Alas nueve ng Biyernes ng gabi nang maisipan kong maglakad lakad sa may tunnel. Bihira naman itong daanan ng mga tao dahil liblib. Kaya malakas ang aking loob na tahakin ang madilim na daan. Tanging patay-buhay na ilaw lamang ng tunnel ang nagsisilbing liwanag. Bahagya kong kinapa ang aking bulsa para hanapin ang aking cellphone. Iyon nalamang ang gagamitin kong pang ilaw baka makatapak pa ako ng ahas sa dinaraanan ko. Nang makapa iyon ay agad kong pinindot ang Flashlight at nagpatuloy sa pagtahak sa daan. Nais kong magpunta sa Dreame Village. Isa iyong lugar kung saan matatagpuan ang mga taong payak lamang ang pamumuhay pero sagana sa lupain at sakahan dito sa Japan. Isa iyong charity village na pinagawa ng Japan Government para sa mga taong nangangailangan. Naroon ang mga taong nawala

