo, agad na napatingin doon ito at mabilis na lumapit. Nag abot ito ng pera saka inutusan na ipamigay ang lahat ng dala sa mga di pa nakakatanggap.
Napanganga nalang si Athena at tumingin kay Tina na nakatayo sa tabi at inalis niya ang sumbrero habang pinapanood ang mga delivery man. "Prepared"
Lumapit naman sakanila si Paolo at ngumiti, "Tama ako na kulang ang dala natin, sa pagkakaalala ko 1thousand plus ang residente dito. Mga taong 2019 pa yun."
Napangiti naman si Athena at pinanood ang mga nakapila na residente, "Ang saya pala magbigay" saad niya
"Tama ka" saad ni Tina at tahimik silang umalis. Saglit pang kinausap ni Paolo ang mga nagdeliver bago umalis.
Pagkasakay na pagkasakay ng kotse ay biglang isang malakas na bangga mula sa likod ng kotse ang gumulat sakanila. Halos umusok ang kotse ng bumangga mula sa likod.
"ATHENA SKYE!" sigaw ng isang lalake na lumabas mula sa kotse, hawak ang isang bakal na baseball bat ay hinampas nito ang windshield sa likod na agad nabasag. Nanlaki lang ang mata ni Athena nang makita ang halos dumikit sa muhka niya na bakal.
Madaling lumabas si Paolo at Tina, walang sabi sabi at sinugod ni Paolo ang lalake habang nakastuck pa ang kamay nito sa di mahilang baseball bat.
With his left arm he grabbed the guys collar and punched him straight to his nose that made him step back and release the bat. Not satisfied yet, he didn't release the guys collar and pushed him back to his own car until he was leaning there. He doesn't care if Athena is watching or whoever is, he just want this guy plead for what he did.
"Kuya Pao!" sigaw ni Athena, habang pinipigilan ni Tina na makalapit.
Looking at her was a mistake, his attention flew and didn't notice the guy pulling out a knife. Before he notice a sound of gun and two metals hit each other that all made them silent.
A sly facade was seen on Paolo's face before turning his head to the guy. He is shaking and slowly turning his head down to his empty hand.
"Di mo kilala ang kinakalaban mo." he let go of the man before kicking him in the face that instantly made him sleep.
"Whoa! Wait wait wait! Kindly explain this to me?!" kumawala agad si Athena sa pagkakahawak sakanya ng kilalang katulong at tumitig sa baril na hawak habang sinusukbit sa holder na nakatago sa bitni niya. Wearing her maid outfit, of course no one would notice.
She then face Paolo dragging the guy to the sidewalk and not noticing the cluster of people watching in silence.
"At home, doon na tayo mag usap. Marami na masyadong nakakita satin." agad na napatingin si Athena sa paligid at gulat na napatakbo sa loob ng kotse dahil di na niya suot ang mask at cap.
"Paktay!"
Nang makasakay ay dinig na nila ang ingay ng mga ito, bagaman nalilito. Pansin nila ang tuwa at pagchi-cheer ng mga ito.
"Is that a good news?" tanong ni Paolo sabay tingin kay Athena mula sa rearview mirror.
Dumungaw naman sa bintana si Athena at nagkibit balikat, "Sana"
"Kailangan natin maglinis ng kalat" saad naman ni Tina na nangalumbaba sa bintana habang nakaupo sa harapan.
"Baka pag namukahan ako, lalo akong patay sa pulis."
"Wag kang mag aalala, di na mangyayari yun." saka ito ngumiti at nagpatuloy na nag maneho.