Kinilig ako doon sa aking narinig. Pero hindi ko ipinahalata. Sinimangutan ko siya. "Mahal mo ko? baka mahal bwisitin." pangongonsensya ko sakanya. Ngumisi lang siya sakin saka ako pasimpleng hinalikan nang walang nakatingin. Namula ako bigla. Kahit kelan talaga napakahilig nitong mang gulat. Buti nalang walang nakakita. Kasi alam ko na kahit na ganoon may gusto pa rin ang iba sa'kin. Kaya lang si Aikee lang talaga ang gusto ko. Kahit hindi pa pwedeng maging kami. Naiintindihan naman namin ang isa't isa. "kaya ayokong kasama itong dalawa, masyadong nakakabadtrip at nakakapanakit ng mata." inis na sabi ni Ziegler. Napabitaw naman sakin si Aikee nang marinig iyon. Napailing nalang ang iba naming kasama sa inasta ni Aikee. Nahihiyang yumuko ako at naglangoy paalis ng tubig. Inabutan n

