Lumipas ang mga araw na parang ordinaryo lang. Walang namamatay at walang pinapatay. Walang kahit anong espesyal o karumaldumal na nagaganap o naganap. Pero sa kabila ng maayos at ordinaryong pamumuhay sa loob ng Spring High. Hindi ko alam kung ako lang ba? Pero nakakasanayan ko na manirahan sa loob nito. Kahit na nagsilbing hawla ito dahil di kami makalabas at napakatagal ng pananatili namin dito. Sabi nila kapag nasa labas ka mas masakit, mas mahirap, mas nakakaiyak ang buhay. Mas maraming krimen. Pero kung ako ang tatanungin. Mas mahirap manatili dito sa loob. Hindi mo alam kung anong gagawin mo kapag harap harapan kang nakakita ng pinatay o mamatay. Mas mahirap magtago dahil kahit gaano pa ito kalaki matutunton at matutunton ka pa rin. Hindi mo alam na baka yung taong kaaway mo

