France Ae Rheys Donmeza
Grade 8 Section B
Nakita ko agad ang hinahanap ko sa bulletin board.
Section B pala ako?
Okay. Akala ko pa naman Star Section. Ang high standard naman ng school na to para maging Section B lang ang 99.9 na average.
Makapunta nalang nga sa classroom. Kainis.
Dahil first day, walang flag ceremony dahil nag aadjust pa lahat sa school. This is really exciting.
Napangiti nalang ako at naglakad na papuntang building.
Hmm..
Ayun!
Agad kong tinapat sa glass door ang ID ko saka ako nakapasok sa loob. Buti nalang nung admission dito nagawa na yung ID namin sa Photography room. Kaya ang pagtingin nalang sa bulletin board ang nakakahassle samin ngayong first day.
Umakyat na ko gamit ang escalator at tiningnan ang mga sign board. Okay! Medyo mataas sa ikaapat na palapag pa ang Section B- Fidelity.
Kaya naglakad ako paikot at sumakay ulit ng escalator. Hayyy! Kung alam ko lang elevator nalang sana.
Kaya ayun naisipan kong nasa ikalawang palapag palang naman ako. Why not?
Nag elevator nalang ako.
"Hi. Excuse me, miss? Naliligaw ka yata?"takang tanong ng lalaking nakasabay ko. Napatingin naman ako sa mga nakasabay ko sa elevator. Lahat sila lalaki.
"hmm? Yes? No. Why?"takang tanong ko dito.
"Section B is only for boys.."
Section B is only for boys
Section B is only for boys
Section B is only for boys
"WHAAAT?!"exaggerated kong sigaw sa sobrang gulat. Late reaction na nga ako e. Pero hayun at ...
"Yeah. Kaya nagtataka kami kung bakit ka nandito? Are you sure na Section B ka?"tumango ako at pinakita yung pinicturan kong nakalagay sa bulletin.
"What's their plan?"wala sa sariling sambit ng lalaki. Their? Who?
Sabay sabay silang lumabas nang tumunog ang elevator senyales na nasa tamang floor na sila. Samantalang ako naiwan sa loob at naghintay na umakyat ang elevator sa last floor.
Bakit? Bakit kaya ako napunta sa Section B? Which is all for boys? Only.
Tinggg....
Agad akong lumabas nang sandaling tumunog at magbukas ang elevator.
Sinuyod ng tingin palibot ang whole floor. Saka nagtungo sa huling glass door.
G8 Section B-Fidelity
Yan ang nakalagay sa taas. Tinapat ko na yung ID ko at nag access agad yun. Sanhi na maari nako makapasok.
I push the door..
And..
Everyone look at me.
I was taken a back katulad nila nang makita ako. Some of them, don't care at all. Yung iba jawdropped.
"Please come in, so? You're the transferee? Right?"ani ng teacher na may mahabang itim na itim buhok nakalugay ito. Tumango ako.
"Good morning, Ma'am?"awkward kong bati. Nginitian lang ako nito at sinenyasang lumapit na agad ko namang ginawa.
"Please introduce yourself.."
"I'm France Ae Rheys Donmeza, 17 y/o from Philippines. Half Spanish, Half Japanese. Please to meet you.."bati ko sakanila. Wala namang nagsalita o kumibo man lang. Pinaupo nako ni Ma'am sa huling part.
"I would like you to know, that I am teacher Jessa Kizamoto. Your G8 Section B Adviser for the whole year.. I wish that every one will learn a lot from me. Thank you."pakilala niya samin. Napangiti naman ako.
Doon nagsimula ang klase. Ngayon ko lang napansin na labinlima kaming estudyante dito. How come? Andaming building tapos labinlima lang kami?
Tapos napatingin ako sa labing apat. Oh my! Ang gwapo nilang lahat. Nahiya naman ako bigla.
As what I observed. Yung isa natutulog, yung isa sobrang daldal, yung tatlo sobrang seryoso, yung isa sobrang tahimik, yung isa sobrang iritado, yung isa nakikinig lang. Yung isa sobrang attentive sa first class ni Ma'am Jessa. Yung dalwa naman tulala lang sa kawalan. At yung isa pa nakikinig ng music at naglalaro. At yung dalwa panay ang pagtingin sa pwet ni Ma'am. PERVERT! ugh!
Anong klaseng room to? I expected pa naman na marami akong magiging kaibigan ngayon.
Halos antukin pa ko sa first subject na History. Yung totoo?
"let's go, I'm hungry.."sabi ng lalaking may kulay dilaw na buhok. He have a blue eyes.
"C'mon Rosh, can't you wait? Kakalabas lang natin."tamad na sabi nung isa.
"Palibhasa wala kang alagang sawa sa tiyan, Cross."ani Rosh, yung yellow hair guy. Sa kasamang may kulay blue na buhok. He's so cold.
"Tss."
"tumigil kana kasi Rosh, ang ingay mo. Bagay kayong magsama ni Ark."natatawang sabi ng isa nilang kasama.
"Ano yan?! Lance! Parang narinig ko nanaman pangalan ko?"inis na sambit nung Ark.
"Who said it?"painosenteng depensa nito. Natawa naman yung isa sakanila. He's the silent type.
"Kita mo pati si Aelon natatawa sainyo."segunda ng isa pa.
So? Yung cute na cute na yun ay Aelon ang pangalan?
"Tumigil ka nga! Chester."ani Ark dito na may kasama pang pagsuntok. Siya ang pinaka maliit sakanila pero ma appeal.
"Ang ingay niyo mga ugok. Can you lower down your voice?"iritableng saad nung may brown hair.
"KJ mo, Aikee."sigaw ng mga kasama niya.
Gad! pang babae yung name. Langya!
"He's telling the truth, c'mon.."segunda ng isa.
"Ano ba yan? Kinakampihan mo nanaman siya Xavier!"reklamo nila.
"No, I'm not."depensa nito.
Inakbayan naman nung isa yung Xavier. "wag niyo pagtulungan si Xavier mga pre. Baka umiyak."asar nung umakbay sakanya sabay halakhak.
"Gago!"ani Xavier.
"inaasar mo nanaman siya Ziegler! Mamaya magkasuntukan nanaman kayo."sermon nang isa.
"not my thing, Zeke don't worry.."walang habas na sabi nung Xavier.
"Can we make it faster? My girls waiting.."sabi nung may abong buhok. He look like a fuckin' playboy in this town.
"Of course! Ashton! Let's go."sabay sabay nilang sambit na para bang nakagawian na nila.
Damn I hate playboy!
Lumipas ang ilaw araw na wala akong mapaglibangan kundi ang obserbahan sila. Saklap naman.
Dun muna tayo kay:
• Aikee Gelo Panganiban: masungit, walang pakielam sa paligid o damdamin ng iba, rude magsalita, mahilig mang irap at mangbully.
• Jake Acob: tahimik minsan depende sa mood, mahilig gumawa ng tula, bully minsan. Maginoong medyo bastos. Mahilig mag aral.
• Aelon Gonzales: sobrang tahimik, man of few words, gentleman, every girl wishin' for.
• Ark Arandia: sobrang daldal, bida bida lagi. Gentleman pero malibog, laging ngiting ngiti, at topakin.
• Lance: Silent type, observer pero maingay kapag kasama ang Section B. Madrama sa cyber pero hindi sa personal. May pagkapilyo.
• Cross: cold, di mo makakausap ng matino, snob at mahilig matulog.
• Ziegler: bully, mahilig makipag away. Nature niya na yun. Babaero at mahilig magsabi ng gwapo siya.
• Zeke: matalino, may prinsipyo at laging nasa tama, di marunong magsinungaling.
• Xander: pinaka masipag, charming, di sweet pero kapag nagsalita kahit sino maiinlove.
• Xavier: masungit, seloso o territorial, pilyo at cold.
• Chester: bad boy pero napaka drama, seryoso magmahal. May kalibugang taglay.
• Ashton: sobrang playboy, pilyo, assuming, mayabang.
• Rosh: isip bata, joker, madaldal, pero maasahan at friendly.
• Cloud: matured mag isip, tahimik, cold, pasulpot sulpot.
Teka nga?! Bakit ito iniintindi ko? Imbes na mag aral. Ugh!
"So? Siya ang maswerteng nilalang na kauna-unahang napunta sa Section B?"
"Yes, sis. Siya nga. How lucky right?"
"tss."
"wag lang sana siyang flirt para di magkaproblema."
"yeah right!"
Natigil lang ako sa paglalakad nang may humarang saking dalwang babae.
"Hi! Transferee ka right? Ako nga pala si Jara Chelle Calderon at ito naman si Shee Casas kaibigan ko. Gusto ka sana naming makilala. Can you be our friend?"alok niya nang nakangiti pa. Tumango ako agad.
"France.."pakilala ko. Tapos sila na mismo nakasama ko sa canteen para kumain at nagtour sa buong Spring High.
This is great, I have atleast two--Friend. From G8 Section C-Diamond. Nice!
Nakakuwentuhan ko sila about sa mga personal na buhay at marami pang iba.
Nalaman ko rin na type ni Shee si Chester. Samantalang may boyfriend si Jara from senior level.
Everything went well. Nalaman ko din na Varsity player pala ang mga mokong. They're aces in the basketball game.